I/IV

6 1 0
                                    

...

Isang magandang umaga ang bumungad saakin sa barkong sinasakyan ko, hindi ito ang unang pag kakataon kong makasakay sa barko, ngunit ito ang unang pag kakataon na sasakay akong mag isa. Nakakakaba pero go lang, "Mama? May pagkain kapa ba dyan?" Dinig kong saad ng isang lalaki mula sa di kalayuang pagitan saakin.

Tinignan ko lamang sila at inisip kung papaano kung kasama ko dito ang aking ina. Siguro mas maganda at mas masaya, Hinalukat ng babae ang kanyang bag at ng may makita rito ay ibinigay ito sa anak nyang ng hihingi. *Crummp* dinig kong hinaing ng aking tyan. "Nagugutom na ako" Saad ko sa aking sarili kayat hinalungkat ko ang bag ko at dun ko nakita ang pabaon saakin ni tiyo russel na isang lalagyanan na puno ng tinapay.

Kinuha kona ang lalagyanan kung saan duon nakalagay ang tinapay na pabaon saakin, at ng mailabas ko ito ay binuksan kona ito at kumuha na ng isa, "Ang sarap naman ng amoy nito" Saad ko saka kumuha ng isa at kagat nito. *Yummm*.

Inilabas ko din ang aking tubigan at inilapag ito sa harap na kinauupuan ko. Habang naka focus ako sa pag kain at biglang may nakita akong sapatos sa harapan ko. Kaya binigyan ko ng tingin ito mula sapatos hanggang pataas ng kanyang muka.

Nakita ko ang isang lalaki na naka ngiti saakin at may dalang Malaking cracklings. "Hiii" Saad nito saakin. Isang tisoy na bata na naka ngiti saakin. "Tara sama tayo" Saad nito saakin. Na syang kina usog ko para may upuan sya sa aking tabi.

"Kuha ka oh" Saad ko sakanya. Sabay pakita sakanya ng aking tinapay.

Kumuha sya saakin, at sabay kain ng tinapay na ito. "Wow it's so masarap" Papuri nito sa kanyang kinakain.

"Talaga? Masarap? Youwnnn, mabuti naman at nagustuhan mo. Alam mo gawa yan ng tito ko" Nakangiti kong tugon sakanya habang nakatingin sakanya habang sya naman ay kumakain.

Kumain na din agad ulet ako ng kanina kopang hawak na tipay na hindi naubos. "By the way ano palang pangalan mo? Kanina pa tayo magkausap, hindi kopa alam yung pamgalan mo."Salayaay nito saakin habang naka ngiti.

"Ako nga pala si John Rafael Marquez, ikaw ano ang pangalan mo?" Tugon ko sakanya at saka nilatag ang kamay ko para makipag kamay sakanya.

Tumingin sya saakin at iniabot ang kamay ko. "Nice meeting you Rafael, my name is Theodore Penny" Pag papakilala nito saakin habang nag shake hands kami.

Kumain na ulet ako at tumingin sa paligid. "You look so kind Rafael" pag basag nito sa katahimikan ko, tumingin ako sakanya at ngumiti.

"Papanong kind Theodore?" Tanong ko sakanya na syang kina tawa nya. Kumuha ulit sya sa pagkain na nasa harapan namin at kumain.

"Alam mo yung tipong sa muka mo malalaman palang na mabait yung tao" Naka ngiti sya habang nag kwe kwento.

Napatawa ako dahil hindi naman ako mukang mabait. "Hindi naman ako mabait, masama akong tao" Pag bibiro ko sakanya at saka inistraight yung paa ko. Na para akong naka higa pero naka sandal yung likod namin sa Pader ng barko.

"Wala lang. You look eh" tugon nya saka kumagat ulit ng tinapay, nag kwentuhan lang kami tungkol sa mga bagay bagay. Galing din pala silang cebu kaya pala.

...

Marami akong bagay na napaman tungkol kay theo at isa dito ang kanyang estado sa buhay na kung saan ay sila ay may ari ng isang paaralan dito sa maynila, high school ito ngunit hindi ko na itinanong kung ano ang pangalan ng school kasi muka namang Hindi ako makakapunta dun, kaya pala sya nag barko dahil tumakas ito sa kanyang ate at umuwi ng maynila upang layuan ang ate.

"Ikaw naman paeng mag kwento ka naman tungkol sa sarili mo, puro nalang ako eh" Saad nito saakin na syang kina isip ko.

Inisip ko kung papaano ko sisimulan ang pag kwe kwento. Pero sige go "Lumaki ako sa hirap, haha lima kaming mag kakapatid at pangalawa ako dun, yung ate namin ay may asawa at pamilya na kayat ako na ang nag silbing panganay sa mga kapatid ko, ang nanay namin ay nangamuhan dito sa maynila dun kina madam at boss llovel, kaya eto ako pinapunta ng nanay para tumulong para maging hardinero ng mansyon nila dun sa maynila, nag aaral ako ako ay grade 9 na ngayong taon pero sa kasamaang palad ay baka hindi na ako makapag aral dahil kailangan ko ng mag trabaho" Sanaysay ko sakanya na may halong lungkot sa dulo dahil ayaw kong huminto sa aking pag aaral.

"How sad is that paeng, pero sige kung kailangan mo ng tulong willing to help. Just remember my name Theodore Penny" Nakangiting saad nito saakin na syang kina ngiti ko.

"Maraming salamat theo, asahan ko yan ah? Simula ngayon kaibigan na kita ah? Hindi dahil mayaman ka kaya kita kakaibiganin, kakaibiganin kita dahil mabuti ka at mabait" Tugon ko.

Akalain mo yun makakatagpo ako ng isang kaibigan na hindi lang gwapings may mabuting puso rin. "Alam ko naman yun paeng" Tugon nito at saka tumingin sa dagat. Ngayon at tumayo na kami dahil sa pangangawit na din ng aming pwetan sa kadahilangang kanina pa kami nakaupo. "Ilang taon kana pala?" Tanong nito saakin.

"15 palang ako theo, ikaw ilang taon kana? Pakiramdam ko mag kasing edad lang tayo" tugon ko sa tanong nya.

Tumango sya. "Oo paeng mag kasing edad lang tayo. Siguro mas matanda ako sa bwan kasi March 27 2000 ako pinanganak eh, ikaw?" Sabay naman nya sa tanong ko.

"Ako naman ay October 12 2000 ang Birthday ko, oo nga mas matanda ka nga saakin ng bwan theo" Pag sang ayon ko sa kanyang sinabi.

"" Ang barko ay nasa dauhan na, manatili lamang sa inyong lugar at Kunin na ang bawat bagahe upang makasigurado na walang nawawala, dahil maya maya lamang ay bababa na tayo ""

Dinig naming pag announce mula sa malaking speaker sa taas ng aming kina tatayuan. Iniayos kona ang gamit ko at isinabit na ang aking bag sa aking Balikat.

...

SUMMER RAIN (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon