KABANATA 1

11 4 7
                                    

Hemera Iris Esquivel

"Hemera, bilisan mo namang maglakad." Hinila ni Faith ang braso ko. "Para na akong may anak na inaalagaan. Si Jorge nauuna na maglakad, ikaw naman ang bagal, ano ba naman kayong––"

"Susunod na lang ako," pagputol ko sa kaniya  bago tanggalin ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Ha? Anong susunod ka na lang? Magsisimula na ’yung palabas! Hemera!"

Hindi ko na nagawang tumugon o kahit na balingan pa si Faith dahil hindi ko na maialis ang tingin ko sa pamilyar na mukhang nakita ko. Daretso ang lakad ko habang hindi maawat sa bilis ang tibok ng puso ko na para nang lalabas sa dibdib ko ano mang oras.

Maraming tao ngayon sa mall at halos karamihan ay estudyante pero kahit na gano‘n ay hindi ako puwedeng magkamali sa nakikita ko. Kilalang kilala ko ang mukhang ’yon maging ang uniform na suot niya. Malalaki ang naging mga hakbang ko para lang maabutan sila. I will never let it pass.

Hindi niya napansin ang paglapit ko kaya nang hawakan ko siya sa braso ay gano‘n na lang ang gulat niya ng makita ako. Ang ngiti sa labi at mata niya ay kusang naglaho ng makilala kung sino ako at ngayon ay para na siyang nakakita nang multo. Ako naman ang napangiti dahil sa naging reaksiyon niya.

"Excuse me?" litong ani ng kasama niya bago siya balingan na tila nanigas na sa kinatatayuan. "Do you know her, babe?"

Hindi siya nakasagot o kahit nakagalaw man lang. Kita ko ang pamumutla ng mukha niya  habang lito naman ang kasama niya. I smile even more bago bitiwan ang braso niya.

"Ohh, sorry! Akala ko ikaw ’yung kakilala ko," I said, binalingan ko ang kasama niya. "Pasensya na naistorbo ko ’ata ’yung date niyo."

"No, it's fine," ang sagot nito bago balingan ang kasamang ngayon lang nakabawi at hindi na ako masulyapan. "Babe, let's go."

Muli ko siyang binalingan, seryoso na ang mga tingin ko pero hindi na niya nagawa pang magtaas ng tingin sa‘kin. Naikuyom ko ang kamao ko. Pinanood ko silang maglakad papalayo bago inilabas ang cellphone ko mula sa bulsa ng pants ko. Nakita ko ang bahagya niyang paglingon sa‘kin habang hawak din ang cellphone niya.

"Meet me there, if you don't want me to make a scene here," I said before ending the call.

Dumaretso ako sa pinaka malapit na restroom habang tinitignan ang tadtad na text ni Faith sa‘kin maging si Jorge ay may text na rin, hinahanap na nila ako dahil magsisimula na raw ang palabas. Nag-send lang ako ng message na susunod ako agad pagkatapos nang ginagawa ko para hindi sila mag-alala.

Hindi ko puwedeng sabihin sa kanila ang nakita ko dahil mas mag-eeskandalo si Faith kaysa sa akin kapag nalaman niya. Though, I can handle this myself, I am used to this anyway.

Habang naghuhugas ako ng kamay ay narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng kung sino pero kahit hindi ko tignan ay alam ko na kung sino ’yon. Tinapos ko lang paghuhugas ko ng kamay bago ako daretsong tumingin sa salamin kung saan ay kita ko siya.

"A-Ate Era––"

"Don't call me that again," pagputol ko sa kaniya na lalo niyang ikinayuko. "Gaano katagal mo ng niloloko si Atlas?–No, saan ka nakakuha ng lakas ng loob para lokohin ang kapatid ko?"

Tinitigan ko siya mula sa salamin, hindi siya sumagot at nanatili siyang nakayuko at nag-iiwas ng tingin sa‘kin.

"Break-up with Atlas."

Napataas na siya ngayon ng tingin sa akin na tila gulat at hindi makapaniwala sa narinig niya. Napataas naman ang kilay bago siya balingan sa gilid ko.

"P-pero..."

After the Rain (ESS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon