CHAPTER 2

2 0 0
                                    

Astrid's POV

Napamulat ang aking mata dahil sa sinag na nag mula sa araw,
Wait..what?!

Agad kung nilibot ang aking tingin, napakunot ang aking noo dahil puro mga puno at ibon ang aking nakikita.
"What is this place?" Nagatatakang tanong ko sa aking sarili at nagsimulang maglakad,
Nakakapagtakang nandito ako sa lugar na ito imbis na nasa dagat dapat ang katawan ko, lumilitaw at wala ng buhay.

Iniwaksi ko nalang ang isipang iyon at nagtuloy-tuloy sa paglalakad kahit hindi ko alam kung saan ba ako pupunta.
Isang oras na ako naglalakad hindi parin ako nakakakita ni isang bahay manlang at tsaka nauuhaw narin ako,
Kukunin ko sana ang aking cellphone ng maalala kung natangay nga pala ito nang tubig tsk.
Hinihingal at pinagpapawisan narin ako dahil sa init nang panahon, alam kung normal lang ito sa palipinas, pero hindi talaga ako sanay sa init at first time ko ring naglakad sa napaka-habang oras.

Habang naglalakad ako ay may nakakasalubong na akong mga tao,
Pero pag-may nadadaanan akong tao ay tinitignan nila ako mula ulo hanggang paa tsaka magbubulungan,
Naiiritang nilampasan ko nalang ang mga ito,

Nang makakita ako ng kantina ay agad ko itong pinuntahan at tinungo ang counter kung saan may dalagang babae ang nagbabantay.

"Water please" ma-utoridad
kung sabi, nilingon niya naman ako at tinignan mula ulo hanggang paa kaya tinignan ko siya ng masama
"H-huh?" Nagtatakang tanong niya
Kaya napairap naman ako
"Are you deaf?, I said give me a water" malamig at walang emosyon kung saad na ikinatigil niya
"Pa-pasinya na b-binibini, pero hindi k-ko maintindihan a-ang iyong si-sinasabi" utal utal niyang saad
"Ghad! Hindi ko alam na marami na pala ang mga bobo sa panahon ngayun, water lang hindi pa alam!" Naiirita kung saad at napairap nalang
"Tubig! kailangan ko ng maiinom!" may kalakasan kung sabi sakaniya,
"O-opo, kukuha na po" mangiyak-ngiyak niyang sabi at natatarantang kumuha ng tubig,
At agad niyang ibinigay saakin na kinuha ko naman ito tsaka ininom
"Anong nang-yayari dito?"
Isang mahinhin na boses ang narinig ko na nanggaling sa aking likuran kaya nilingon ko ito
"Aahhh... Ehh.. Kasi po-" hindi niya na natapos ang sinasabi niya ng sumabat ako
"It's non of your business" malamig kung saad kaya napalingon ang lalaki sa gawi ko, kunot noo niya akong tinignan mula ulo hanggang paa, kaya ginantihan korin siya ng tingin.
Mas matangkad ito saakin, itim na buhok at dark brown na mga mata,masasabi kung may itsura talaga siya..

"Magandang umaga binibini, ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?" Tanong niya at ngumiti saakin, Tinignan ko lang siya ng seryuso at at nagsimulang maglakad palabas ng kantin

"Ahh.. Teka lang binibini, ako nga pala si prisipe Vox, maari ko bang malaman ang iyong ngalan?" Napahinto ako sa pagalalakad, prinsipe? nagpapatawa ba siya tsk.
"Astrid" maikli kung saad habang nakatalikod sa kaniya tsaka nagpatuloy sa paglalakad palabas,

Habang naglalakad ay namamanghang nilibot ko ang aking tingin,
Napakaganda ng mga bahay at wala karing makikitang basura sa paligid napatingin naman ako sa inaapakan ko ito ay sementadong kalsada na parang naka-tile pattern.

"Tumabi kayo!" Isang sigaw ang narinig ko malapit sa aking likuran
Kaya nilingon ko ito, ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng may kalisang paparating sa deriksyon ko huli na para maka-iwas ako kaya nasagi ang aking braso kaya natumba ako...

ALBAÑAWhere stories live. Discover now