"Ma mauna na ako sa coffee shop"paalam ko sa kanya.
Monday kasi ngayon kailangan magbukas ng maaga mas marami ang customers.
"Sige anak mag-ingat ka"hinalikan nya ako sa pisngi matapos sabihin yon.
Kinuha ko ang susi ng kotse ko, pagdating sa garahe pinaandar ko na agad ang sasakyan.
Mabilis lang din akong nakarating sa shop dahil hindi naman yun kalayuan sa bahay.Pagka-park ko ng sasakyan ko nakita ko si Stella, cashier namin at isa na din sa pinakamatagal namin na empleyado sa shop.
"Good morning ma'am"bati nya sakin habang binubuksan ang pinto ng shop.
"Good morning mabuti maaga ka yung mga libro kasi sa second floor kailangan na mapunasan."
"No problem ma'am ako na po bahala dun" sabay thumbs up nya sakin at binuksan ang pinto para makapasok na kami.
Library theme ang coffee shop namin sa first floor more on rounded tables at kada table may apat na upuan.Ang isang bahagi ng dingding na salamin ay nakatapat sa kalsada ay may mga sticker ng coffee beans, cup, cupcakes, and cookies.Ang ibang pader nito ay pininturahan ng beige at ang pinaka nagugustohan ng mga customer namin ay ang bulletin board na malapit sa counter.Pwede kasi nila ipadikit dito yung mga sticky notes na naglalaman ng saloobin nila.
Kung gusto mo kasi magpadikit ng sticky notes magrerequest ka lang sa kung sino man ang nakatoka sa counter.Libre namin yon gustong-gusto yun ng mga estudyante na pumupunta dito sa shop sabi pa nga ng isa
I love it ate because through writing I can express my feelings.
Sinimulan ko na ayosin at ihanda ang mga gagamitin namin dahil ayoko na pagdating ng mga customer namin natataranta kami.
Nagbake din ako ng panibagong cookies, cupcakes, cake, at muffins.
Inaayos ko na ang pastries sa counter ng madinig ko na tumunog ang bell sa may pinto senyales na may pumasok, agad akong tumayo ng maayos ng makita ang pinaka regular customer namin.
"Good morning ate"bati ni Marco at humagikhik pa.
"Good morning, so ano order mo?"tanong ko.
"Gusto ko sana magdine-in ate kaso yung naghatid sakin ngayon nagmamadali eh"napakamot pa sya sa batok matapos sabihin yun.
"Haha so ano nga order mo?"muli kong tanong.
"Isang slice ng cheesecake at dalawang muffins"sagot nya at humilig sa counter.
"Isang black coffee no sugar and medium size of latte"
"Yun na lahat?"tanong ko at tumango sya.
Nang makuha ang order at matapos makapagbayad kumindat pa sya at patakbo na lumabas ng shop.
Napailing iling na lang ako hindi naman lingid sa kaalaman ko na crush nya ako namumula nga sya agad kapag tinititigan ko eh.
Hay minor moment nga naman...
Dumating na ang dalawa pa naming crew kaya umakyat ako sa second floor para tulongan si Stella sa paglilinis ng mga libro dun.
Pag-akyat ko nakita ko na ginamit nya ang isa sa mga wooden chair namin para maabot yung mga libro sa taas ng bookshelf.
In second floor we have two wide bookshelves containing different kind of books may educational.Novels na may iba- iabang genre, pinuntahan ko ang isa pang bookshelf at sinimulan punasan yung mga libro.
Nang matapos sa mga libro si Stella inayos nya yung mga upuan sa limang mahahabang table.Samantalang ako naman sa shoe rack, carpeted kasi ang sahig ng buong second floor.Kaya kapag gusto dito ng customer uminom ng kape habang nagbabasa kailangan nila hubarin ang sapatos nila at ilagay sa shoe rack.
YOU ARE READING
Under the Rain
RomanceAllison Mendez doesn't want to be in a relationship because she hate to be ruled by someone, she don't want to be committed on someone. May Saviel Salazar can change her viewpoint about being in a relationship?