chapter 28

1.9K 97 10
                                    


Zarina's POV

BUMALIK ako sa classroom namin na parang walang nangyaring gulo. Agad akong nilapitan ni Hendrix.

"Bakit hindi mo kasama si Chandler?" Kumunot ang aking noo sa sinabi ni Hendrix.

"Ha? Hindi ko kasama si Chandler." Takang sagot ko sa kanya.

"Sumunod siya sayo kanina kasi bigla ka nalang nawala kaya pinasundan ka ni Larkin don sa bata.." biglang nag-sink-in sa utak ko ang taong nakatumba ng basurahan.

Shit!

Napamura nalang ako sa aking utak dahil alam ko agad na si Chandler ang taong yun! Bakit kasi sumunod pa siya sa akin kanina?! Muli akong lumabas sa aming classroom para hanapin si Chandler kung saan man siya ngayon.













+++++++++++
Chandler POV

PINASUNDAN ni Larkin si Zarina sa'kin dahil bigla nalang itong umalis kaya ngayon hinahanap ko siya.

Naglakad ako sa hallway baka kasi nandon si Zarina sa Cafeteria ngayon. Hindi pa ako nakakadaan sa classroom ng Section A ng makita ko sina Turieh at ng marinig ko ang usapan nina Wyatt at Turieh na nandon daw si Zarina sa parking lot kasama sina Dark agad na tumakbo papunta sa parking lot si Turieh.

Ako, hindi ko muna sila pinuntahan sa parking lot dahil naiihi na ako kaya pumunta muna ako sa restroom ng mga boys para umihi. Ngayon pa talaga nakisabay ito ha.

Binilisan ko nalang ang aking pagkilos, naghugas muna ako ng aking kamay tsaka lumabas. Pupunta na sana ako sa parking lot ng makasalubong ko sina Esther Guevarra.

"Hey." Agad akong ngumiti sa kanya pati na rin sa mga kasama niya.

"Hi."

"Are you going to cafeteria?" Hindi ko alam pero bigla akong tumango. "Can i join you?"

"K-kasama ba sila?" Tinuro ko yung dalawa niyang kasama.

"Nako hindi na Chand may pupuntahan pa kami ni Mecca kayo nalang dalawa." Biglang sabad ni Danica.

"Ganun ba." Napakamot ako sa aking ulo. "Tara." Aya ko kay Esther.

Nagpaalam na muna siya sa dalawa niyang kaibigan bago kami pumunta sa cafeteria para bumili ng pagkain naming dalawa.

"So how are you? Ilang days din kitang hindi nakita dito sa campus sabi ng ibang students dito pumunta kayo ng palawan is that true?" Habang kumakain kami ng aming lunch ng magsalita si Esther.

Magkaharap kami ngayon sa table dito sa cafeteria.

"Oum biglaan lang gusto kasi ni Larkin na mag unwind kaya pumunta kami ng palawan." Paliwanag ko.

"Y-yung Zarina ba kasama nyo?" Tiningnan ko agad siya.

"Of course, she's the one of us kaya kasama siya."

"Ahhhh." Naging tahimik si Esther sa kanyang pagkain kaya nakakailang ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Bakit mo natanong?" Nagsalita na ako.

"W-wala naman." Uminom ako ng tubig tsaka siya tinitigan. "Stop staring at me."

"Don't worry about her, ate ko na si Zarina kaya malabo yang iniisip mo--"

"H-hey that's not what you thinking--"

"Then tell what you're thinking then."Umiwas siya ng tingin sa akin. "Esther, are you jealous?" Seryuso kong tanong sa kanya.

Her Blood On His Hands "[Slow-update]"Where stories live. Discover now