001

9 1 0
                                    

-Car-

'Hyung,

Peram kotse mo balik ko latuur tnx

-woopogi'

"TANGNAAA!"

Napatawa na lang ako bago pinaharurot ang kotse ni Hyunsuk hyung. Underage, walang lisensya, walang experience sa pagdrive, ano pa? Name it. Bahala na, ang mahalaga mahanap ko si Yiran.

Napakaengot kasi ng babaeng iyon. Maswerte siya pamilyar sa akin kung nasaan siya or should I say maswerte siya dahil meron siyang Jeongwoo. Ilang minuto rin ang tinagal ng pagmamaneho ko bago ko narating kung nasaan siya.

She is looking at her feet while biting her lower lip. Malamang nacoconcious sa tingin ng mga tao sa kaniya. I was about to approach her nang biglang may gumuyod sa kaniya. Tangna nun ah!

"Son Yiran!"

Oh it's her Mom.

"Mom?"

"Let's go home kung ayaw mong mapahiya rito."

I look at Yiran and she just nodded. I sighed pilit pinapakalma ang aking sarili. Akala ko ba ayaw na niyang magpaggamit? Oh right nanay niya pa rin siya. Hindi rin naman kasi ako pwede sumugod sa kanila baka ipatapon pa ako sa dagat ng nanay niya.

I saw her look around habang papunta ng kotse nila, malamang hinahanap ako. Agad naman nagtama ang mga mata namin. Her eyes is telling me to get her pero she just mouthed, sorry, go home.

Sinungaling.

"What taking you so long Yiran?!"

"Sorry po." ani niya saka dali daling pumasok sa kotse.

Pinanood ko na lang na mawala sa paningin ko ang kotse nila bago ako naglakad kung nasaang lupalop ko iniwan ang kotse ni Hyunsuk hyung. Hindi ko alam magpark kaya iniwan ko na lang kung saan sa tingin ko hindi nakaharang sa daan.

Hindi naman ako nakita ng nanay ni Yiran kaya for sure hindi naman nila siya pagagalitan nang todo. Sana lang talaga. Kilala ako ng nanay ni Yiran pero bilang isang estudyante lang sa EnSure University, hindi bilang kaibigan ni Yiran. Trivia, kahit gaano pa kayaman ang makakasalubong ni Yiran, hinding hindi hahayaan ng pamilya niya na makalapit ka sa kaniya. Paano ko nalaman? Wala, feel ko lang.

YiYiee <3
Don't worry abt me
Sorry naabala kita
Ingat ka okay?
Ikacrushback pa kita

Sira. Napamura na lang ako ng mapansin kong napangiti ako nang todo. Jeongwoo, masama na 'yan. Naglakad na ako papunta sa kotse ni Hyunsuk hyung. Bago pumasok chineck ko muna baka nagasgas kanina kamamadali ko. After masiguro na maayos pa naman kotse niya agad na akong pumasok sa loob. Uuwi na ako bago pa ako makatay ni hyung.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho ng maalala ko na hindi ko pa pala nareplyan yung babaeng iyon. Baka akalain niya galit ako sa kaniya. Dali dali kong kinuha ang phone ko sa bulsa. Hindi naman siguro ako mabubunggo ano?

"Ano ba!"

"Sht."

Agad kong hininto ang kotse at gulat na tinignan ang backseat. Only to found out na may babaeng nakahospital gown na masama ang tingin sa akin. Binalik ko ang tingin ko sa harapan at binalik ang tingin sa likod. Napapikit na lang ako. Hindi ba pinadasalan ni hyung itong kotse niya?! Ang aga pa para magmulto!

Slip | JeongwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon