ᗰᖇ. 2

6 4 0
                                    

Mr. Yoso
ᴋɪss ғʀᴏᴍ ᴛʜᴇ sᴛʀᴀɴɢᴇʀ
𝚀𝚞𝚎𝚎𝚗𝙽𝚒𝚢𝚘

𝙉𝙖𝙜𝙢𝙖𝙢𝙖𝙨𝙞𝙙 lang ako sa pinagagawa ni kuya bear sa mukha ni ashley, nilalagyan niya ng mga pinta yung mukha ni ashley, napailing ako, kawawang ashley,

"Asher, pakikuha nga ng eye liner," kinunotan ko lang siya ng noo,

"ano naman yun?" itinuro niya yung bahaging kanan, nakaharap sila sa malaking salamin, na may ilaw sa gilid, maraming nakakalat na mga iba't ibang paminta sa mukha sa lamesa, napakamot ako sa ulo, saan ba banda yung tinuro niya? ang gulo naman! pinulot ko yung isa na kulay itim, ewan kung ano yan, basta kahit ano na lang, ibinigay ko sa kanya, tinanggap niya naman iyon ng hindi tumitingin sa gawi ko, busy sa kakasipat ng mukha ni ashley na ngayon ay prente lamang nakasandal sa upuan at nakapikit,

nakatulog na siguro, inalog niya pa yung ewan na binigay ko, binuksan niya. ng ilalagay niya na sa mata ni ashley ay napaiktad siya ng wala sa oras,

"Oh, mamamiya! ano ba to? asher, eye liner, hindi mascara, hay!" inis niyang pinunasan ang noong nagpapawis na din, tamad siyang tumingin sa akin, mukhang pagod na. kanina pa kasi siya nag aayos kay ashley, binabagay niya, sa bawat damit na pinapasout ng mga judge sa bawat representative ng kalahok, hay! kuya talaga! "Asher, umupo ka na lang dun sa gilid." sabay itinuro niya ang mga plastic chair na nakahilera sa gilid, sinunod ko na lang siya at pumunta na sa tinuro niya, umupo ako at bumuntong hininga,

Inilibot ko ang paningin sa boung Salon, Malawak ang lugar, kulang pa nga ang laki ng sala namin sa bahay, kulay cream ang pintura sa salon, may mga mamahaling chandelier din na nakasabit sa itaas, sa magkabilang hanay ay may tig li-limang upuan para sa representative, na may kanya kanyang malalaking salamin na may maliliwanag na ilaw sa gilid, hindi ba sila nasisilaw? sabagay, sanay na siguro sila, sa bandang gitna naman ay naroon ang tatlong Judjes, Dalawang bakla sa tag gigilid na pinapagitnaan ang babaeng nasa mid-30 pa siguro, bumalik ulit ang atensyon ko sa gawi nila kuya,

sa sampung representative ika apat si kuya, kaya ika apat din siyang mag rerepresenta mamaya, yumuko ako upang tingnan ang orasan ko, mabilis lumipas ang oras, umaga pa kami kanina dito pumunta pero ang laki ng nakain ng oras ng paligsahan na ito, Grabe! 1:35 na, Diyoskopo! mag kaka-ulcer talaga ako nito, napabuntong hininga ako, maya maya ay kumulo ang tiyan ko,

kuya, bilis na! gutom na ako, tinitigan ko ang gawi niya, pero hindi man lang siya nag abalang tumingin sa akin, medyo busy ang kuya ko, bumuga ako ng hangin bago napagpasyahang tumayo at lumapit sa kinaroroonan ni kuya, may ibang mga kalahok na napapalingon sa akin, pero hindi ko na lang pinansin, problema nila? hindi naman sila ang pupuntahan ko,

"Kuya," tawag ko sa kanya, sabay kinalabit ko siya, tumaas lang ang dalawa niyang kilay, hindi siya nakatingin sa akin. sa trabaho niya lang siya naka focus.

"Kuya ala- una na kakain na lang ako, gutom na ako, kuya!" saglit siyang lumingon sa akin,

"Sige, bilisan mo, wag kang magtatagal, baka tangayin ka ng hangin sa labas, mahirap na baka mawala ka pa, ako pa ang masisi nila mama bear,"

"Kuya, hindi na ako bata!" palihim kong sigaw sa kanya, inismidan niya lang ako, ibinalik ang atensyon sa ginagawa,

"Alam ko, basta, bilisan mo lang," tumango na lang ako at nakangiting naglakad palayo kay kuya, hindi pa ako masyadong nakakalayo, ng tinawag niya ulit ang pangalan ko,

Mr. YosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon