Lucky POVMabilis lumipas ang isang linggo at natapos narin ang secretarial training ko. Gusto ko pa sana magextend pero hindi na pwede kasi kailangan na talaga magmigrate ni Mark at ng kanyang pamilya sa Australia. Naaalala ko pa yung naging usapan namin bago siya umalis.
Flashback...
"This is going to be the last day that I'll be training you. I think you can do it. You just have to be used to multi tasking and you'll be fine." papuri ni Mark sakin
"Thanks ha. I wish you have more time to teach me pero alam ko naman na kailangan ka na ng pamilya mo so I won't hold you back. But can I still message you from time to time kung may tanong ako?" nagpapacute na tanong ko sa kanya
"Haha! Sure. No problem. I'm sure you'll be okay though but just incase you have my email address." natatawang sagot nito sakin. Ang taas talaga ng bilib nito sakin.
"Lalo na kapag tinamaan ng kasungitan tong boss natin e natataranta na ako. At dahil dun lalo akong nagkakamali"
Nagtaas naman ito ng kilay sa sinabi ko "You know what, I'm leaving so I guess I can ask you this question."
Nagtataka naman ako "Sure ano yun?"
"Do you know Mr. Davenport before applying here?" biglang naging seryoso ito sa kanya
Shit! Sasabihin ko ba ang totoo or hindi? I mean sa bagay aalis na siya. Hindi naman siguro ako ichichismis nito noh. Pero baka ichismis niya rin ako. Loyal din to kay bossing e.
"Ha? Ah, eh. Bakit mo naman natanong yan?" baka mahalata niya ako na kinakabahan
"Wala naman. Iba kasi trato niya sayo. I mean nagiba siya when you started here. He is very strict when it comes to rules. But with you, he is very... considerate. Lalo na ano ka..ahmm"
"Na ano ako?" ano kaya ako?
"Na ano, you know. It's very obvious. I'm sure he knows"
Nagtataka parin ako "Ano yung obvious?"
"Ah,.. nevermind. I just hope I can watch what happens next. Haha!"
Bakit naman siya tatawa tawa diyan "Na ano yung mangyayari?"
"Wala. Forget what I said. Let's continue with work."
Parang baliw din to e.
"Okay, sabi mo e." sagot ko nalang kahit naweweirduhan na ako sa kanya
Present...
Ngayon, mag tatatlong linggo na ako dito. Paminsan minsan nagkakamali parin pero madalas okay naman. So far, wala namang masyadong reklamo si bossing. Kapag alam kong inis na inis siya e hihinga nalang siya ng malalim at magwawalkout. Madalas kapag hindi niya mapigilan e sisigawan niya ako pero pagkatapos nun uutusan niya ako ulit ng parang walang nangyari. Parang bipolar lang si Sir.
Hindi na ulit naulit yung paguusap namin tungkol dun sa "I never forget a face" comment niya. Pagkatapos kasi ng araw na yun e sunod sunod na ang meetings and deals sa iba't ibang kumpanya kaya siguro di na niya yun masyadong napansin. Mabuti narin yun. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko kung nagkataon.
"Mr. Santos. Come to my office. Now!" pagalit na sigaw ni Sir sa intercom.
Dali dali akong pumasok at yumuko "Yes, Sir?"
Nakakunot ang noo ni Sir habang iniisa isa ang papeles sa lamesa niya "Did you give me a copy of the contract we have with Calabrea Airlines?"
Ah Shit! Nakalimutan kong ibigay.
"Ah, Sir. I have it with me. Kunin ko lang po sa table ko sandali." Nagmamadali akong lalabas sana ng office niya ng bigla siyang tumikhim
"Mr. Santos."
"Ah, yes Sir? May kailangan pa po kayo?"
Halos hindi makatingin sakin ng diretso si Sir. Para ngang nagbblush pa siya e. Ang gwapo.
"Ahmm, you're.. ahmm..."
Nakakunot na ang noo ko. Totoo ba to? Nagsstutter si Sir? "Ano po yun Sir?" Ang gwapo talaga niya
He was pointing at me "Ahmm, there's something. Ahmmm...there behind you"
Napatingin naman ako sa likod ko. Wala namang tao dun. Ano ba sinasabi nito?
"Sir, asan po yung tinuturo nyo?" takang taka na talaga ako ah. Asan na ba yun?
"Look behind you...I mean in your...pants" Hindi na talaga makatingin ng diretso sakin si Sir. Tinuro niya nalang sakin na pumunta ako sa may body length mirror niya na nasa office.
Pagtingin ko dun okay naman itsura ko. I mean maayos naman ako tignan. Okay din naman yung pants ko. Kahit nakaall white ako ngayon e maayos naman siya. Pormal parin. Pinahiram kasi to sakin ng kapatid nung landlord ko kaya hindi narin ako tumanggi.. Kesa naman bumili pa ako ng bago. Hahakbang na sana ako paalis may mahagip ang mga mata ko.
Shit! May tagos ako!
"Sir, may I go out? Thanks! Bye!" Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tinakbo ko na ang daan papuntang banyo. Naku! Paano ko lulusutan to? Bakit ko ba nakalimutan na magkakaron ako ngayon? Patay na!
BINABASA MO ANG
One Moment
RomanceOne moment. One chance. One opportunity. One guy who made her heart beat. Would she sacrifice all she has? Or would she play it safe?