Medalya sa gitna ng Pandemya

3 1 0
                                    

Medalya,ito'y bunga ng pagtsatsaga
Patunay na kahit my pandemya
Handa pa rin kaming tuparin ang pangarap ng aming ina at ama

Pangarap na makapagtapos ng pag-aaral
Iahon sa hirap at tuparin ang mga pangarap
Simpleng hiling ng mga magulang gusto namin itong matupad

Ipakita sa kanila na nay,tay kami palipad na
At kayo ang dahilan ng aming pag-angat sa lupa
Makita lang namin kayong masaya kami kontento na

Laging niyong tandaan
Ang mga paghihirap na inyong nararanasan
Aming susuklian ng magandang kinabukasan

Kayo ang aming kalakasan
Kayo ang dahilan
Kung bakit kami lumalaban

Aming mga magulang
Kayo ang dahilan
Kung bakit kami may mga pangarap at paninindigan

Medalya sa kitna ng pandemya
Inaalay namin ito sa aming mga magulang na dakila

Medalya,ito'y aming nakamdan
Dahil kayo'y nasa aming likuran
At patuloy kaming ginagabayan

Aming mga guro
Dahil sa inyong mga sacripisyo
Kami ngayon sa harapan niyo nakatayo at kami sa inyo'y saludo

Mga guro ko
Salamat sa inyo
Kayo ang aming supper hero

Kayo ang aming naging ina at ama
Inalalayan niyo kami para hindi madapa
Ginagabayan para hindi mawala

Aming mga guro
Sa pangarap namin kayo'y nabibilang dito
Kayo ang mga magulang na sa amin nagturo
Nang magandang landas patungo sa pangap na totoo

Aming mga guro,maraming salamat sa paggabay
Maraming salamat sa mga araw na inyong binigay
Magagamit namin ito sa aming paglalakbay

Medal sa gitna ng pandemya
Aming mga guro maraming salamat dahil inyong pinadama
Na sa gitna ng pandemya kami inyong susuotan ng medalya

Salamat po nay,salamat po tay sa walang sawang pagsuporta
Salamat po ma'am,salamat po sir
Salamat po binibini,salamat po ginoo
Sa paggabay sa amin hanggang sa dulo

Kaming lahat nagpapasalamat sa inyo
Sa Panginoon,sa mga magulang,at sa mga guro
Dahil binigyan niyo kami ng magandang kabanata sa gitna ng pandemyang ito

Kaming lahat nagpapasalamat sa inyoSa Panginoon,sa mga magulang,at sa mga guroDahil binigyan niyo kami ng magandang kabanata sa gitna ng pandemyang ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Binibining_Longhair

My poemWhere stories live. Discover now