Chapter 17

2 1 0
                                    


He looked at me coldly kaya natakot ako sa magiging reaction niya.

"So, it's true.." mariing tanong niya at nilabanan ko ang titig niya.

"Jeewan, mag-uusap lang kami." sabi ko at ramdam ko ang pag-aalala niya sa'kin.

"There's always a two sides of story, kaya mas mabuting mag-usap nga kayo." sabat niya pa kaya nakadagdag iyon ng tensyon.

Lumapit sa'kin si Marcus ng kaunti dahilan para manginig sa takot ang tuhod ko. Hindi ko alam kung paano ko ie-explain ang lahat.

"How much did you know?" kuryosong tanong ko at seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.

"Why you didn't tell me?" mariing sabi niya at kinabahan ako doon.

"Dahil baka m-magalit ka.." sagot ko sa kaniya at nagtaas siya ng kilay. I'm not prepared to this conversation.

"Of course, you hide it. Sinong hindi magagalit?" inis na sabi niya at namuo ang luha sa mata ko.

"No! I-I was scared.. that you'll get mad at me. Na hindi ko inalagaan iyong sarili ko kaya nalaglag iyong bata.. I didn't know what to do! Sarili ko palang hindi ko na kaya, Marcus.. I even want to die that time at para na akong mababaliw. Alam mo ang pinagdaanan ko noon.." maluha-luhang sabi ko at kita ko ang inis sa mukha niya.

"Hindi ko matanggap na pamilya mo iyong gumawa noon.. I hate it! Alam mo ba iyon?! I chose to let go dahil lahat nalang kinuha ng pamilya mo.. Iyong kompaniya..iyong magulang ko.. tapos ikaw nalang iyong meron ako mawawala pa.. I can't look at you the same because it reminds me of everything! I almost k-kneeled in pain after our c-confrontation.. Mahal kita! Minahal kita.. pero hindi ko alam na nagbunga iyon at iyon ang mas masakit!" He looked at coldly while I'm explaining everything.

"N-Nagising na lang ako sa hospital.. knowing that I had a m-miscarriage.. Alam mo iyon, para akong pinatay ng limang beses at paulit-ulit. Do you think I can handle that pain? Wala akong panahon para magalit kasi lahat napunta sa sakit. Sa tingin mo kaya pa kitang harapin, kung alam kong magagalit ka sa'kin. No!" halos sigaw na paliwanag ko sa kaniya at seryoso lang siyang nakikinig doon. Habang ang luha ko ay walang tigil sa pagpatak sa sahig.

"If you think that I'm happy right now, you're wrong. I've never been happy since that tragedy.. I was hurt and I am still hurting.. I told everything to Jeewan, para naman may nakakaalam sa side mo. It's his choice kung sasabihin niya sa'yo but he chose not to." sabi ko at pinunasan ang mga luha ko. Nilalakasan ko ang loob ko dahil alam kong marami pang mangyayari.

"Pero sana sinabi mo pa rin sa'kin.. I'm the child's father not Jeewan! Iintindihin naman kita eh. Wala ka bang tiwala sa'kin?" kuryosong tanong niya at kita ko ang inis sa mata niya.

"I told you! Natatakot ako! Sige, paano kung sinabi ko sa'yo?! you'll accused me that I didn't take care of myself?! When in fact, I lost that child because of stressed that you're family did.. Hindi ako magkakaganoon kung hindi namatay iyong magulang ko. Sa tingin mo kaya kong sabihin sa'yo iyon? No!" inis na sabi ko at pumikit siya ng mariin doon.

"That's bullshit.." sabi niya at nasaktan ako doon. He really can hurt me so bad.

"Yeah, it's all bullshit on you." inis na sabi at halatang wala lang sa kaniya lahat ng iyon.

Nilagpasan ko siya at hinayaan ko siyang mag-isa doon. Pumunta ako sa parking lot para makauwi na kami ni Jeewan. I have work to do at hindi ko iyon pwede palipasin.

"How did he knew?" tanong sa'kin ni Jeewan ng makasakay ako ng kotse at bumuntong hininga ako.

"Rumours.." sabi ko at nanghihinang sumandal sa bintana. He started the engine at umalis na kami doon.

Eight LettersWhere stories live. Discover now