CHAPTER 2

334 67 3
                                    

Nandito ako ngayun sa labas ng building ni Austin, nag aantay na lumabas sya kung sakali lang naman, Maya maya may isang babaeng kumalabit sa likod ko.

"Yes po? may kailangan po kayo?" Tanong ko sa babae.

"Kaya ka napunta dito dahil sakin." Ani ng babae.

"A-ano po?" Tanong ko.

"Dahil sakin napunta ka dito, diba sabi mo gusto mong makapunta dito?" Tanong ng babae.

"Ga-ganun, ahh ehh, opo pero ayaw ko ng hindi nako makaka balik sa mundo ko, paano po ako makaka balik?" Tanong ko.

"Hindi ka na makaka balik sa mundo mo Yera, ang kailangan mo lang gawin ay dapat ma fall inlove sayo si Austin Ford, kapag nagawa mo yun, may isang blackwhole na lilitaw pumasok ka lang doon at makaka balik ka na sa mundo mo." Ani ng babae.

"Hala manang saan kayo pupunta?" Tanong ko sakanya, sinundan ko ito ngunit bigla na lang syang nawala.

"Aishh ang malas mo talaga Yera, bakit ka kasi nangarap na makapunta dito aishh!" Ani ko sa sarili ko.

Maya maya biglang lumabas si Austin Ford sa company nya, dali dali ko naman syang pinuntahan.

"Omg! Austin Ford!!! My lovessss!!!!!" Sigaw ko papunta sakanya, ng bigla akong harangin ng isa nyang guard.

"Aishh shibal! Kuya ano ba don't touch me!" Ani ko sa guard.

"Ang oa nyo maam, diko pa po kayo hinahawakan." Ani ng guard.

"Ay ganun ba? HAHA sorry." Ani ko.

"Kainis hindi ko manlang malapitan si Austin." Ani ko sa sarili ko.

Dahan dahan akong umatras at sabay tumakbo papunta kay Austin.

"Austin! Hintayin moko my loves!" Sigaw ko habang tumatakbo papunta sakanya, maya maya tinulak ko ang isang guard, sa sobrang bilis kong tumakbo napayakap tuloy ako kay Austin.

"A-ang Gwa-gwapo mo Pa-pala sa malapitan my loves." Ani ko sakanya habang nakayakap, na agad naman akong hinugot ng guard sa pag kakayakap ko sakanya.

"Kuya naman! Panira ka talaga ng moment!!" Ani ko sa guard.

"O-okay ka lang?" Tanong ni Austin.

"Of course my loves ehe." Ani ko sakanya habang nakangiti.

"Yuck! Hindi ba yan nahihiya?"

"Omg si ate paano nya yun nagawa?"

"Hala ang swerte nya naman nayakap nya si Austin."

Mga bulong ng fans ni Austin.
_____

"Anong kailangan mo sakin?" Tanong ni Austin.

"Austin? Pwede ba kita makausap ng privately?" Tanong ko sakanya.

"Only 5 minutes." Malamig nyang sambit.

Pumasok kaming dalawa ni Austin sa company building nya.

"Wow ang ganda pala dito." Ani ko habang pinagmamasdan ang buong palagid.

"So ano ba pag uusapan natin?" Tanong ni Austin.

"Long story, pero makinig ka ng mabuti ng galing ako sa ibang mundo." Ani ko sakanya.

"Ha-ha? Ba-baliw ka na ba?" Tanong nya.

"Aishh!  Ganito kasi yan itong mundong ginagalawan natin ay nasa loob ng isang comics at ikaw ang main character so kanina lang nasa comics store ako at may nakita akong isang black whole, syempre nilapitan ko ito, tapos maya maya bigla akong hinugot nito tapos nagising na lang ako nasa harap nako ng company mo nakaupo sa sahig." Paliwanag ko sakanya.

"Talagang nasisiraan ka na nga ng ulo, tsk! Sinasayang mo oras ko!" Ani nya habang disya naniniwala sakin.

"Austin maniwala ka naman oh!!" Mamakaawa kong sambit sakanya.

"I don't waste my time to crazy people like you!" Ani nya.

"Wow taray! Englishero yarn?" Bulong ko sa sarili ko.

"Ano kaya pwede kong gawin para maniwala sya?" Tanong ko sa sarili ko.

"Aishhhhh!! Talagang nasisiraan na yata ako ng bait!" Ani ko sa sarili ko.

Agad naman akong lumabas sa company building ni Austin, paglabas ko dinudumog padin sya ng mga fans nya.

"Aishh! Anong gagawin ko ngayun? Wala akong makain, wala akong maiinom, wala akong tirahan, dito na yata ako mamatay." Ani ko sa sarili ko habang nag iisip kung anong gagawin ko.

Bago sumakay sa kotse si Austin sumigaw muna ako bago sya pumasok sa kotse nya.

"Maniwala ka sakin Austin!!" Sigaw ko, na syang ikina lingun ng lahat.

"Te? Ayus ka lang?" Tanong ng isang fan nya.

"Ha? Oo naman HAHAHAHA." Ani ko.
_____

"Ano ng gagawin ko? Gabi na, gutom na din ako, nauuha na din ako, dito na yata talaga ako mamamatay sa mundong ito." Ani ko sa sarili ko habang nakahawak sa ako tyan ko.

Maya maya may isang puting kotseng huminto sa harapan ko.

"Ano pang inaantay mo? Sakay na!" Ani ni Austin na syang ikinagulat ko.

"A-austin?" Ani ko.

"Sasakay ka ba oh hindi?" Tanong nya.

"O-oo na!! I-ito napaka seryoso." Ani ko at sumakay na ko ng kotse nya.

ANOTHER WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon