PROLOGUE

24 0 0
                                    

Aisha's POV,

Mahirap ang lumaking hindi kompleto ang pamilya. But I realize that it's harder to live alone 'coz it's sad. I'm still grateful that I have a lolo that I can lean on everytime I'm down.

Now... I have to live on my own without anyone beside me and the only I can trust for now is myself. Because lolo said, "Don't trust anyone not until I know that person in and out", and he's right. This days kasi it's hard to give your trust to anyone that's why I have to know the person that I am going to socialize with.

•••

Maingay, magulo, at mausok dahil sa napaka-raming sasakyan. Ganyan ang Manila. Kakababa kolang ng terminal ng bus at ganyan ang sumalubong sa akin. Malayo sa nakasanayan kong malinis na hangin ang nalalanghap, walang usok at puro kulay berde ang paligid kasi dito... Puro gusali, sasakyan, usok at nagkalat na mga nagtitinda ang nakikita ko.

Masakit sa mata at masakit sa ulo, pero...

Hindi kona pinansin pa ang ibang mga nadadaanan ko dahil mainit rin dito. Sabi ni lolo sumakay daw ako sa TAXI kapag nakalabas na ako sa terminal... Buti at mabilis akong nakakita ng puting kotse na may plaka sa bubong at may nakasulat na taxi kaya pinara kona. Nag-aantay lang naman pala sila ng pasahero eh.

Agad na akong sumakay sabay abot sa driver ng address na binigay ni lolo kung saan tutuluyan ko raw. Forbes Park Village, Makati City daw ang nakalagay sa kapirasong papel, Tapos meron padun uhh... Home address ata yun, ganito kasi nakalagay --- 168 Classy Street, Forbes Park Village, 1219 Makati City.

Hindi naman nagtagal dahil nag drive agad si mamang driver papunta sa tutuluyan ko and after 10 or 11 minutes I think,nakarating na kami sa lugar.

"Ma'am nandito na po tayo." magalang na usal ni mamang driver.

"Salamat po!" magalang din na sagot ko tsaka na bumaba.

Ibinaba narin ni manong ang mga bagahe ko mula sa likuran ng taxi.

"Heto na po ang mga bagahe niyo." sabi ni manong driver. Tango at ngiti nalang ang sinagot ko sakanya bago siya umalis.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at napansin ko agad ang sobrang gagandang bahay na medyo dikit-dikit. As in, ang gaganda. Isang tingin mo palang alam monang mayayaman ang mga tao sa lugar.

Nang makontento ako, tinignan ko ang papel na binalik sakin nung mamang driver kanina. Nasa harap ako ng pinaka malaking bahay dito at nasa pinaka dulo rin. Nag lakad akong kaunti hanggang sa makarating ako sa gate akala ko may matatanungan ako pero... saradong-sarado!

Saan ba ako magtatanong neto, kita nang hindi naman ako sanay dito eh! Napa-padyak nalang ako sa inis.

Kung kumatok kaya ako? Oo, buti pang subukan ko, baka sakaling pagbuksan ako. Sana po may tao, kahit alien nalang basta may matanungan ako.

Gaga ka! Kala mo naman maiintindihan mo ang alien kung alien nga ang magbubukas sayo. Sagot ng kabilang parte ng utak ko.

Oo na, tao nalang po pala...

*knock knock...
*knock knock knock...

After ng limang beses na katok na subok ko, aalis na sana ako kasi nakakahiya naman manggulo dito pero narinig kong may nagsalita kaya tumigil ako.

"Sino ho sila?" tanong ng babaeng medyo may edad na.

Malapit na mag 60 or kaya naman mid 50's.

Lighter LICK del Fierro ( R-🔞) || (On-going)Where stories live. Discover now