...
Habang ako ay kumakain ay tinitignan ko ang bawat dumadaan at bakas sa kanilang mga muka ang kagalakan na ngayon ay nasa lugar na ito na sila. May mga magagarbo ang damit, may iba namang simple lamang at may ibang naka pambahay naman. Masaya sila lalo na ang mga kabataang nandirito upang mamasyal at bumili ng mga bagay na nandirito.
"Eng!!? Engg!?" Dinig kong sigaw mula sa hindi kalayuan. Hindi naman ito malakas, tama lang para marinig ng mga taong nandirito sa upuan kung saan ako umupo.
Napaharap ako sa tumatawag at dun ko nakita ang aking ina. "Nayyy!" Saad ko at tumayo. Lumakad ako papunta sakanya at niyakap sya.
"Ay nako ang aking gwapong anak, malambing padin" Saad nya saakin habang kayakap nya ako.
Napangiti lamang ako dahil sa aking narinig. Namiss ko ang boses nya at ang yakap ng nanay ko, "Namiss kita nay eh" Saad ko habang nakayakap sakanya.
"Namiss din kita anak. Tama na nga ito. Nandito tayo sa harap ng madaming tao, nakakahiya paeng" Saway nito saakin na syang kina kalas ko ng aking yakap sakanya. "Umuwi na tayo, para makapag pahinga kana rin. Alam ko pagod ka sa byahe" Dugtong pa ni nanay. Na syang kina tango ko lang.
Huminga ako ng malalim at tinignan ko ang aking ina. Isang matapang at matatag na babae ang aking nakikita, na kung saan kinakaya nya kaming buhayin at pag aralin. Pero ngayon kinailangan lang na papuntahin nya ako dito dahil na din sa kulang sila ng tauhan at yung anak daw ng amo nya ay walang kasama sa bahay nila,
"Eh nay? Bakit hindi nalang ikaw yung sumama dun sa anak nila madam?" Tanong ko kay nanay habang mag lalakad kami paalis sa pinag kitaan namin,.
Lumakad lamang si nanay habang bitbit ang isang bagahe ko. "Hindi pwede eh, dahil nandun ako sa bahay Nina madam, eh tong si Xavier ayaw na daw dun at gustong mapag isa kaya ayun dun sya sa mansyon nila, kinailangan nga lang talaga nya ng kasama para mag luto at mag linis ng bahay dahil wala syang kamuwang muwang sa mga gawaing yun" Lintaya ng nanay na syang kina tango ko lamang.
"Ilang taon na sya nay?" Tanong ko.
"Kaedaran mo lang yun nak" tugon ng nanay.
Hindi na ako umimik pa at sinundan ko lamang sya. Hanggang sa makapunta na kami sa paradahan ng jeep na kung saan maraming tao na nakapila. "Saan ho kayo babababa?" Tanong ng isang lalaki namay dalang twalya na naka sabit sa kanyang balikat.
"Sa dona carmen" Saad ni nanay na syang kina lahad nya ng kamay.
"Bente pesos dalawa kayo" Tugon nito habang naka lahad ang kanyang kamay.
Dinukot naman ni nanay sa kanyang bulsa ang bente pesos at saka ibinayad sa Lalaki. Pumasok na kami sa loob ng jeep at saka umupo sa ginta nito. Nag antay lang kami ng ilang minuto para mapuno ang jeep na kung saan sasakyan namin at saka ito umalis. Ramdam ko ang init sa loob ng sasakyan.
...
Isang lugar na kung saan puno ng magagarbong bahay sa loob, at tinatawag itong doña carmen. "Wow nay, ang ganda naman rito" Manghang saad ko habang inililibot ang mata ko sa mga bahay na nandirito.
"Masabay kana eng, dahil ito na yung mag sisilbing silungan mo habang nandito ka sa maynila" Naka ngiting saad ni nanay habang naka hawak sa balikat ko.
Bawat bahay na nandirito ay hango sa magagandang kulay at magagandang mga haligi. Basta ang ganda talaga sobra. Hindi ako makapaniwala na may ganitong lugar pa sa mundo. Ang akala ko sa mga palabas at teleserye ko lang ito makikita. Pero ngayon, ito na nasa loob na ako kung saan nakatayo ang mga magagarbong bahay.
Maayos ang lugar, at wala kang makikitang tao sa labas dahil siguro tanghali, pero dun sa probinsya namin. Kahit ganito kainit madami ang lumalangoy sa dagat at kumukuha ng mga bunga ng puno, kayat maganda dun at maingay.
Hanggang sa makarating na kami sa isang bahay na kulay puti, naka balot ito ng puro bakal namay disenyong bulaklak bilang gawing malaking pintuan at kasabay ang mga rehas sa gilid nito, at sa loob naman ay gawa ito sa bato at salamin, maganda ang bahay namay dalawang palapag,
...

BINABASA MO ANG
SUMMER RAIN (BXB)
RomanceAng kwentong ito ay ilalahad kung papaano magmahal ang isang tao, mapa babae man ito o lalaki. Kung papaano nya tiisin ang sakit, para lang maging matatag sa kanyang minamahal. Sakit kung saan gusto na nyang bumitaw ngunit nag babaka sakali syang ma...