ՏTᗩᖇT

17 4 5
                                    

Mr. Yoso
ᴘʀᴏʟᴜɢᴜᴇ
𝚀𝚞𝚎𝚎𝚗𝙽𝚒𝚢𝚘

𝙈𝙖𝙩𝙖𝙖𝙨 na ang sikat ng araw na para bang daig ang pang alas-doseng araw, tumatagaktak na rin ang pawis ko, masyado ding malayo itong nalalakad ko. ilang metro na kaya? nakakainis din itong bagong school uniform ko, bakit pa kasi ako nag aaral? huminto na lang kaya ako sa pag aaral? pwede naman akong tumulong sa hayupan nila mama bear at papa bear, kaso....

napakamot na lang ako sa noo ko habang umiiling,

ang kulit talaga ni papa bear at mapilit din si mama bear, at ang mas masaklap pa, malayo ang ekwelahan kaysa sa bahay namin, asan na ba si ashley? sabi niya sabay kami,

mauupakan ko talaga ang babaeng iyon! siya pa naman ang dahilan kung bakit pinilit ako nila mama bear at papa bear na pumasok, kapag hindi kami nag kita, pati atay niya may latay talaga sa akin, babaeng iyon sarap kalbuhin,

napabuntong hininga na lang ako, habang pilit, hinahawakan ng magkabilang kamay ko ang palda na hanggang legs lang, napakuyom na lang ako, ano pa bang magagawa ko, requirement to sa school na papasukan ko, dapat kasi sa ibang school na lang ako nag enroll, masisikmura ko pa siguro ang hanggang talampakang palda, kaysa sa dito, nag panty na lang dapat ako, mas gusto ko yung maong na pantaloon with loose t-shirt bagay ito lalo na sa katulad ko kesa sa dito para akong nagbebenta ng kaluluwa, ba't ba kasi ganto yung uniform dito? haay! kakainis! sa sobrang ikli ng palda, gusto ko ng umuwi, malamig ngayon kaya nagsout na lang ako ng hood na jacket dahil parang uulan kumukulimlim na ang langit na parang nagbabadyang bubuhos ang luha ng ulap, wala pa naman akong dalang payong, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad, maaga pa naman, agad kong tiningnan ang wrist watch ko, 6: 21 pa, okay pa naman.

may naramdaman akong tubig na pumatak sa balat ko,

hanggang sa nasundan pa ng isa...

hanggang sa dumadami na sila kaya't tumakbo na ako sa may bubong na pwedeng masisilungan ko, pero napahinto ako ng, maramdaman kong sumikip ang pagkakasintas ng sapatos ko, tumingin ako sa ibaba at napapadyak na lang sa inis,

"Aaay! ba't ba kailangan ngayon pa matanggal ang sintas ko? kakainis naman oh! malapit pa tuloy akong madapa, Bakit ang malas ko naman ngayong araw?" agad akong umupo para ayusin ang sintas ko, God!, ba't ba hindi ko matali tali itong sintas ko?, ba't ba kasi ito ang napili kong soutin, eh ang taas pa naman ng sintas, ba't ba ako natataranta?, bilis na!, andyan na sila, mababasa ka na!, bumuntong hininga na lang ako, walang magagawa kung magpapanic ako, kalma lang, iniangat ko muna ang ulo ko at malalim akong bumuntong hininga, Bala na kung mabasa, uuwi na lang ako, okay lang naman siguro kung umabsent ako diba? wala namang mawawala tutal, unang araw pa lang naman, ibinuka ko na ang mga mata ko at yumuko ulit, ipnagpatuloy ko na lang ang pagtatali ng sintas ko mukhang nagkabuhol buhol pa, mababasa talaga ako nito, naririnig ko na ang hagunos ng ulan sa di kalayuan, na para bang nagsusumigaw ng ingay ng mga maliliit na tunog at hindi magkamayaw, sinasabayan pa ng malamig na hangin, mariin na lang akong napapikit at marahang umiling,

hanggang sa nararamdaman ko na lang na unti unting nilalamon ng basa ng ulan ang boung paligid ko, wala akong magawa kung di pabayaan na lang ang sariling mabasa kasabay ng lumalakas na ulan, ni ribbon ko na ang sintas ko sabay hinila ang bawat dulo, inaabangan ko ng manginginig ako sa basa at lamig, ngunit wala akong nararamdamang patak ng ulan, ingay lang naman ng ulan ang naririnig ko, napasingkit ako ng mga mata, weird ha?,

nilingon ko ang paligid, umuulan nga may nakikita ako sa may waiting shed na maraming sumisilong e, ako?, bat ako nandito nakaupo at hindi nababasa?, agad kong iniangat ang paningin at biglang gumuhit ang gitla sa noo ko, may lalaking nakatayo sa harapan ko, naka hood rin siya ng tulad sa akin, di kaya, ka- classmate ko rin to?, base kasi sa sout niya, mukha nga, agad napakunot ang noo ko, bakit nga pala siya nakatayo sa harapan ko?, tumingin ako sa hawak niya, dun ko lang napansin na pinapayungan niya ako, wow! good samaritan lang kuya? nahiya ako, kaya tumayo na ako, tapos na din naman akong magsintas, sino ba talaga ito?, agad kong tinitigan ang mukha, well, gwapo naman siya. pero hindi ako attracted, hindi siya ang tipo ko, hindi kami talo noh!

"Alam kong gwapo ako, kaya hindi mo na ako kailangan titigan ng matagal," umirap pa siya sa akin, at nag tsk, "nawawala tuloy kagwapuhan ko," dun lang umarko ang kilay ko,

mahangin,

yan ang bagay sa kanya tawagin, mahangin, GGSS lang kuya?, napabuntong hininga na lang ako ulit, saglit kong ipinikit ang mga mata, at pilit na ngumiti sabay ibinuka ang mga mata, sumalubong sa akin, ang malalim niyang mga mata, dahilan para ma emphasize ang taas ng bridge ng ilong niya, ang mga dark gray niyang mata, na hindi ko mabasa kung ano ang nais ipahiwatig, kahit may ibig naman sabihin ang mga ito, hindi ko lang makuha kung ano, slow ba ako?

"Salamat ha." sabi ko sa kanya sabay ngiti, baka isipin niya wala akong GMRC, hindi siya ngumiti sa akin, nakatitig lang siya na parang kinikilala niya ako, may problema ba to? tiningnan ko naman siya na parang sinasabing 'may-problema-ka-kuya?' pero hindi ata niya na gets, ay mas mahina pa pala si kuya.

"ASHER! BILISAN MO NA DYAN! HINDI KA PA BA NILALAMIG!?" sigaw ng isang matinis na bosses, agad ko namang nilingon ang kaibigan ko at kinunotan ng noo, tinaasan niya lang naman ako ng kilay at senenyasan na Basang basa ako, dun ko lang napansin na basang basa na ako, agad kong nilingon ang paligid, at halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko,

wala na yung lalaki...

wala na yung kaninang nag papayong sa akin...

basa na rin ako...

ay hindi pala, kanina pa pala ako basa, kung ganoon...

sino yung lalaking pinasalamatan ko?, sino yung lalaking nagpayong sa akin? napahawak ako sa dibdib, biglang...

biglang bumilis ang tibok ng puso ko, biglang hindi ko na lang maintindihan ang sarili, kinakabahan ako, naramdaman ko ang marahang pag ihip ng hangin na sinasabayan ko ng panginginig, hindi ko alam kung bakit hindi ako makahakbang, ngunit ang mas lalong nagpagulo ng sistema ko ay ang isang bulong na hindi ko malaman kung saan direksyon nangagaling,

'Asher Devon....'

♣︎♣︎♣︎♣︎♣︎♣︎♣︎♣︎♣︎

#mryosowp

𝙀𝙣𝙟𝙤𝙮 𝙍𝙚𝙖𝙙𝙞𝙣𝙜....

Ang pangalan ng mga tauhan at mga pangyayari nakasaad sa kwentong ito ay pawang kathang isip lamang ng may akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. ang ang anumang pagkakahawig sa pangalan ng mga tauhan buhay man o patay, sa mga Lugar at pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.

walang bahagi ng kwentong ito ang maaring ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan ng walang pahintulot ng may akda.

Photos in this story are not mine, credit to the Google.

PLAGIARISM IS A CRIME!


All right reserved (2022)

©️: QueenNiyo

Mr. YosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon