ISWAF #2

156 7 0
                                    

Bill's POV

Hi. Ako si Bill Anthony Rodriguez. 16 years old. 4th Year Highschool. Mayaman kami... ah mali. Parents ko mayaman. Di ako. Minsan nakakabadtrip rin e. Yung tipong pinipressure ka nila. Na dapat pag ganito ganyan. Na dapat maging isa akong magaling na Business Man. E ayaw ko naman nun. Gusto ko maging Engineer o kaya Chef.

"Pre, andyan na si Kim," sabi ni JC, bestfriend ko.

Bigla naman akong nabuhayan. Hmm. Maasar nga.

"Kimmiiii! Namiss kita. Namiss mo rin ako no?" Lumapit ako sabay akbay sakanya. Hahaha. Asar talo. Pikon agad. Snob ako. Pero when it comes to her, ewan ko ba. Nagiging makulit ako. Ang sarap kasing asarin. Gustong gusto kong napipikon sya.

"Whatever, Dude. Taas ng pangarap natin ah" See.

"Syempre, dapat mataas ang pangarap. Para sa future natin, BABE"

And with that, naghiyawan naman ang mga classmates namin at pati Teacher namin nakisali sa pang aasar. Hahahaha.

"Wag nga kayo. Baka mamula sa kilig ang Babe ko nyan e" panggagatong ko naman.

"Babe'in mo muka mo. Hangin mo!" Hahaha. Sabay kurot nya sakin. Mapanakit talaga tong babaeng to.

Pinatigil naman na kami ng teacher namin. Since first day, kahit san naman pwedeng umupo. Wala pa akong nauupuan at sakto naman na wala pang katabi si Kimi. Kaso unahan, ayoko sa unahan. Pero pwede na mana pagtyagaan. Maasar lang

Ilalagay nya na yung bag nya sa upuan nung lumapit ako.

"At sinong may sabing ilagay mo dyan ang bag mo?"

Tumingin naman sya sakin sabay irap. Taray talaga netong babaeng to.

"K." Sabi nya sabay alis nung bag at dasig nung upuan nya na medyo may distansya kami.

Arte. Hahahaha.

"Love you too," sabi ko sakanya at wala man lang reaksyon. Kinikilig yan, for sure.

It Started With A FightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon