II/IV

3 0 0
                                    

...

"Oh pano ba yan paeng, mukang mag kakahiwalay na tayo ng landas." Saad saakin ni theo habang naka tayo kami at naka hawak sa aming kanya kanyang mga bagahe.

Tumingin ako sakanya, at bakas sa muka niya ang kalungkutan hindi ko mawari kung ano ang dahilan nito ngunit alam kong malungkot sya, kayat tinignan ko sa mata sya at ngitian yung ngiti na mawawala ang aking singkit na mata.

"Mag kikita pa tayo, wag kang mag alala" Saad ko. Saka tinapik sya sa balikat.

"Promise?" Tanong nya saakin sabay taas ng kanang kamay na parang nanunumpa.

Tinaas ko ang aking kanang kamay "Promise" Saad ko na syang nag pangiti sakanya.

Nag lakad na kami kasabay ng nga tao dito na bumababa na ng barko. Mag kasabay pa din kami ni theo ng pag lakad. Hanggang sa hagdan na ng Barko kung saan dalawa lang ang maaring bumaba.

"Masaya ako na nakilala ka Paeng" Saad nya saakin habang naka focus sa nilalakaran.

Tinapik ko sya habang nag lalakad padin at naka tingin sa aming nilalakaran. "Masaya din ako na nakilala ka Theo. Pangako mag kikita tayo, hahanapin kita. Dapat hanapin mo din ako ah?" Saad ko kasabay ng pag tingin ko sakanya.

Nakababa na kami sa hagdan at pupunta na sa paradahan ng mga bus at sasakyan papunta sa aming paroroonan. "Oo naman, hahanapin kita" Saad nya at nag lakad na.

...

Habang nag lalakad kami ay patuloy padin ang aming pag kwe kwentuhan, taga Makati sya samantala ako ay mapupunta sa quezon city dahil nandito naka address ang mansyon na kung saan duon ako mag tra trabaho. Magkahiwalay kami ni nanay ng bahay na pag tra trabahuhan ngunit iisa naman ang aming amo. Yung anak nga lang ang kasama ko samantala siya ay yung magulang. Kayat ayos na din saakin,

Napunta na kami sa mga bus at sasakyan sa baba "sir Theodore!!" Sigaw mula sa malapit. Na syang kina tingin namin dun.

Isang lalaking naka polo at maayos na panamit ang nag lalakad papunta saaming kina roroonan. "Pano ba yan nandito na yung sundo ko" Saad ni theo, na syang kina tingin ko sakanya at tingin din sa lalaking nag lalakad.

"Mag iingat ka kaibigan" Saad ko habang naka akbay sakanya.

Ng makapunta na ang lalaki ay bigla nyang inialis ang kamay ko sa balikat ni theo, at nag labas ito ng pamunas at pinunasan ang balikat nito na syang hinawakan ko. "Wag mo syang hawakan" Masungin na laad nito saakin na syang kina bigla ko.

"No, it's okay his my friend" Tugon naman ni theo sa lalaki. At lumipat sa kaliwang bahagi ko bali kanina ay nasa kanan ko sila ngayon ay nasa kanan ko yung driver nya at si Theo ay nasa kaliwa.

Huminga ito ng malalim at saka tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Wala akong tiwala sakanya, tara na." Saad nito at hinila na si theo.

"Paalam paeng!! See you soonest!!" Sigaw ni theo habang hinihila ng driver nya. Ibinaba ko ang aking bagahe at nag kaway sakanya.

Nakangiti ako habang tinitignan sila. "Paalam!" Ganti kong sigaw at saka ko kinuha ang bagahe ko ng hindi kona sila matanaw dahil sa kalayuan.

Nag lakad na ako papunta sa sakayan ko. Hanggang north edsa lamang ang nandirito, kaya ayun nalang ang sinakyan ko para naman makapag pahinga na sa bahay na pag tutuluyan ko, ang sinabi saakin ni nanay at susunduin nya ako sa sm dun kaya dun nalang ako bababa at lalakarin ko nalang ito.

...

'Woahhh!!?' Manghang saad ko ng maka baba na ako sa bus na sinakyan ko. Bumaba ako sa isang lugar na kung saan puno ng matatayog na mga gusali. Lugar kung saan mabilis ang lakad ng bawat isa. Nakaka panibago, pero eto na to.

"Magandang tanghali boss" Paumpisa kong saad sa isang mamang nakatayo sa di kalayuan sa aking binabaan. Isa itong lalaki na nag bebenta ng mga sigarilyo at candy na nakalagay sa isang lalagyan, tumingin ito saakin na may halong pag tataka. "Saan ho dito yung sm north of edsa?" Tanong ko sa lalaki.

"Dumaan ka dyan sa overpass, tapos kumaliwa ka, sm north nayan" Tugon nito sa tanong ko. Tumingin ako sa tinuturo niya. At dun ko nakita ang hagdag patungo sa sinasabi nyang overpass.

"Marami hong salamat." Sambit ko ng pasasalamat at humakbang na papunta sa sinasabi nyang overpass,.

'Ito ang kauna unahan kong makakatapak sa maynila. At dito sa lugar na ito. Hindi ko alam ang aking mararamdaman pero alam ko namay plano ang maykapal sa akin. At hindi nya ako pababayaan.' Saad ko sa sarili ko. Na syang kina ngiti ko. At nag patuloy sa aking pag hahakbang.

Lumakad lang ako ng lumakad hanggang sa makarating sa isang pintuan namay guardya. "Pwede ho bang mag tanong?" Tanong ko sakanya. Na syang nag paharap sakanya saakin. "Saan ho dito yung pinaka entrance?" Dugtong na tanong ko ulet.

"Bumaba ka dyan sa may eskilaytor dyan, tapos kumanan ka, yun na yung main entrance" Tugon nito sa tanong ko na sya namang kina tingin ko sa kanyang kamay.

Pumasok na ako sa loob ng napaka laking gusali. At dun ko nakita ang mga taong mukang sosyalin samantala ako, mukang taga probinsya, namay suot ng Pantalon na kupas at polo na puti at saka pinartneran ng sapatos na kupas din. Nakakahiya sa mga suotan nila pero ayos lang ang mahalaga ay buhay ako. Hahahahah

Sinunod ko ang kanyang sinabi at nakarating na sa aking patutunguhan. At dun ako umupo sa mga upuan habang hinahantay si nanay, wala akong telepono kaya hindi kami makapag usap sadyang dito lang talaga ang aming kitaan.

Ilang taon kona ding hindi nakikita ang aking ina, kaya ngayon ay nananabik akong makita syang muli, *Cruuump* Tunog ng aking sikmura. "Nagugutom na ako" Saad ko sa sarili.

Binuksan ko ang aking bag at dun ko nakita yung Dalawang pagkain, isa itong krakers namay pamagat na hindi ko maintindihan basta bigay ito ni theo. Napangiti ako at binuksan ito at at saka kumagat ng isa para kahit papano ay mag kalaman ang aking sikmura

...

SUMMER RAIN (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon