ஆ 1

37 7 8
                                    


The Introduction


ーーーーーーーーーーーーー

Nice P.O.V.

"Magandang umaga Blacky!!!" bati ko sa tuyoin kung aso. Hay, kailan pa kaya magiging asukal to? Ako pala si Nice Robrediez, labing pitong taong gulang.

Wala na akong pamil- ay meron pala, sino paba? Edi si Blacky! Wala na akong nanay at tatay. Nung 6 palang ako iniwan na kami ni tatay, tapos nung 11 naman ako, iniwan ako ni nanay. Ayun may iba na silang pamilya. Itong bahay nalang natira saakin. Si Blacky nakita ko lang sa daan kasi ni lalamig. Naawa ako mabait kaya ako. Pinangalanan ko syang Blacky kasi kulay brown ang kulay nya hehehe, diba ang brightlyness ko!

So ngayun magbibihis ako at papasok nanaman sa school ng mga itshusherang mayayaman. Kung di lang dahil sa Scholarship di ako makakapasok dito.

"Pasok muna ako Blacky. Ipag-pray mo ako kay bro na sana maging mabait saatin ang araw na ito!" usap ko kay Blacky.

Huminga muna ako ng malalim sabay ngiti at handa ng ipaglaban ka! Charot. Handang makipagbakbakan sa maalipustang lipunan!

Ng makalabas ako ng bahay, nakita ko yung kapitbahay kung tsismosa. Ngumisi ako saka sinigawan ito

"MAGANDANG UMAGA SA PABORITO KUNG TSISMOSA!! HAHAHAHA".

"ABA?! WALANG HIYA KANG BATA KA!! ASAN NABA YUNG ARINOLA KO?!" opps nagalit ko ata sya, oras na para TUMAKBO!!

"HOY! BUMALIK KA DITONG BATA KA NG MATIKMAN MO ANG ARINOLA KO!!" galit na galit na sigaw nya saakin habang tumatakbo ako.

"Phew, kapagod. Bat kasi ako tumakbo di naman ako hinahabol?" reklamo ko sa sarili ko.

"Alam mo kung bakit? Kasi tanga ka!" saad ng kung sino sa likod.

"Si Blacky talaga di ako pinagdasal, aga aga daming mga itshushera" bulong ko sa sarili ko.

"Binubulong mo dyan? May nakikita kabang di ko na k-kita? H-hoy wag kang magbiro ha!!" sabi ng lalaki ngayung nakakapit sakin.

Hinarap ko ito, at tumambad ang mukhang tukong lalaki na ang pangalan ay Mark.

"Bumitaw ka nga! Pinaglihi ka talaga sa tuko makakakapit ang higpit" inis na sigaw ko dito saka pinilit na ipaghiwalay ang kamay nya saakin.

"Parang ayoko ko ng bumitaw tomboy, ang floppy mo pala HAHAHAHA" natatawa nitong saad sabay karipas ng takbo.

Umusok naman ang tinga ko ng tawagin nya akong tomboy.

"Pogi sana, timang naman tsk sayang" bulong sabay tawa.

Kinuha ko yung cellphone ko saka sinaksak yung earphone ko.

Thumbs by Sabrina Carpenter

Somewhere in the world
There is a Father and a Mother

"luh, sana lahat may nanay at tatay" nakabusangot kung bulong.

And the father is a son, who has a mother
The mother has a daughter who gets married to the brother of a mother
And they all just tryna multiply with one another

"'Cause that just the way of the world. It never ends, 'til the end then you start again" pagsabay ko sa kanta.

Untitled Fantasy 1: Nice And The Forgotten QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon