KABANATA 3

17 4 11
                                    




"Iris?"
Ang boses ni Isagani sa likuran ko, narinig ko ang mga yabag n‘ya papalapit sa‘kin para kumpirmahin  kung tama ba ang nakita n‘ya. "Ikaw ba ’yan?"

Hindi. Hindi ako ’to kaya please umalis ka na!

Nanatili akong nakatalikod sa kaniya at hindi sumasagot. Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko. Lord, please kung masamang panaginip man po ’to gisingin niyo na ako.

Pilit niyang sinisilip ang mukha ko pero agad akong umiiwas. Ano bang ginagawa ng isang ’to rito!?
Hindi ko alam kung paano s‘ya napadpad dito pero ang ikinababahala ko ay baka kasama n‘ya si Apollo! Talagang mayayari ako kapag nagkataon.

Nanlaki ang mata ko nang biglaan n‘ya akong iharap sa kaniya na agad kong ikinaiwas ng tingin habang unti-unti namang sumilay ang ngisi sa labi n‘ya ng makumpirma ang hinala.

"Ikaw nga, dyosa ng bahaghari! Anong ginagawa mo rito?" Pinasadahan n‘ya ang kabuo-an ko at nangunot ang noo.

Marahas na napalunok ako ng sariling laway at inalis ang kamay n‘ya sa braso ko bago balingan ang pinto ng shop para tignan kung may kasunod pa ba siya. Nakahinga naman ako ng maluwag nang wala akong makitang pamilyar na tao sa labas ng shop.
Mukhang hindi n‘ya kasama si Apollo.

"Alam mong hindi papayag sila Apollo kapag nalaman ’to." Nabalik sa kaniya ang tingin ko ng marinig ang seryoso niyang tinig.

Hindi ako agad nakasagot, hindi ko alam ang isasagot dahil tama siya, sa oras na malaman ’to nila Ares ay katapusan ko na. At hindi ’yon imposible gayong siya pa ang nakakita sa‘kin dito.

Kailangan ko s‘yang mapatahimik,

"Isagani, makinig ka muna--"

"Ysmael? Andito ka na pala," ang boses ni Tita Helena na ikinalingon sa kaniya ni Isagani.

"Ninang!" sambit ni Isagani bago lumapit kay Tita Helena para yakapin ’to.

Ninang!?

Napaawang pa ang bibig ko dahil sa gulat, at ng makita ko si Lisa na kalalabas lang ng cr ay hindi na ako nagdalawang isip na kumaripas ng takbo para salubungin siya habang wala pa sa akin ang atensiyon ni Isagani.

"Oh? Era--"

"Ikaw muna ang bahala, Lisa." Hindi na s‘ya nakasagot dahil nagdare-daretso na ako sa loob ng banyo.


Hindi ko alam kung gaano katagal ang  nilagi ko sa loob ng banyo bago ako katukin ni Lisa para ipaalam na dumating na ang pagkain namin at umalis na si Tita Helena kasama ang inaanak niya. Lumabas lang ako ng marinig ang huli niyang sinabi, at totoo nga, umalis din agad si Isagani kasama si Tita Helena.

Ang mga sumunod na pangyayari pagkatapos no‘n ay naging malabo na sa akin dahil masyado ng okupado ang isip ko at lumulutang na. Hindi ko alam kung paano ko na-survive ang duty ko ng hapon na ’yon kahit na balisa ako sa kaiisip ng puwedeng mangyari kung sakaling sabihin ni Isagani kay Apollo ang nakita niya ngayong araw. At sigurado akong kapag nalaman nila ang tungkol sa pagpa-part-time ko sa Hiraya ay patitigilin nila ako at hindi ’yon maaari, hindi pwede, hindi pa ngayon.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay ng parang walang nangyari kahit na sa loob-loob ko ay hindi ako mapakali. Ang daming tumatakbo sa isip ko at sa lahat ng ’yon ay kasama si Isagani. Maging ang mga kapatid ko at si Papa ay naguguluhan sa kinikilos ko dahil sa bawat pagtawag nila sa pangalan ko ay nagugulat ako lalo na kapag si Apollo. Maging sa bawat tunog ng notification ko ay natatakot akong tignan dahil baka galing ’yon kay Isagani at binabantaan akong sasabihin niya kila Apollo ang nalaman niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

After the Rain (ESS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon