Teacher LICRTF

2 1 0
                                    

Teacher Leading In Crisis Re-imagining The future

Ikaw ba ay guro?
Minsan sinasabi ng mga guro,
Guro lang ako

Pero lagi niyong tandaan
Na kayo ang dahilan
Kung bakit kami nakarating sa aming mga paroroonan

Mga guro na aming naging kamay
Sila ang gumagabay
Sa aming paglalakbay

Crisis,yan ang dahilan
Kung bakit tayo nahihirapan
Mga gurong gumagawa ng paraan
Para ang ating kinabukasan ay makamtan

Guro,wag silang husgahan
Dahil hindi niyo alam ang kanilang pinagdadaanan
Sila ang dahilan
Kung bakit tayo patuloy na lumalaban

Mga guro na ating naging sandigan
Wag nating kalimutan
Ilagay sa ating isipan
Sila ang ating kayamanan

Ikaw?Nakamusta mo na ba ang iyong guro?
Natanong niyo na ba ang mga nararamdaman nila?

Hindi lang sila nagpapakita ng emosyon
Na sila ay pagod na
Kahit ang totoo ay gusto na nilang magpahinga
At sabihing pwede bang mamaya muna?

Gusto nilang magpahinga
Ngunit sa oras sila'y nauubusan na

Chat doon,chat dito
Tawag doon,tawag dito
Yan ang ginagawa ng mga guro
Para tayo'y matutu sa bagong sistemang ito

Sila'y nag-aalala
Kapag tayo'y hindi makapasa
Sa module na kanilang ginawa
Pinaghirapan hanggang umaga

Ikaw,alam mo ba ang halaga ng isang gurong dakila?
Na ang inuuna ay ang mga istudyante nila?

Mahalin mo ang guro
Guro ang susi sa kinabukasang hinaharap mo
Ingineer,abogado,doctor
Guro pa rin ang dahilan kung bakit nakamit mo ang posisyong ito

Guro,apat na letra
Pero marami na ang nagawa

Sa larangan ng edukasyon
Sila ang nagbigay ng pundasyon
Para patuloy na umahon
Sa crisis na kinahaharap natin ngayon

Naalala ko
Unang pasukan
Sa bagong sistema ng kasalukuyan
Ako'y nahihirapan ngunit sa tulong ng mga guro ako'y nalinawan

Ma'am,Sir,Binibini,Ginoo
Pinagmamalaki namin kayo
Kayo ang pangalawang magulang namin sa sitwasyong ito

Kami ay inyong inalagaan
Sa aming paglalakbay kami inyong ginabayan
Hinawakan ang aming mga kamay sa madilim na daan

Kahit kayo'y nahihirapan
Hindi niyo kami sinusukuan
Palagi kayong nariyan
Sa tuwing kami nahihirapan

Mga guro ko pinagmamalaki namin kayo
Sa puso't isipan namin  kayo'y dala-dala ko
Mahal naming mga guro
Sa pangarap namin kayo'y nabibilang dito

Mahal naming mga guro
Salamat sa sakripisyo
Lahat ng pagsubok tiniis niyo
Para lang kami tumalino
Dala namin ang pag-asang galing sa inyo
Hindi rin namin malilimutan ang pangaral ninyo

Mahal naming mga guro
Kamusta na kayo?

Sana sa salitang aking binigkas na ito
Napagaan ko ang loob niyo

Mahal namin kayo aming mga guro


Binibining_Longhair

My poemWhere stories live. Discover now