(LUNCH BREAK)
"Kumain ka lang ng marami Yera." Masayang sambit ni Austin.
"Omg! Baka sila na nga ni sir Austin at Yera."
"Hala totoo ata yung mga chismis saka rumors tungkol sakanila."
Mga bulong ng mga co workers ko, maya maya biglang tumayo si Austin at kinausap sila.
"Pwede ba?! Lahat ng mga nalalaman nyo ay hindi totoo! Gusto nyo bang matanggal sa company ko?!" Galit na sambit ni Austin.
"So-sorry po sir."
"Sorry po sir, hindi na po mauulit."
"Aba dapat lang! Kapag may narinig pa akong isang chismis sinisigurado ko sainyo matatanggal kayo!" Galit na sambit ni Austin.
"Austin tama na yan, kumain ka na lang, wag mo silang pansinin." Bulong ko sakanya, at nag patuloy parin kami sa pagkain.
_____Papasok na kami sa loob ng office ni Austin ng may biglang tumawag sakin.
"RING! RING! RING!"
Agad ko naman itong sinagot. "Yera? Kamusta?" Tanong ni Finn.
"Okay lang naman ako, eh ikaw Finn?" Ani ko, ng biglang agawin ni Austin yung cellphone ko.
"Finn! Busy si Yera, marami syang ginagawa!" Ani ni Austin at binaba nya na kaagad ang tawag ni Finn.
"Yera? Sasusunod sabihan moko kung ginugulo ka ni Finn ah?" Tanong nya.
"Ahh ehh, hindi nya naman ako ginugulo, nangungumusta lang naman sya." Paliwanag ko kay Austin.
"Kahit na!" Ani nya.
"Nag seselos ka lang ehh!" Pagbibiro ko sakanya.
"Aishh! Nevermind!" Ani nya.
Pagpasok namin sa loob ng office ni Austin nag message sakin si Finn.
"Yera pwede ba tayo mag kita?" Message sakin ni Finn.
"Saan naman?" Tanong ko sa message nya.
"Nandito ako sa harap ng company ni Austin, baba ka." Message nya.
"Ahmm pwede bang mamayang gabi na lang tayo mag kita siguro mga 8:00?" Message ko sakanya.
"Sige sige." Message nya.
"Oh Yera? Ano pang tinatayo mo jan?" Tanong ni Austin.
"Ha? Wa-wala lang." Ani ko.
_____"Austin? Mauna ka na umuwi, may dadaanan pa kasi ako eh." Ani ko sakanya.
"Saan ka pupunta? Samahan na kita." Ani nya.
"Wag na, mauna ka na umuwi, saglit lang naman ako may dadaanan lang." Ani ko.
"Ahh okay sige, ingat ka." Ani nya.
Maya maya umalis na sya sakay ng kotse nya at kasabay nun dumating din si Finn sakay ng kotse nya.
"Tara Yera pumasok ka na." Ani nya.
Pumasok naman ako sa kotse nya at sinuot ko naman ang seatbelt.
"Ano bang pag uusapan natin? Nag sinungaling pa ako kay Austin." Ani ko sakanya.
"Wala naman, gusto ko lang mag dinner kasama ka, saka total mag kaibigan naman na tayo." Masayang sambit nya habang nag dri-drive sya.
"By the way, matagal ka ng personal assistant ni Austin?" Tanong nya.
"Ahh hindi, bago lang ako." Ani ko.
_____Nandito kami ngayun sa isang restaurant, hindi ko lang alam kung saang lugar ito.
"Order ka na ng gusto mong kainin." Masayang sambit nya.
"Kahit ano na lang sakin, kung ano sayo ganun din sakin." Ani ko habang nakangiti.
"Here's the food na po, enjoy your dinner maam and sir." Masayang sambit ng waiter.
(FLASHBACK)
"Saan kaya sya pupunta?" Tanong ni Austin sa sarili nya.
"Aishh! Bakit hindi nya ako pinasama? Paano kung may ka date sya ngayun?" Pag ooverthink ni Austin.
_____(Yera's Pov)
Habang kumakain kami ni Finn napapansin kong ang bait nya sakin, kahit bago pa lang kaming mag kakilala, ayy oo nga pala mabait talaga si Finn sa The Boss, sana sya na lang yung ma fall inlove sakin pero bakit si Austin pa."Yera? Totoo ba yung mga chismis? Na kayo raw ni Austin?" Tanong ni Finn.
"Ahh, hindi ah, magkaibigan lang talaga kami, saka sweet sya sakin minsan, kaya siguro ayun pinag kakamalan kaming mag lovers." Ani ko sakanya.
"Ahh i see, sasusunod gala uli tayo!" Masayang sambit ni Austin.
"Sige, kung may idadahilan pa ako kay Austin HAHAHA." Biro ko sakanya.
_____Nandito na kami sa harap ng hotel ni Austin, hinatid pa ako ni Finn.
"Um Finn? Thankyou pala, saka mauna na ako sayo ah?" Masayang sambit ko sakanya.
"Sige, goodnight." Masayang sambit nya.
"Ingat ka, babye." Masayang sambit ko.
(Yera's Pov)
Agad akong pumasok sa hotel ni Austin at dali dali akong pumasok sa elevator baka kasi mamaya nag aalala na yun sakin or di kaya galit na yun sakin.Dahan dahan kung binuksan ang pintuan
at maya maya gising pa pala si Austin."Oh my god!" Gulat ko.
"Bakit ngayun ka lang? 9:07pm na oh? saka saan ka ba pumunta? at gabi ka na nakauwi? Tapos hindi mo pa sinasagot yung mga tawag ko!" Pag sesermon nya sakin at pag aalala nya.
"Ka-kasi, A-ano Pu-pumunta A-ak—" utal utal kong sagot sakanya ng bigla nyang pinutol ang sinabi ko at nag salita sya.
"Fine! Kung ayaw mo sabihin, kumain ka na ba?" Pag aalala nyang tanong.
"Ahh oo, kumain ka na din ba?" Tanong ko sakanya.
"Oo mga 8:30Pm pa ako kumain, matulog ka na, maaga pa tayo bukas, saka ano pang tinatayo mo jan?" Pag susungit nya.
"Ay HAHA sorry." Ani ko sakanya sabay peace sign.
BINABASA MO ANG
ANOTHER WORLD
FantasySi Yera ay isang propesyonal na manunulat ng nobela, kung saan nagbabasa siya ng mga komiks na kabilang na dito ay ang "THE BOSS". Dahil dito lalo pa syang naadik sa pagbabasa nito, break time na nila kaya pumunta muna sya sa isang comics store upa...