Claire's PoV
"Franco iho? Pwede mo ko tulungan magbuhat nung mga paso sa garden"
"Ahh opo tita!" Sambit niya after he placed the plates on the sink pero hinawakan ko yung braso niya para pigilan siya
"Claire bakit?"
"Nadisinfect mo na ba yang kamay mo?"
"Kailangan ba yun?" Tanong niya na nagpataas ng kilay ko
"B-bakit?"
"Ma! Wait lang!" Sigaw ko kay mama bago ko hinigit si Franco sa salas sabay kuha ng first aid kit sa bahay
"C-claire okay lang ako na lang..."
"Tsk" singhal ko sabay tingin ng masama sa kanya bago ko tinanggal yung mga bandaid sa kamay niya only to see burns and cuts na halatang di nalinis
"Betadine na nga lang hindi pa magawa sa sugat tch"
"A-aww!" Reklamo niya because I slapped his hand
"Tiisin mo tch" sambit ko bago ko ginamot ang kamay niya tsaka ko binalutan yun ng mas maayos
"S-salamat"
"Learn disinfection tch" sambit ko leaving him there
Franco's PoV
"Dito po ba tita?" Tanong ko kay Tita referring to the vase she wants me to carry.
"Oo iho dyan na lang salamat"
"Wala yun tita"
"Franco, iho matanong lang kita?"
"Po?"
"Nakakapagpahinga ka pa ba?"
"Po? Opo naman tita..."
"Ano bang schedule mo sa pagVJ iho?"
"TTH lang po..."
"Napansin ko lang kasi lagi kang andito pero nakikita ko pa rin ikaw sa telebisyon"
"Kaya ko naman tita... isa pa nangako ako sa anak niyo tsaka sa inyo na babawi po ako... yun lang ginagawa ko po ngayon"
"Alam ko... kita ko... pero iho alagaan mo pa rin ang sarili mo..."
"Opo tita..."
"Pagpasensiyahan mo na anak ko kung mailap pa rin sayo..."
"Okay lang po, naiintindihan ko"
"Pero hindi ba makikita ka ng mga tao kung lagi ka na lang andito? Hindi ba yun makakasama sayo?"
"Wala akong pake sa ibang tao tita... what's more important for me now... is to prove myself to your daughter and to my son... I can quit my job if it means my family's safety"
"Ang laki na ng pinagbago mo mula nung huli kitang nakita..."
"I learned it the hard way tita... I'm really sorry"
"Ang mahalaga natuto Franco. At nagbago."
Ngumiti na lang ako sa sinabi ng mama ni Claire saken. I know hindi pa rin sapat pero hindi ako titigil kahit anong mangyari.
BINABASA MO ANG
Jockey Love
RomanceYou both work around music. One with visuals, one without. You're a vj, she's a dj. Pano pagtatagpuin ng musika ang buhay ninyong dalawa? How will music turn your world upside down? Will music lead you to the soundtrack of your love?