Claire's PoV
"Sorry I'm late!" Biglang sambit niya pagdating dito sa bahay... I... I got scared for a moment when he wasn't coming by the usual time he does...
"Tito!"
"Hey there buddy... I have snacks for you, but it's not for everyday eating okay? Bad for teeth"
"Yey!!"
Makita ko lang tuwang tuwa yung anak ko okay na ko. Nagpatuloy ako sa ginagawa kong paglilinis ng bahay nang biglang may sunflowe na sumulpot mula sa likod ko
Nilingon ko siya only to see Franco smiling at me
"For you... sorry I was late... medyo napuyat kasi kami kahapon sa shoot..."
Kukunin ko na sana yung bulaklak but then mas nakita ko yung sugat na naman sa ulo niya
"Ano nangyari dyan?"
"Ha?"
"What happened to your head? May sugat ka na naman"
"Huh? Meron?" Sambit niya looking for a mirror pero nang mahawakan niya ulo niya dun niya lang naramdaman
"Aww sht what the"
"Ano ba ginagawa mo? Inaabuso mo na yata katawan mo eh sabi ko naman di ba di kailangan andito ka araw araw?"
"Pero gusto ko" diretsong sagot niya, "gusto ko tong ginagawa ko"
"Franco nasasaktan ka na"
"My pain is still way far from what you experienced. Okay lang ako" sambit niya still smiling at me
"K-kukunin ko yung first aid" sambit ko trying to leave him pero hinawakan niya ako sa pulso
"Hinding hindi ako mapapagod sa inyo ng anak ko... mahal ko kayo... mahal kita..."
"M-maupo ka sa salas. Gagamutin ko sugat mo" sambit ko avoiding his topic bago kinuha yung first aid kit
"Nag-aalala ka?" Sambit ni mama sa tabi ko habang kinukuha ko yung kit
"Ma?"
"Aminin mo man o hindi kita ko na natakot ka nang di siya agad dumating kanina"
"Ma... natural lang naman mag-alala di ba?"
"Pag mahal mo yung tao, oo natural yan Claire"
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ng nanay ko...
Kagaya ng ginawa ko noon sa kamay niya ginamot ko sugat niya sa ulo
"Ano ba talaga nangyari? San mo nakuha to?"
"Ewan... sa pagkaumpog ko siguro sa bahay?"
"Umpog? Nagsugat?"
"Sa kanto ng kama eh... tinanghali kasi ako ng gising tapos napabiglang bangon ako sumakit ulo ko kaya naoutbalance ayon nakanto"
"Tsk. Mag-iingat ka nga!" Sambit ko pressing on his wound
"A-aray!"
"Magbibirthday ang anak mo puro ka sugat ano ba?"
"K-kelan?"
"March 24. Kaparehong araw ng birthday mo, naiba lang ng buwan"
"R-really?"
"Oo"
"Wait that's only weeks from now"
"Oo"
"Will you have a party? I can help? We can get clowns and caters-aww!" Angal niya nang pitikin ko siya sa ulo
"Unahin mo sarili mo. Pano kung mas malala tama niyan ha?"
"Okay lang naman talaga..."
"It's not okay with me!"
BINABASA MO ANG
Jockey Love
RomanceYou both work around music. One with visuals, one without. You're a vj, she's a dj. Pano pagtatagpuin ng musika ang buhay ninyong dalawa? How will music turn your world upside down? Will music lead you to the soundtrack of your love?