ᗰᖇ. 1

11 3 0
                                    

Mr. Yoso
ʜɪᴋᴀᴡ

𝚎𝚎𝚗𝙽𝚒𝚢𝚘

"𝘼𝙩𝙚 Bear!!!" matinis na sigaw ang nagpabangon sa akin mula sa pagkakatulog, inis kong hinilamos ang kamay ko sa inaantok kong mukha. napahinto ako, sabay nanlaki ang aking mga mata, pagkuway ay kumunot,

"Anong klaseng panaginip ang napanaginipan ko? ang wierd naman nun, at saka ba't ganun ang sout ko? god! kahit kailan hindi ko yun gagawin, kahit mamatay pa kapit bahay naming mga chismosa," napahinto ako,

"Wait, Pero ba't parang totoo yung panaginip ko? para kasing...."dahan dahan kong ipinikit ang mga mata, iniisip kung anong klase ba yung naging panaginip ko,

"Ate, bear!!! ba't ang tagal!?" agad akong napamulat ng mata, dahil sa mala mulawin na sigaw ng kuya ko, dahil sa kaba ay dali dali akong bumaba ng kama ko hindi na ako nakapagsuklay o nakapag ayos man lamang ng hitsura ko, ako talaga ang kinakabahan sa sigaw ni kuya, daig pa ang lawin kung makasigaw, makabasag eardrums, agad kong naabutan si kuya bear na ayos na ayos with liptint pa ang ate niyo, wow, bongga ha! saan kaya lakad nito?.

"kuya bear ang aga aga ba't ka sumisigaw, tuloy tumalon ako ng hagdan ng wala sa oras, ano ba kasi ang dahilan?, kala mo kung makasigaw manganganak ng sampung butete" sabi ko sa kanya habang parang pagewang gewang pa ako, gusto ko pa kasing matulog, inaantok pa ako.

"che!, e, kesa na naman sayo, kung makabuhat ng mga timba dyan, kala mo kayang kaya niya na, e! hindi naman puno, ako nga nagtataka ba't ang lakas mong maging papa, e! ang payat payat mo, mukha ka pang muschacha, ay naku!, papanget ako sayo!" maarte nitong saad habang iwinawagayway sa ere ang kamay at ipinapaypay sa sarili.

"ang arte" komento ko sa kanya.

"eh, kesa naman sayo, mukha kang basurera" sagot nito sa akin, sinamaan ko na lang siya ng tingin, wala akong gana makipagsagutan, nasira tulog ko.

ganto kami sa bahay kapag wala sila mama bear at papa bear ay todo max kami kung mag asaran minsan dumadating sa puntong nag rerestleng na kami, kasi ang moto niya

'siya really hates like me' well ako din may moto 'me really hates like him'

walang magpapatalo sa amin, magkamatayan man, matira ang matibay, hindi ko siya aatrasan pero kapag andyan na sila mama bear at papa bear para naman kaming mga angel, di mabasag pinggan pa ang mga impostura, sa harap nila mama bear agree lang kami ng agree nag she-share pa kami ng higaan, kasi sabi daw ni mama bear walang malisya dahil magkapatid daw kami, ano yun?, kapatid goal? pero sa loob loob namin gusto na naming masuka sa isa't isa, lihim kaming nagkukurutan sa ilalim ng kumot para hindi mahalata ni mama bear

alam naman ni mama bear at papa bear ang status namin sa buhay ni kuya bear, at tanggap naman nila kami, pero minsan hindi mo talaga maiiwasan yung mga taong 'mosang' ang dami nilang sinasabi sa pamilya namin na malas daw kami, ang malas daw nila mama bear at papa bear ay napunta sa amin magkakapatid, baka daw nagswitch kami ng kaluluwa o baka naman isinumpa talaga sila mama bear at papa bear nun, hay naku mga kapitbahay namin, hindi mabubuhay kung walang bagong update na chismis, kami lang naman kasi ang tampukan ng chismis dito sa barrangay namin, kasi si papa noon ex-con. habang si mama ay naging prostitute sa isang bar, pero tanggap naman nila mama bear at papa bear ang isa't isa yung mga kapit bahay lang naman namin talaga ang di maka move-on mga lukaret sila! sarap ipalamon sa baboy ng bou parang wala ng mga chismosa dito sa barranggay namin.

"ang baho mo ate bear, maligo ka nga, daig mo pa ang baho ng basura sa pasay ilog" maarte nitong saad habang iwinwagayway sa may ilong niya ang kamay

"sabihin mo muna ang dahilan bakla, ba't mo ba ako tinawag?" kunot noo ko sa kanyang tanong, habang naglalakad ako palapit sa kanya.

Mr. YosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon