Lucky POV
Malaki ang kutob ko na nakilala niya ako nung nagkatitigan kami kanina. Pero bakit ganun? Wala siyang sinabi. Akala ko talaga katapusan ko na. Buti nalang hindi.
Flashback...
"Welcome to the company "MR" Santos" madiin na pagbati neto sa kanya.
Nilahad ni Mr. Davenport ang kanyang kamay. Sino ba naman siya para tanggihan ito kaya't nakipagkamay siya rito. Medyo mahigpit ang paghawak nito sa kanya at parang ayaw pa siya nitong bitawan. Kung hindi lang tumikhim ang kanyang personal secretary ay hindi pa siya nito bibitawan.
"Ahmm, Sir. I'll leave you two alone for your personal interview." akmang aalis na si Mr. Secretary ng magsalita si Mr. Davenport
"No need for that Mark. Have "HIM" fill out the remaining paperwork and start training "HIM" right away. I'll call you guys when I need you. You can leave now" Napakunot naman ang noo ni Mark pero sumunod rin sa gusto ng amo.
Present...
Buong umaga wala kaming ginawa kundi pagaralan ang mga pasikot sikot sa kumpanya. Mark showed me Mr. Davenport's schedule, appointments and personal needs. Like how he wants his coffee and how he wants to have everything flawless. Especially being on time ALL THE TIME. He then set up a password for me so I can easily access all the important documents of the company. Sa sobrang busy namin ay muntikan ng makalimutan na lunch time na pala. Kung hindi pa kumulo ang tiyan ko ay hindi ko pa namamalayan na hindi pa pala ako kumakain simula kaninang umaga.
"I'm sorry Lucky. By the way can I call you Lucky?" tanong ni Mark sakin. Tumango naman ako. Maswerte din ako at sobrang bait nitong si Mark. Kahit paminsan minsan e nahuhuli ko siyang napapatingin sakin at biglang ngingiti. Parang sira lang. Haha! Siguro naggwapuhan siya sakin. "Sa sobrang dami kong kailangan ituro sayo nakalimutan kong lunch time na pala. Anyway, let's take a break. You can go to the cafeteria that's in the 2nd floor and have lunch. Just be back here after an hour." Tumango ako at naglakad papuntang elevator.
Habang naghihintay ako ng elevator ay binibilang ko ang pera ko sa wallet. Naku! 1,000 pesos nalang to. Pamasahe ko pa at pangkain. Kailan kaya sweldo? Tanungin ko nga mamaya si Mark kung pwede ako magadvance. Hay...
"Ahem.." nagulat ako ng biglang may tumikhim at napatingin ako dito
"Aren't you coming in?" Shit! Andito na pala yung elevator.
"A..Ah, yes Sir." nagmamadaling pasok ko sa elevator. Shocks! Nakakakaba naman na makasama sa elevator ang boss mo. Sobrang gwapo na pero saksakan naman ng sungit. Ang matindi pa dun e baka mahalata niya kung sino ako. Pero sa bagay, sigurado hindi niya naman ako matatandaan. Isa lang naman akong hamak na tao na tinapunan niya ng pera nung nakaraang araw.
"Do you know where you're going?" biglang tanong niya naman sakin. Napaisip ako sa tanong niya at bigla kong naalala na hindi ko pa pala pinipindot yung floor na pupuntahan ko. Shit!
"Ah, yes Sir. 2nd floor po. Sa cafeteria po. Pasensya na po" sabay pindot ko sa 2nd floor.
Napataas naman ang kilay ng boss niya sa kanya "I didn't know you can be this well mannered huh?" tanong niya sa akin
"Huh? Ano pong ibig nyong sabihin?" Ano kaya ang gusto niyang paratingin? Magalang naman talaga ako ah.
"Nothing." sabay iwas ng tingin nito sa kanya
BINABASA MO ANG
One Moment
RomanceOne moment. One chance. One opportunity. One guy who made her heart beat. Would she sacrifice all she has? Or would she play it safe?
