"So you came from Mayfair University Ed? And the reason you transferred to Carson is?"
"Mas malapit ang apartment dito," sagot ni Eden habang nilalagyan ng sabaw ang kanin. Dinala niya kami sa isang eatery na malapit lang sa apartment. Medyo may kamahalan ang pagkain dito compared sa presyo ng mga karinderya sa probinsiya namin. Di bale, mas okay na'to kaysa kumain pa kami sa mga mall na mas lalong mahal compared dito. At masasarap naman ang mga pagkain na binibenta nila.
"Iyong lang ang rason?" Maju leaned on the table, placing her hand under her chin. "Yes Inday Marionne, huwag kang marites," tinaas ni Eden ang kutsara at umakto na parang hahampasin niya si Maju gamit nito. "Weh? hindi ako naniniwala," Lyrah snickered. Eden rolled her eyes at her. "Isa ka pa! Ke bata bata niyo pa, ang chichismosa na," she jabs her finger in the air. "You're so defensive Eddie, parang may something nga talaga," dagdag ni Tiana, ayaw tigilan si Eden. She helplessly looked at Renee, asking for help. The latter just shrugged at her.
"Okay! Okay! Chichika na ako," she threw her hands in the air. Huminto silang lahat sa pagkain at taimtim na humintay sa sasabihin ni Eden. Even Renee stopped using her phone for a bit. Eden unbelievably looked at her. "Chismosa rin pala ang gaga," she scowled. Renee winked at her then gave her a finger heart in return.
"So once upon a time," she narrated. Binaba ko ang hawak na kutsara't tinidor saka ako umusog kay Renee. I tucked some strands of my hair behind my ear before leaning over. "May naging boyfriend ako na Espanyol—" Renesmee gasped.
"You traitor," hindi makapaniwala niyang sabi.
"Gaga ka! Matagal na tayong nakalaya mula sa colonizationism ng mga Espanyol. Past is past na beh," We all laughed. "Lapu-Lapu must be turning on his grave right now," she shook her head. "Tama! Namatay sila para sa bayan. Tapos kakalimutan mo lang dahil sa kalandian," tinaas ni Lyrah ang index finger niya.
Tumaas ang kaliwang kilay ni Eden. "Talaga ba Lyrah? Makabayan ka na niyan? Hindi mo nga alam ang buong lyrics ng Lupang Hinirang! Pero kung fanchant ng Twice—halos gawin mo nang daily mantra," and Eden kept on ranting about how Lyrah spends her money over Korean albums and concerts and not buy filipiniana and barong tagalong instead.
"So ayon nag-transfer ako kase palagi akong iniintriga ng mga barkada ni ex," pagmumuktol niya. "E tangina nilang lahat! Anak ko ba 'yon? Nakipag-break nga tapos nawala na parang bula," nagsalubong ang kilay niya habang tinataas ang isang kamay. "Parang break and run ganoon pero hayaan niyo na—pangit naman 'yon! Sayang ang genes ko sakanya," nabulunan si Maju sa sinabi ni Eden.
"Te Espanyol? tapos pangit? sure ka na niyan? final answer?" naguguluhan niyang tanong.
Renesmee groaned inwardly. "Porket imported, understood na pogi agad? Hindi naman lahat ng banyaga kaaya-aya tingnan," she said in a stern voice. "I agree Renee! I also have acquaintances from Europe na you know—not so gwapo at all," bulalas ni Tiana to which Eden agreed.
"Right from the mouth of our half-imported friend pero balik tayo kay kumareng Eden," Maju clapped her hands.
"Anong sabi mo na sayang ang genes mo? Sinuko mo na ang bataan sa mga Spaniards te?"
"Gaga!"
"Pakiwalis ng kalat please,"
"Hoy! May bata dito!" agad na tinakpan ni Lyrah ang dalawang tenga ko. I heard their muffled voices. Nagtatalo silang apat habang si Renee naman ay natatawang pinitik ang noo ni Maju. Eden kept on arguing with both Lyrah and Maju. She had her index finger pointed above, strongly indicating her point while Maju kept on making weird faces towards her. They are so chaotic, hindi ko masyadong maintindihan ang pinagsasabi nila dahil sobrang higpit ng pagkatakip ni Lyrah sa dalawang tenga ko. Hindi nagtagal at binitawan niya iyon nang magsalita si Tiana.