chapter 9

2.6K 111 7
                                    


ZARINA

11PM ay gising pa rin ako dahil hindi ako maka get-over doon sa mommy ni Larkin anong ugaling meron siya? Ang sama-sama niya!

I'm still lucky with my family dahil hindi sila tulad ng iba na ginagamit ang kanilang mga sariling anak para lang makipagsundo sa iba ginagamit nila yung anak nila para makipagpartner sa ibang ka-business.

Hinahayaan ako ni daddy sa lahat ng gusto ko minsan ganon din si mommy sa akin.

Supportive mom ang mommy ko pero limited yung pagsusuporta niya sa akin i mean suporta siya sa magagandang bagay na ginagawa ko pero hindi siya support sa mga maling ginagawa ko.

Malamang mali na nga suportahan pa. Bobo.

Matutulog na sana ako kaso biglang nagdeep ang cellphone ko kaya napatingin ako sa screen and i saw message on my email account.

Sino naman kaya to?

Binuksan ko ang aking cellphone para tingnan ang message sa aking Email.

Dear; Zarina Soeil Delcour

Morning/ evening Ms. Delcour, Sorry for the little trouble I gave you. I sent an email to tell you that starting tomorrow hindi ka na papasok sa Section C, isa sa mga rules dito sa University na ang SECTION C never tatanggap ng babae. Kasulatan din iyon na sumasang-ayon ang Section C students sa kagustuhan ni Mrs. Cervantes. I sent you to Section A. No worries about that section because that section suits you. Have a nice day!

From: Dean Cervantes

Ano? Lilipat ako ng section? Nakakainis!

Dapat nung una palang sinabi na agad nila para naman maging ready ako! Bwisit!

May sama ako ng loob nung natulog ako kinagabihan at kinabukasan hindi ko inaasahan na umuwi na pala si mommy galing Thailand dahil sa isang business trip.

Pumunta siya dito sa bahay namin ni manang.

"Mom!" After one month nakita ko na ulit ang mommy ko.

"Hello honey." Lumapit ako kay mommy para yumakap at humalik.

"Bakit napa-aga ang pag-uwi mo?"

"Maagang natapos ang business trip namin with Mr. Ferrara." Tumango ako. hindi na ako sumabay magbreakfast kila mommy at manang dahil male-late na ako sa school kailangan maaga ngayon dahil may bisita kami.

Ginamit ko yung motor ko na kulay red papuntang SHU. Sa Section A na pala ako papasok ngayon sana naman maayos at matino ang magiging classmates ko. Hindi na ako sa parking lot ng Section C nagpark dahil hindi na rin naman ako belong sa kanilang lahat may sariling parking lot pala ang section C dito sa SHU.

Sa entrance pa lang ako ng university may naghihintay na sa akin. He knows me? Kung makangiti naman to. Agad na kumunot ang aking noo dahil biglang lumapit sa akin ang lalaki.

"Endorser ka ba ng close up?" Yung ngiti niya unti-unting napalitan ng ngiwi. "Puti ng teeth mo." Turo ko pa sa ngipin niya.

"Good morning!" Biglang sigaw niya.

"Kapag ako inatake sa puso lagot ka sa akin!" Tinawanan ako ni gago. "Tumatawa ka pa dyan!"

"H'wag mong hayaang kainin ka ng init ng ulo ngayong araw, anyway ako nga pala si Ken Garcia ang bago mong classmate." Naglahad siya ng kamay sa akin.

"Zarina Soeil Delcour!" Sabay kaming dalawa sa pagbanggit ng pangalan ko.

"I know you, sinabi sa amin nina Calvin na ililipat ka sa classroom namin. My pleasure to meet you. I hope hindi mo kami masapak lahat. No worries mababait naman kaming Section A."

Her Blood On His Hands "[Slow-update]"Where stories live. Discover now