chapter 19

2.1K 108 0
                                    


Zarina's POV

MGA bandang 3pm ng hapon umuwi ako sa bahay gamit ang aking big bike nagpaalam ulit ako kina Chandler na masama ang pakiramdam ko.

"Bakit ang aga mo?" Tanong ni Kuya Dale ng makita akong papasok sa sala.

Naupo ako sa gilid ng sofa kung saan kaharap ko siya tiningnan ko ang kanyang mukha kung may pasa ba ang ginawang pagsuntok ni Dark sa kanya.

"It is hurt?" Tinuro ko yung gilid ng kanyang labi.

"Medyo, nagulat ako kanina nung bigla niya akong sinapak kaya medyo masakit." Tumango ako tsaka umayos ng pagkakaupo.

"I invited Dark to the underground tonight at 6pm gusto kong ibanat ang aking buto." Medyo nagulat siya sa sinabi ko.

"Take care yan lang ang masasabi ko sayo dahil hindi na ako pwedeng pumunta don dahil wala na ako sa grupo."

"I'm always taking care of myself kuya Dale, by the way kamusta naman ang section C?"

"About that hindi muna ako magpapakita sa kanila ngayon dahil kailangan kong bumalik ng America dahil kailangan ni daddy ng tulong." Kumunot ang aking noo.

"Tulong? Is it about work or the mafia organization?"

"Both." Napatango ako.

"Anong gagawin ko ngayon sa section C?"

"Sa ngayon makipagbonding ka muna sa kanilang lahat enjoy mong kasama sila tsaka na natin gawin ang plano kapag nakabalik na ako." Tumango ako.

"Gaano ka ba katagal mawawala?"

"Two months or more than two months kaya matagal tagal mong makakabonding ang Section C." Muli akong tumango.

Tumayo na ako dahil kailangan kong magpahinga dahil kailangan ko ng lakas para sa laban namin ni Dark mamaya.

+++++++++++++
Chandler POV

SINABI ko kina Larkin ang tungkol sa pagkikita ni Dark at Zarina.

"Kakausapin ko si Dark about dyan." Sabi ni Larkin.

"So anong gagawin natin? We know naman na masamang tao ang gagong yun diba?" Sabi ni Lawrence.

Nandito kami ngayon sa classroom alas kwatro na rin ng hapon unti-unti na rin umuuwi ang mga istudyante.

Nagpaalam si Zarina sa amin kanina na uuwi na dahil masama daw ang kanyang pakiramdam.

"Nandon yun ngayon si Dark sa classroom nila puntahan natin." Sabi ni Nikiro.

Kaming buong section pumunta sa classroom nina Dark dahil gusto namin siyang pagbantaan na bawal niyang galawin si Zarina dahil kami ang makakalaban niya.

Pagkapunta namin sa classroom nina Dark sakto dahil palabas na siya ng kanilang classroom nagulat pa siya ng makita kaming buong section C sa labas ng kanilang classroom.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Dark may nakakita sa inyo ni Zarina kanina nag-uusap sa succer field subukan mong galawin si Soeil buong section C ang makakalaban mo." Nagulat kami dahil biglang tumawa si Dark sa sinabi ni Larkin.

"Kilala ko ang kinakausap ko Larkin kaya huwag nyo akong pagbabantaan sa harap ng classroom ko lalo na mga gangster ang kasama ko dito--"

"Wala akong pakialam kung mga gangster ang mga kasama mo hindi kami natatakot sa mga paslit mong kasama." Akmang susugod si Dark kay Larkin ng humarang sina Lawrence, Lecxis at Nikiro para protektahan ang kaibigan.

Her Blood On His Hands "[Slow-update]"Where stories live. Discover now