CHAPTER 5

11 8 3
                                    

ANNOUNCEMENTS: Wala pala hehehe

ENJOY READING!
--------------------------------------------------------------------------

MEYO POV:

Pagkapasok ko dito sa condo ko agad akong pumunta ng cr. Para linisin ang katawan ko.

Bwesit na Stephanie yun.

Nakakahiya tuloy kay ryle. Ay! Bat ako nahihiya? Tsk.

Flashback:

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ni ryle kaso bigla siyang nagsalita siya.

"Stay there" dahil sa nagtaka ako at di alam ang gagawin. Nag stay nalang ako at siya namang paglabas niya sa kotse at lumapit sa gawi ko saka binuksan ang pinto. Lumabas ako syempre ano paba gagawin ko eh nasa tapat na ako ng condo ko.

"Uhmm t-thank you" sabi ko sa kanya habang nakangiti. Inalayan niya naman akong pumasok sa gate.

Hindi naman ho ako lumpo.

"You're welcome" sabi niya. "Maligo kana rin ang lagkit mo na" napangiwi naman ako sa sinabi niya. Shitt! Oo nga pala di ako nakapag linis kanina.

Nakakahiya.

"S-sorry" yan lang nasabi ko sa sobrang hiya hahahah. Lumapit siya sa akin na malagkit ako eh. Tumango naman siya at bumalik na sa kotse niya.

Ayy attitude di man lang nag smile.

Pake ko ba? Duhh!

"Bye meyo/memoyi" sabay paalam ng dalawang kumag este Charles and Kayla habang nakangisi. Tsk! Crazy.

Pagkaalis ng kotse nila saka lang ako pumasok sa loob.

End of Flashback

Halos isang oras bago ko malinisan ang sarili ko. Kung wala lang nag doorbell baka di na ako lalabas ng cr.

Sino naman kaya ito, wala naman akong bisita.

Bubuksan ko na sana ang pinto kaso nag vibrate yung phone ko. Akala ko tawag text lang pala. Binuksan ko ang text ang siya namang ikinalaki ng mga mata ko.

Unknown:
Don't open the door. He has a gun.

Gun?

Agad naman akong tumakbo papasok ng kwarto ko at nilock ang pinto.

Shit!

Lakas ng kabog ni heart.

Dahil sa takot ko di ko na namalayan na nakatulog na pala ako at pagkagising ko 12:36am na. Arghh! Gutom na ako.

Agad akong pumunta sa kusina at nagluto ng makakain ko.

Pagkatapos ko kumain at magligpit umakyat na ako sa kwarto ko. Pagka-akyat ko nag vibrate ulit yung phone ko.

Unknown:
Nasa labas parin siya ng bahay mo.

Shitt creepy!

And who the hell is this?! Paano niya nalaman number ko?

To unknown:
Who the hell are you?

Ilang minuto din akong naghintay ng reply niya pero di siya sumagot.

THE HIDDEN SECRETS OF HIRSCH ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon