ஆ 3

18 1 0
                                    

BETRAYAL?

ーーーーーーーーーーーーー

Someone's POV (3)

"Ina, malapit ng magising ang hari ng kadiliman. Ito na siguro ang tamang panahon upang ibalik natin sya sa Lotheodorien" saad ko kay ina.

"Kung gayon ay hahayaan kitang manguna sa pagbabalik nya" saad ni ina at ngumiti saakin.

"Mag ingat ka prinsesa, bubukas ang lagusan pag naramdaman nito ang dugo ng kanyang amo" saad ni Nanay Beth, ang aking tagapag-alaga.

Nginitian ko silang dalawa "Makaka asa kayo ina, nanay beth"

"Humayo ka"

Nice POV

Naramdaman kung may mabigat na bagay na naka patong sa tyan ko kaya agad ko kung tinulak, nagulat naman ako ng bigla itong umaray. In that point naalala ko na KATABI KO PALA SI CANDY!!

"Sorry talaga candy! Ayus kalang ba?" alalang tanong ko sa kanya.

Ngumiti lamang ito saakin
"Ayus lang po ate"

"Sige matulog ka ulit at bibili ako ng ulam para saating tatlo" paalam ko sa bata.

Kinuha ko ang isang daan dun sa bag na ibinigay ni aling Marisol at maligayang pumunta sa tindahan ni Aling Bebang.

Ng makabili ako ng dila agad ko itong niluto kasama yung itlog. Habang prinipito ko ito nag saing na din ako.

Pagkatapos kung mag prito at nag saing tinawag ko na si Candy at binigyan ng pagkain si Blacky.

Pagkatapos naming kumain ay maligo umalis na kami.

Hinatid ko muna si Candy sa school nya at nagsimulang maglakad papuntang school ko. Kung magtatanong kayo kung may baon sya, yes po meron 50 pesos. Sya naman nag sabi na 50 lang daw.

Ng makarating ako sa school as usual ayan nanaman yung bruha. Hayst, pagod pa naman ako ngayun.

Ng makadaan ako sa harap nila, di nila ako pinansin at sobrang nakakapanibago. Pero baka they already learned their lesson.

Naglalakad ako papuntang classroom ng may sumigaw ng pangalan ko

"NICEEEEEEEE NA MISSSSSSSS KITAAAAA!!!" nagulat nalang ako ng bigla nito akong niyakap at muntik na kaming matumba.

"Jessy ang aga ha! Pero na miss kita" saad ko sakanya at niyakap din sya pabalik.

Sabay kaming pumasok sa classroom.

"Nice, naalala mo ba yung sapa sa likod ng school? Punta tayo dun mamaya" bulong ni Jessy saakin

"Huh? Ah oo. Sige mamaya sa recess"

Ayun na nga nagsimula na yung klase namin nag discuss na mga teacher namin hanggang sa recess na.

Pumunta kami dun sa sapa.
May karatula dun na may nakasulat na

'༄ 𝕾𝖆 𝕯𝖆𝖑𝖆𝖓 𝖓𝖌𝖆 𝖒𝖆𝖘𝖆𝖓𝖆𝖌, 𝖒𝖆𝖞 𝖐𝖆𝖉𝖚𝖑𝖔𝖒 𝖓𝖌𝖆 𝖓𝖆𝖌𝖆𝖍𝖚𝖑𝖆𝖙. 𝕶𝖆𝖌 𝖘𝖆 𝖉𝖆𝖑𝖆𝖓 𝖓𝖌𝖆 𝖒𝖆𝖉𝖚𝖑𝖔𝖒, 𝖒𝖆𝖞 𝖐𝖆𝖘𝖆𝖓𝖆𝖌 𝖓𝖌𝖆 𝖓𝖆𝖌𝖆 𝖍𝖚𝖑𝖆𝖙༄ '

"Nice, pag may makita kang bahay na nakahilira, sa kaliwa at sa kanan mo. Anong bahay ang pipiliin mo? Ang panlima sa kanan? o ang panlima sa kaliwa?"di ko man maintindihan sinagot ko nalang sya.

"Panlima sa kanan"

Ngumiti lang ito saakin.

"Talikod ka dyan sa sapa picturan kita heheheh"

Sinunod ko naman sya. Nag peace sign na ako. Ngunit nagulat ako ng maramdaman kung unti unti akong nahuhulog. Tinulak ako ni Jessy.

Unti unti kung pinikit ang mata ko. Di ako makapaniwala na ang mismo kung kaibigan ang sya ring-

"𝖠𝗇𝗀 𝖺𝗀𝖺𝗅𝗈𝗇 𝗌𝖺𝗇𝗀 𝗄𝖺𝗌𝖺𝗇𝖺𝗀 𝗆𝖺𝗀𝖺 𝖺𝖻𝗈𝗍, 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗀𝖺𝗅𝗈𝗇 𝗌𝖺𝗇𝗀 𝗄𝖺𝖽𝗎𝗅𝗈𝗆 𝗆𝖺𝗀𝖺 𝗉𝖺𝗇𝖺𝗐" hindi ko maintindihan ang sinasabi nya.

Naramdaman ko nalang tumama ang katawan ko sa tubig. At di ko na namalayan kung ano ang nangyari.

-
A/N:

Short update muna. Iniisip ko pa yung susunod. Yung Lotheodorien, galing talaga yan sa LOTR HAHAHAH.





Untitled Fantasy 1: Nice And The Forgotten QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon