SIMULA

24 7 13
                                    

6 years ago

"Iris."

Naidilat ko ang mga mata ko nang maramdaman ang mainit na haplos sa pisngi ko.

"Ma!" Napaayos ako nang upo ng makitang gising na siya at nakangiti akong pinagmamasdan.

"Galing ka bang eskuwela?" mahina ang boses na tanong niya na ikinatango ko. "Hindi ka pa nagpapalit, baka matuyuan ka na ng pawis."

Pinasadahan ko rin ang suot ko. Hindi na pumasok sa isip ko na magpalit muna sa bahay bago dumaretso rito, alam ko kasing walang magbabantay ngayon dahil exam week at ang lahat ay na sa eskuwelahan pa pati si Papa bilang isa siyang guro. Maaga lang talaga akong nakauwi sa lahat.

"Kumusta ang pakiramdam mo, Ma? May masakit pa ba sa'yo?" Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama niya. "Tatawag muna ako ng nurse."

Marahan niyang hinawakan ang kamay ko na ikinatigil ko bago siya marahang umiling sa'kin. "Maupo ka, may gusto akong ibigay sa'yo."

"Pero, Ma..." pag-angal ko pero isang maliit na ngiti lang ang isinukli niya, wala akong magawa kundi bumalik sa pagkakaupo.

Paulit-ulit niyang marahang hinaplos ang kamay kong hawak niya habang ang atensiyon ko ay na sa mukha niya. Napa buntong hininga ako. Maputla pa rin ang mga labi niya at mukhang nanghihina pero mas kampante na ako ngayon kaysa sa mga nagdaang araw na hindi siya gising. Seeing her smile right now makes me forget all the problems I have.

Siguradong magiging palagay na ang lahat kapag malaman nilang gising na siya. They missed her so much more than I do, especially, Paps.

Hinaplos naman niya ngayon ang mukha ko, "Kamukha mo talaga ang Tita Beatrice mo kapag naka simangot ka," biro nuya na ikinabusangot kong lalo. I tried my best not to roll my eyes, she knew how much I hated being compared to Tita Beatrice. Hindi sa ayaw ko sa kaniya, she's still my aunt but I don't like her bitterness. "Pero sana katulad n'ya ay maging matatag ka rin at palaging pahalagahan ang pamilyang mayroon ka."

Daretso ang titig niya sa mga mata ko, hindi ko alam kung dahil lang ba nanghihina pa siya kaya ganoon ang tono at paraan niya ng tingin pero nakuha no'n ang atensyon ko. Muli siyang nagbaba ng tingin sa kamay kong hawak ng kaliwa niyang kamay, hindi na siya nag-angat ng tingin sa akin at nanatili na lang doon ang atensyon.

Mula sa kaliwang palapulsuhan nya ay pinanood ko siyang marahang tanggalin ang pinaka iniingatan n'yang bracelet bago niya iyon ipinatong sa palad ko. Lito ko siyang tinignan dahil alam ko ang ibig sabihin nang pagbibigay ng bracelet na iyon.

"Ma--"

"Alam kong hindi madali ang lahat at patawad kung mas hindi magiging madali ngayon..."

Kumalabog ang dibdib ko dahil sa huli niyang sinabi, "M-Ma, hindi kita maintindihan."

Tanging ngiti lang ang nakuha kong sagot bago niya kusang ikinabit sa kaliwang palapulsuhan ko ang bracelet. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya kasabay malakas na kabog ng puso ko.

Hinaplos niya ang likod ng palad ko nang masuot na sa akin ang bracelet, sa pagkakataon na ito ay daretso na niya akong tinitigan at marahang hinaplos ang pisngi ko kasabay ng mga luha niyang hindi na napigilan. "Naaalala mo pa ba ang pangako natin?" Hindi ako sumagot. Hindi ko na kayang sumagot pa. "Ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo."









---

"Maiwan muna kita rito, Ms. Dela Costa may kailangan lang talaga akong tapusin saglit," ang pagpapaalam ni Papa bago bumaling sa'kin. "Ikaw muna ang bahala sa bisita natin, Hemera."

Hindi ako sumagot at nanatili lang ang tingin sa babaeng abot tenga ang ngiti ngayon kay Papa.

"Hemera,"

After the Rain (ESS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon