Life is beautiful para siguro sa iba.Well life is full of joy and sorrow, see?it's not always beautiful.
There is always a rainbow after the rain.
There is always a light in the dark.
My family is my rainbow, light, happiness and strength.
Pain is my weapon to fight!
After a month ago ng iwan kami ni papa.Hindi na nya kami binigyan ng sustento tuloyan na kaming inabandona.Nagpasya kaming ipagbili ang bahay at maghanap ng malilipatan na mas malapit sa coffee shop ni mama.Everything went smoothly not until...
"Hello?"sagot ko sa cellphone ko at ini loud-speak ito.
"Ma'am Alli ang mama nyo ho—"
Napatigil ako sa pag-aayos at agad tinapat sa tenga ko ang cellphone.
"Stella anong nangyari?"nanginginig na tanong ko.
"Ma'am pumunta po kasi sa shop yung kabit ng daddy nyo, nauwi po sa away yung pag-uusap nila ni Ma'am Amelia kaya nahimatay sya, andito po kami sa Salazar General Hospital."
"Stable na ba ang lagay ni mama?"
"Opo ma'am dala daw ho ng sobrang pagtaas ng emosyon kaya nahimatay ang mama nyo"
"Papunta na ako pero may dadaanan muna ako"sabi ko bago pinatay ang tawag.
Nagdrive agad ako papunta sa condo ng higad na babae na yun.Sya na nga ang kabit sya pa ang matapang. Pagdating ko agad akong nagdoor bell sunod-sunod dahil kanina pa nangangati ang kamay ko manakit.
"Teka nga lang dib—"di nya na natuloy ang sasabihin nya ng agad kong hinablot ang rebonded nyang buhok.
"Arayyyy teka ano ba!!"sigaw nya at pilit na winawaksi ang kamay ko na mahigpit na nakahawak sa buhok nya.
"Aba eto hanap mo diba? away pwes ibibigay ko sayo"
Patuloy lang ako sa pagsabunot sa kanya ng humahangos na hinala sya palayo ni papa.Hindi ko na namalayan na dumating sya sa sobrang gigil ko sa kabit nya.
"Allison ano ba!"sigaw nya habang yakap ang kabit nya lalo lang tuloy lumakas ang iyak nito.
"Yan kasing kabit mo pumunta sa coffee shop inaway si mama at ngayon yung nanay ko nakaratay sa ospital dahil sa kagagawan nya!"sagot ko.
"Sinabi ko lang naman na dapat pirmahan nya na yung divorce papers"humihikbing pagtatanggol ng kabit ni papa sa sarili nya.
"Ano pa ganon mo na ba talaga kagusto makawala sa responsibilidad mo saamin at may padivorce papers na ha?"kahit masakit na sa dibdib na para na akong maiiyak pinigil ko ang luha ko.
"Loren napag-usapan na natin na ako ang kakausap sa kanya diba?"mahinahon na tanong ni papa sa kabit nya.
"Pero bakit kasi antagal naiinip na ako, pipirma lang naman sya tapos wala na"
"Ganon ka ba kaatat ikasal sa tatay ko, kung naiinip ka kahihintay edi sana ang pinatulan mo yung walang asawa para wala kang ng hinahantay.Ah alam ko na kasi gusto mo yung pera at properties ng papa ko mapunta na din sayo."sabat ko sa usapan.
"Allison Tama na ha—"saway ni papa pero di ko pinakinggan.
"Bakit totoo naman diba pera lang ang habol sayo ng babaeng yan, jusko pa nambabae ka na nga lang yung hindi pa desente!"
"Umalis ka na Allis—"
"Ay hindi, hindi mo na ako kailangan ipagtabuyan aalis ako ng kusa at ikaw naman Loren wag ka na tatapak ulit sa shop namin bawal dun ang higad"
Pagsakay ko ng elevator halos matumba ako sa sobrang panghihina ng tuhod ko.Tuluyan na din tumulo ang luha ko na agad ko pinunasan.Pagbukas ng elevator agad akong lumabas at di na inalintana ang na bangga ko na lalaki.Agad kong pinaandar ang kotse ko papunta sa hospital.
——♡
YOU ARE READING
Under the Rain
RomanceAllison Mendez doesn't want to be in a relationship because she hate to be ruled by someone, she don't want to be committed on someone. May Saviel Salazar can change her viewpoint about being in a relationship?