Kim's POV
"Bestfriiiieeeennddd!!"
Nakatalikod pa ako pero kilalang kilala ko na yang eskandalosang boses na yan."Oh? Eto naman. Umagang umaga ang ingay. At take note. Nasa gitna tayo ng field." Sabi ko.
"Syempre 'no! I missed you kaya!" Exaggerated na sabi nya.
Pssshh! Kung makasabi ng ganyan, parang di kami nagkikita araw-araw nung bakasyon. Kung minsan, pumupunta ako sa bahay nila. Minsan naman sya pumupunta sa bahay.
Kakasawa nga e. Joke lang. Haha. Mahal ko yan.
Anyways, I'm Kim Emanuelle Ventura. Pwede nyo akong tawaging Kim, Em, Em-Em, Elle. Kung saan kayo komportable ^___^16 years of age! Representing -/:;()$&@@.,?!',, Philippines! I believe that.. I AM PRETTY! THANK YOU! :D
HAHAHA. JOKE LANG. Baka isispin nyo baliw ako.
Inaabot nanaman ako ng kabaliwan. Tsk.Baliw at hyper ako pero mahiyain. Haha. Gulo no? Mahiyain ako sa mga di ko kilalang tao. Pero once na makilala mo ako or maging friends tayo.. Baka magsisis ka kasi kinaibigan mo ako at mag wish ka na sana di mo nalang ako nakilala. Hahaha. Maingay at makulit kasi ako minsan. Pero madalas, seryoso ako sa mga bagay-bagay.
Hmmmm. SABI NILA...
Mabait, Friendly, Smart, Cute, at Pretty daw ako.
Chinita kasi ako, matangkad, maputi at tama lang ang katawan ko. Hindi ako mataba, hindi rin payat. Di kami ganun kayaman na katulad nung sa ibang teleserye na u od ng yaman. Tama lang. Pero itong bestfriend ko for almost 10 years ang mayaman. Sya si Carly Chua. First day nga pala namin sa school ngayon. At ang masasabi ko lang...Simula nanaman ng kalbaryo T,T
"Hoy! Aba naman! Kanina pa ako nagsasalita dito tapos nakatulala ka lang dyan. Nagbreakfast kaba? Ang dami ko kayang sinabi. Yung gwapong nakita ko sa mall, yung bagong crush ko at kung ano-ano pa. Hay! Tara na nga lang. Punta na tayo sa room." Tuloy-tuloy nya yan sinabi. Hindi talaga halata sa kanya na mayaman sya dahil sa pananalita nya.
"Alam mo na ba room at section natin?" I asked.
"Yes. Room 19. Section A ulit. Tiningnan ko na kanina pa."Bago pa kami makapunta sa room. E ang dami ko pang tinigilan at kinausap/binati.
Marami kasi akong kakilala at friends dito. Kasi nga friendly ako."Naku bestfriend ha! Nakakahaggard naman. Di pa nagsisimula ang klase pawisan agad ako. Ang dami mo kasing kinausap. Ang init kaya!" Reklamo nya.
"Sorry naman. Alangan namang di ko sila pansinin diba? At tsaka ang ganda mo parin naman kahit pawisan ka." Pambobola ko. Perp totoo namang maganda sya.
"Talaga ba bestfriend? O sige na nga. Tara na. Baka malate pa tayo."
xxROOMxx
"Kimmiii!! Namiss kita! Namiss mo rin ako no?" At sino pa nga ba? Edi yung ubod ng yabang na lalaki. Sya lang naman tumatawag saken ng ganyan. At sya lang naman ang kilala kong may ganyan kataas ang tiwala sa sarili -___-
"Whatever Dude! Taas ng pangarap natin ah." Sagot ko sakanyan habang nakataas ang kilay, sakanya lang naman ako nagtataray.
"Syempre dapat mataas ang pangarap. Para sa future natin BABE," sabay kindat
"Ayiiieee!"
"Bagay talaga kayo!"
"Kayo nalang kasi."
"Oo nga!"
"Go Bestfriend!" Aba't nakisali pa.
At may nagtitilian pa. Mga kaklase ko yan. Pati teacher, nakikisama. Sanay na ako. Ganyan naman sila everyday."Wag nga kayo! Baka mamula sa kilig ang Babe ko nyan e," mapanga asar na sabi nya.
"Babe'in mo muka mo! Hangin mo!"
"Okay class. Enough for that. You may now take your seat. Since first day naman ngayon, kahit san kayo umupo."
Yes! Makakatabi ko si Carly. Dabest ka talaga Madam! :D
"Bessyyy!" Kilala nyo na siguro yan.
"Oh?"
"Uhm. Di kita makakatabi ngayon e. May nakilala ako, transferee sya. Tatabihan ko muna. Kawawa naman, wala pa syang kailala dito."
Ano pa nga bang magagawa ko?
"O sige. Pakisabi nalang sakanya, Hi!"
At dumeretcho na sya dun sa uupuan nya.
Umupo ako sa may unahan, kasi gusto ko unahan.
Pag tingin ko naman sa katabi ko. Vacant pa. Yahoo. Makakalagay ako ng bag."O teka. Teka. Sinong nagsabing ilagay mo bag mo dyan? Chupi. Uupo ako."
"K"
"Love you too!"
Xxxxx
BINABASA MO ANG
It Started With A Fight
RandomNafeel nyo na ba yung sobrang inis kayo sa isang tao. As in yung halos isumpa mo na sya tapos sya yung sumisira ng araw mo. Then, hindi mo namalayan na kulang na pala yung araw mo pag wala sya?