"Ano ng gagawin natin Austin?" Tanong ko sakanya habang nababagot dahil wala talaga akong magawa sa bahay.
"Gusto mo bang gumala?" Tanong ni Austin ng biglang may sumabat.
"Saan kayo gagala?" Biglang Sabat ni Serim.
"Se-serim?" Ani ko.
"Hmm never told me Austin that you guys hangout together?" Tanong ni Serim.
"Bakit ka nandito? May kailangan ka ba?" Tanong ni Austin.
"Gusto kasi kitang maka date babe, pwede ba babe?" Tanong ni Serim sakanya.
"I-iwan ko muna kayo." Ani ko at pumunta muna ako sa kwarto ko.
"Bakit hindi mo sakin sinasabi? Na gagala kayong dalawa?" Tanong ni Serim kay Austin.
"Nabobored kasi si Yera dito, kaya gagala kami." Ani ni Austin.
"Pwede bako sumama babe?" Tanong ni Serim kay Austin.
"Ahh ehh, hindi na ata kami matutuloy kasi may kailangan pa akong gawin." Pagsisinungaling ni Austin.
"Ano ba yan babe! Minsan na nga lang tayo gagala! tapos busy ka pa!" Pag tatampo ni Serim sabay na umalis.
"Sandali lang Serim!" Sigaw ni Austin.
"Hays!" Pag ka dismaya ni Austin.
Hindi na ako lumabas ng kwarto ko at nag isip na lang ako.
"Kamusta na kaya sila mama?" Tanong ko sa sarili ko.
"Sana ayus lang sila, miss na miss ko na sila." Ani ko sa sarili ko.
"Bakit pa kasi ako naadik sa pag babasa ng The Boss, ayan tuloy! Napunta ako sa ibang mundo!" Pag sisisi kong sambit sa sarili ko.
"Pero okay lang, gagawin ko lahat para mahulog sakin si Austin." Ani ko sa sarili ko.
Maya maya biglang pumasok si Austin, at dahan dahan syang umupo sa kama ko.
"Ahmm Yera? Next time na lang tayo gumala pwede ba?" Tanong ni Austin.
"Ahh sige lang, nga pala para hindi ako ma bored mag tatanong na lang ako sayo ng kahit ano." Ani ko sakanya.
"Sige, kahit ilan sasagutin ko." Ani nya.
"Mahal mo ba si Serim?" Tanong ko sakanya.
"Ahh, hindi, naka arrange marriage kami, pina arrange marriage kami ng mga magulang namin dahil sa company." Ani ni Austin.
"Awts ang saklap din pala ng buhay mo, btw? Nasaan ang mga magulang mo?" Tanong ko sakanya.
"Ahh, nasa ibang lugar sila." Ani ni Austin.
"Naka ilang ex ka na?" Tanong ko sakanya.
"HAHAHA syempre wala pa!" Ani nya.
"Hmmm anong ideal type mo sa babae?" Tanong ko sakanya.
"Gusto ko, mabait yung kaya nya akong mahalin yun lang." Ani nya.
"Bakit? Mabait naman si Serim at mahal ka naman nya ah?" Tanong ko.
"Oo nga, pero hindi sya yung tipo ng babae na gusto ko, eh ikaw ba? Nakailang ex ka na?" Tanong nya.
"Wala rin akong ex, study first ako, dahil malapit nako grumaduate sa college, buti ka pa at the younger age isa ng ceo." Ani ko.
"Kasi matanda na si papa, saka lahat ng mga ari arian nya pag hahatian namin ng kuya ko." Ani nya.
"Ku-kuya? Meron kang kuya?" Tanong ko.
"Oo si kuya finn, 24 years old na sya, oh diba isang agwat lang sa age namin." Ani nya.
Ay oo naalala ko na may kuya nga pala sya sa The Boss.
"Ahh okay, ako naman may little sister she is 16 years old." Ani ko.
"Ahh, ehh ikaw? Anong tipo mo sa mga lalaki?" Tanong nya.
"Gusto ko, matangkad, matangos maputi, payat ng kaunti, saka yung kaya nya akong mahalin." Masayang sambit ko sakanya.
"Ahmm Austin? Satingin mo? Bibisita din ba tayo sa mga magulang mo?" Tanong ko sakanya.
"Um? Hindi ko pa alam kong kailan, pero bibisita tayo minsan.'' Masayang sambit nya
"Ano bang dream job mo Austin?" Tanong ko sakanya.
"Gusto ko sa na maging isang Doctor kaso si kuya doctor na sya, si papa kasi gusto nya akong maging ceo ng company namin, kaya ayun hindi na rin ako natuloy sa pagiging doctor ko." Ani nya.
"Ahh, ako naman sa mundo kong pinanggalingan isa akong professional novelist writer." Ani ko sakanya.
"Anong mga genres ng mga stories mo?" Tanong nya.
"I like romance saka mysteries, medyo boring din ang life ko kasi wala naman akong kaibigan kundi iisa lang." Ani ko sakanya.
"Bakit isa lang kaibigan mo?" Tanong nya.
"Ewan ko din, hindi ako sanay makipag usap sa iba, ang lagi ko lang ginagawa ay mag basa ng mga comics." Masayang sambit ko sakanya.
"Nga pala Yera? Paano kung hindi ka na talaga makabalik sa totoo mong mundo? Anong gagawin mo?" Tanong ni Austin.
"Gagawa ng gayuma para ma fall ka sakin at makakalabas nako, oh diba? HAHAHA" Pagbibiro ko sakanya.
"HAHAHA di yan oobra, saka pwede ka naman mag stay sa hotel ko kahit kailan mo gusto." Ani nya.
"Alam ko, pero namimiss ko na kasi yung mga magulang ko eh." Ani ko habang nakasimangot.
"Makikita mo din naman sila soon." Ani nya.
"Btw bukas agahan natin pumasok, dahil may meeting ako tommorow." Ani nya.
"Ahh sige." Masayang sambit ko.

BINABASA MO ANG
ANOTHER WORLD
FantasíaSi Yera ay isang propesyonal na manunulat ng nobela, kung saan nagbabasa siya ng mga komiks na kabilang na dito ay ang "THE BOSS". Dahil dito lalo pa syang naadik sa pagbabasa nito, break time na nila kaya pumunta muna sya sa isang comics store upa...