Chapter 1

19 0 0
                                    

One moment. One chance. One opportunity. Yan ang naiisip ni Lucky habang nakasakay sa jeep papuntang Maynila. Pinalayas na kasi siya sa boarding house na tinitirhan nya simula nung nalaman ng pamunuan na napatalsik na sya sa kolehiyo. Libre kasing tumira dito ang mga estudyanteng scholar ng Davenport University. Pero dahil natanggal na sya sa scholarship at tuluyan ng hindi makabayad e pinatalsik na sya. Kaya ito siya ngayon, papunta sa kanyang bestfriend na nagtatrabaho sa Maynila. Nagbabakasaling hahayaan siya nitong makitira dito habang humahanap siya ng trabaho. Sa university din kasi ang trabaho niya kaya nung natanggal sya sa paaralan, pati yun ay nawala sa kanya. 

"Kasalanan kasi to ni Marife e!" napakamot nalang sya sa ulo "Kung hindi lang ako laging napupuyat sa bar/resto na yun kakaovertime e di sana nakakapagaral ako. Tsk! Ang hirap talaga maging mahirap! Bwisit!...Bossing, para po sa tabi" Sigaw nya sa driver at bumaba sa jeep pagkahinto nito dala dala ang malaking bag na punong puno ng kanya natitirang gamit. 

Tinignan niya ang kanyang patay sinding cellphone para sa tinext sa kanya na address ng kaibigan. Naglakad siya sa kabilang kanto at sumakay ng tricycle.

"Manong dito na po ba yun?" Tanong nya sa driver. Huminto kasi ito.

"Naku Iha. Bawal kasi pumasok mga tricycle dyan e. Pero sa loob nyan ang address na pupuntahan mo. Dito ko lang kayo pwedeng ibaba."

"Ah, okay po manong ito ho bayad ko. Salamat po" Pagkababa niya ay isang malaking puti gate ang nasa harap nito. "Grabe naman tong gate, sobrang laki." Sabi nya sa isip.

Lumapit siya sa guard na nakabantay dito para magtanong. 

"Manong guard, pupunta po ako dito sa address na ito." Sabay pakita ng cellphone nya "Pwede po bang pakibukas ng gate?" 

Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at tinaasan ng kilay. Napatingin tuloy sya sa sarili nya. Nakatshirt na gray at jeans naman sya at sneakers na kupas na pero malinis. 

"Miss, hindi kami basta basta nagpapapasok dito. Sino ba ang pupuntahan mo sa address na yan?" Masungit na pagtatanong nito sa kanya

"Yung bestfriend ko po dyan nakatira. Si Frida Montenegro"

"Hay naku Miss. Hindi ako naniniwala sayo kaya pwede ba umalis ka na? Walang ganyang pangalan ang nakatira dito. "

Napakunot naman siya ng noo. Tatawagan niya sana ang kaibigan pero naalala nya na wala na pala syang load. "E Manong, totoo po. Bestfriend ko po ang nagbigay sakin ng address. Tatawagan ko po sya pero wala na po akong load. Pwede nalang po ba makitawag para maniwala kayo sakin?" Pakiusap nya dito 

"Miss, hindi pwede." 

"Manong guard, sige na po. Isang beses lang naman po ako tatawag. Parang awa nyo na. Tatawagan ko lang po yung kaibigan ko." Halos lumuhod na si Lucky sa harap ng guard ng biglang bumukas ang gate at lumabas ang isang magarang sasakyan. 

"Miss, hindi nga pwede!" Sabay hila at tapon ng guard sa kanya gamit na nakaharang sa gate.

"Ay, mga gamit ko!" Tinakbo ni Lucky ang pinagtapunan nito at di sinasadyang nahulog ang cellphone nya sa kalye at saktong nasagasaan ng magarang kotse. 

"Ang cellphone ko!!!!!!" Mangiyak ngiyak nyang tingin sa pirapirasong cellphone nya.

"Hoy bumalik ka dito!!!! Bayaran mong tong cellphone ko!!!!" Sabay habol sa magarang sasakyan. 

Huminto ito at sabay labas ng isang lalaki mula sa likod at naglakad patungo sa kanya

"Hoy manong! Sinagasaan mo ang cellphone ko! Bayaran mo to!" 

Nakakunot ang noo ng lalaki habang tinitignan ang nasirang cellphone. Sabay tingin sa babaeng sigaw ng sigaw sa harap nya.

He stared at her intently and watched her as she shed tears for this cheap phone while yelling at him. She looked up and their eyes met.

Syet ang gwapo! Sabi ng isip niya

He has these dark brown eyes, thick eyebrows and perfectly shaped lips that any woman would go crazy for. 

"Are you done drooling over me Miss?" anya ng lalaki

Napakurap kurap si Lucky at bumalik sa katinuan ng kausapin sya nito. Never pa syang natulala. Mayayaman at maraming gwapo sa University of Davenport pero kahit kailan hindi niya ito mga pinapansin. Pero kakaiba ang lalaking ito. 

"Hey! Wake up!" medyo malakas na sabi ng lalaki sa kanya

"Ay, gwapo. Hehe. Sorry." sabay peace sign

"How low class can you be to make a scene for a cheap phone like this?" iritado nitong tanong.

Medyo nainsulto siya doon. Noon kapag may lumalait sa kanya e nilalabanan niya agad pero sa lalaking ito ni hindi na sya makatingin ng diretso. 

"Ah eh, sorry. Kasi ahm, kasi ano. Nasagasaan mo kasi tong phone ko, kaya ayun, ahm, napasigaw ako at napahabol, ahm pasensya na." nakayuko niyang sabi

Kumuha ng ilang libo ang lalaki sa wallet at ibinato sa kanya. Sapul si Lucky sa mukha at nagkalat ang pera sa harapan niya.

"I'm sure that's enough. Now get out of my way." sabay lakad pabalik ng lalaki sa saksakyan at umalis.

Napakuyom at kanya kamay at pigil pigil tumulo ang kanyang luha habang pinupulot ang mga perang ibinato sa kanya

"Gwapo nga saksakan naman ng sama ng ugali!!" sigaw nya sa nakaalis na sasakyan

"Hoy Miss alis na! Dali!" sabay sigaw sa kanya ng guard

"Oo na manong ito na nga aalis na! Leche!" sabay para ng tricycle

Napaisip na naman siya kung bakit Lucky pa ang palayaw niya e saksakan ng "Unlucky" ng buhay nya

"Naku kapag nakita kita ulit Mr. Gwapo naku makakatikim ka sakin!" Inis na sabi niya sa sarili 








One MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon