Prologue

5 1 0
                                    


I didn't know where it all began..

Is it the day I was born? or

The day they adopted me?

"Honey, I thought we talked about this?" sabi ni Mommy habang nakain kami sa restaurant.

"Baka lang gusto magbago ng isip mo, Carmen." sabi ni Daddy at ngumiti kay Mommy.

They adopted me years ago, nagsimula iyon ng ma-ambush ang sasakyan ng mga magulang ko. Pinanganak akong mayaman at may business ang mga magulang ko. Subalit ng namatay sila ay parang naging bula lahat ng iyon.

Bata pa ako at wala akong alam sa business-business na iyan. Ang alam ko lang ay agawan ng yaman, kapangyarihan at sakim ang mga tao sa ganitong larangan.

Kasama ng family lawyer namin ay ang consultant ng Dela Cruz Orphanage.

"Pasensya ka na Kristel.. Hindi ko kayang buhayin ka at malaki ang pasasalamat ko sa magulang mo. Heto lang ang magagawa ko para sa'yo. Sana maunawaan mo ako." sabi ni Atty. Shaine at wala akong masabi doon.

I was 14 years old that time ng kupkupin ako ng mag-asawang Dela Cruz. Now, I'm college at nagtatalo pa rin sila sa apelyido ko.

"Let's get over it, Allan! Malapit nang mag-asawa ang anak mo at nandyan ka pa rin sa issue na yan?!" iritang sabi ni Mommy at ngumiwi ako.

"Fine. I'm sorry, honey." alu ni Daddy at sinulyapan ako kaya natawa kami ni Mommy.

"Anyway, malapit ka nang mag-intern. Hindi ka pa ba titigil sa part-time mo?" kuryosong tanong ni Mommy at uminom ng tubig.

I'm currently studying Tourism in Ateneo. Internship this year at palaring maka-graduate then, take business course.

"Hindi pa po, Mommy. Maybe after a month or two 'pag nakapag-start na po kami." sabi ko dahil wala pa naman.

3rd year pa lang naman ako at patapos na ang sem kaya alam kong magtatanong din sila.

"Okay. We can help you find some hotels or airlines. Just ask, Aera." sabi ni Daddy at tumango naman ako.

After dinner ay tumuloy na ako sa dorm ko. The name's Studio, around Katipunan lang din.

It was my Mom's gift as I entered college kaya dito na ako umuuwi. Minsan lang ako umuwi sa bahay dahil alam kong busy sila sa business nila. The orphanage and the industries whatever that is, I really hate business!

Just like what I usually do, let's prepare for the party!

I invited Reese na pumunta sa Pop-Up dahil may gig daw sila Marcus doon. I heard it from the fandom. I'm always updated kaya ready din ako.

I wear a tank top paired with high waist shorts, maliit na shoulder bag lang ang dala ko na may lamang pera at cellphone bago lumabas ng apartment.

I texted Reese mauuna na ako at doon na lang kami magkita dahil ayaw niya naman magpa-sundo.

Nag-taxi lang ako at hinintay siya sa gilid, malapit sa parking lot.

"Bakit naman sa dami ng lugar? Bakit dito pa?!" iritang sabi niya ng magkita kami.

"Tara na, dali!" hila ko sa kaniya at umalma naman siya.

"Uuwi na ako, papagalitan ako ni Papa. Hindi ako pumupunta sa ganito." sabi niya at ngumiwi naman ako.

"Ngayon lang naman 'to. Saglit lang." sabi ko at bumuntong hininga naman siya bago sumunod.

Inorderan ko siya ng juice sa bar counter at umalis para hanapin sila Marcus.

Eight LettersWhere stories live. Discover now