Note: EXPECT A LOT OF GRAMMATICAL ERRORS AND TYPO'S.
ENJOY READING!
___________________________________________________MEYO POV
NATAPOS na ang klase pero lutang parin ako dahil sa mga nangyari sa araw na'to.
"Meyomi, I've already told the boys to go first." Biglang sulpot ni kay.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Bakit kailangang mauna sila?
"Secret, let's go!" Nakangisi niyang sagot at sabay hila sa amin ni trisha papasok sa kotse niya.
Tahimik lang kaming tatlo habang nasa byahe hanggang sa makarating kami sa isang beauty salon.
Ano na naman to?
"Anong gagawin natin dito ate kay?" Nagtatakang tanong ni trisha. Oo nga!
"Let's go inside first" aya niya at naunang lumabas ng kotse saka pumasok sa loob ng salon.
Kayla is really obsessed when it comes in make ups or whatever!
Sumunod naman kami ni trisha sa kanya.
"Here meyomi" tawag niya sakin nang makapasok na kami. Agad naman ako nagtungo sa gawi niya. "Vina, ikaw na bahala sa kanya ah" nakangiting sabi niya sa staff ng salon.
Agad naman akong inalayan ng staff para umupo. Tumingin muna ako kay kayla pero nakangiti lang ang gaga habang nakatingin sa akin.
"Vina, just put light make up on her." Utos niya sa staff.
"Yes po ma'am" nakangiting sagot ng staff habang pinaplantsa ang buhok ko. Shit! Wag sana masira ang buhok ko. Hindi pa naman sanay yung buhok ko sa mga ganito.
Almost an hour bago kami natapos mag ayos. Bakit ba naman kasi kailangan magbihis ng ganito? Kami kami lang naman.
"You look stunning in that dress, meyomi!" Nakangiting sabi ni kayla habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Perfect!" Dagdag nito.
"Ang ganda mo ate meyo" dagdag naman ni trisha.
I wore a white and strapless dress. Just a simple dress and light make up.
Pagkatapos naming magbolohan napagdesisyunan na naming umalis na ng salon baka umuusok na yung ilong nila Charles kakahintay sa amin.
"No class tomorrow, right? So let's party overnight!" Na i-excite na sabi ni kayla habang nagmamaneho.
Yeah!
We have no class tomorrow kasi intrams ng mga teachers. Mas nauuna ang intrams nila kesa sa aming mga students. Sana all diba?
Ilang minuto bago kami nakarating sa isang — Bar?
"Kayla, akala ko ba tayo tayo lang?" Angal ko kay kayla.
BINABASA MO ANG
THE HIDDEN SECRETS OF HIRSCH ACADEMY
Teen FictionWhat if the innocent girl turn into strong woman? A woman who willing to die just to protect everything. DIE OR DIE? SAVE OR DIE? ______________________________ Date published - April 17, 2022 Date finished - ______