Franco's PoV
"Love ihi lang ako"
"Okay love bilisan mo lang ah? Malapit na tayo magboard" sambit ko kay Claire habang nakikipaglaro sa anak namin
I kept on trying to ignore Iya buti na lang sinasalag siya ni Claire.
"Hi..." sambit ni Iya sitting beside Francis
"Hello po!" Masiglang bati nung bata sa kanya
"Ako nga pala si mama Iya"
"Iya" pagpigil ko dito
"No po" sambit naman nung bata
"Huh?"
"You're not mama Iya. I only have one mama"
"Bawal bang dalawa baby?"
"Bawal po! I only want my mama po!"
"Sige na... Frank right? Please?" Pagpupumilit pa nito
"Iya ano ba?!" Sambit ko na medyo napataas ang boses kaya nagtinginan samin ang staff
"Papa!!! Waaah. I'm not Frank! Waaahh. She's not my mama!!"
Sinamaan ko ng tingin si Iya bago ko binuhat palayo si Francis para mapatahan pero sinundan pa rin kami ni Iya
"Franco please, kausapin mo naman ako..."
"Iya. One more word from you. Isang isa na lang. mag-iinterview ka mag-isa"
"I just want to talk to you! Yun lang yun!"
"Waaahh!!" Pagiyak pa lalo ni Francis nang makita si Iya
Nagmamadali namang bumalik samin si Claire nang makita ang eksena
"What's going on?!"
"M-mama! Mama!!" Sambit ni Francis wanting to go to his mom kaya ibinigay ko yung bata
"Sshhh. Franco ano to? Nag-cr lang ako"
"Kakausapin ko si Franco" matigas na sambit ni Iya
"Iya! Ano ba?!" Iritang sambit ko dito, "for fck sake stop!"
"B-but-"
"That's it. This is so over and done"
"No, Franco. Tell me Iya. Right here. Right now. What's going on"
"Claire wag na..." pagkumbinsi ko pa dito
"What's going on? I love Franco! Gusto ko siya! Saken dapat si Franco!"
"Iya!" Sita ko dito because we're causing a scene already
"Tapos ka na?"
"You! You and that dumb kid-"
Bago pa man niya natapos ang sasabihin niya nasampal na siya ni Claire sa mukha
"Wag na wag mong idadamay ang anak ko dito. Babangasan ko mukha mo"
Kinuha ko yung bata kay Claire dahil na rin inabot niya ito pabalik saken
"How dare you?!"
"How dare YOU. Napakadesperada mo. Hindi ka gusto. Pero ano? Sinisiksik mo sarili mo? Di ba? Para ano? Makuha mo atensyon niya? Magawa mo plano mo para masira kaming dalawa? Excuse me lang pero bago ka dumating sa eksena naging kami na noon pa, may bata na nga di ba?"
"Kung di ka bumalik-"
"Oh please cut that crap. Ang daming lalaki sa mundo pero sa isa ka nagpapakatanga. Ganun ka kababa? Oh my god, so disgusting"
"Ang kapal ng mukha mo!"
"Ako ba talaga? Siguro makapal ang mukha ko para bumalik sa nasira naming relasyon noon pero hindi ba ikaw ang mas makapal ang mukha?"
Natigilan si Iya sa sinabi ni Claire pero nagpatuloy lang si Claire sa sinasabi niya habang ako pinapatahan ko si Francis, tangina naman talaga oo.
"Kasi imagine chasing someone and trying to catch him even though he already loves someone else. He even has a kid pero ang kapal ng mukha mo para subukang sirain yon, Iya."
"Sige magwala ka. Ako madami akong pwedeng gawin sa buhay ko kahit mawalan ako ng trabaho, ikaw? Artista? Kaya mo ba lahat ng issue na lalabas pagkatapos ng eksenang to? Ha?"
"I hate you!"
"Oh dear, mutual tayo sa part na yan. Siya nga pala may nakalimutan pa ko" sambit ni Claire bago sinampal ulit si Iya.
"Wag na wag ang pamilya ko. Pupulutin ka sa impyerno"
"Love let's go tama na yan" sambit ko pulling her away towards our bags this time at nagpaalam na ko sa mga crew ng show. I don't care getting fired. Wag lang ganito. Wag ang pamilya ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/303032415-288-k904998.jpg)
BINABASA MO ANG
Jockey Love
RomanceYou both work around music. One with visuals, one without. You're a vj, she's a dj. Pano pagtatagpuin ng musika ang buhay ninyong dalawa? How will music turn your world upside down? Will music lead you to the soundtrack of your love?