01
Subject Found'Ang dating wagas
ay magwawakas'----
MARAMING pintor ngayon na ipinapakita ang kanilang mga sining sa internet o sa aplikasyon na tinatawag nilang tiktok. Kahit hindi pintor, kahit manunulat, mananayaw at mang-aawit ay gumagawa na ng account sa aplikasyong iyon.
Isa na rin dito si Moon, isang sikat na pintor. Kilala rin siya sa ibang bansa dahil sa kaniyang pambihirang talento. Ngunit, kung siya'y tatanungin kung sino nga ba ang inspirasyon niya rito. Isa lamang ang isasagot niya...wala.
"Hello everyone! It's Moon Severino and I'm here to paint the moon for the nth time," pagtatala niya ng kaniyang boses gamit ang kaniyang recorder. Ilang beses niyang inulit ang iisang salita sapagkat hindi niya makuha ang tamang tunog na nais niya.
"I need to be soft! I need to be soft!" Singhal niya sa kaniyang sarili sabay hawi sa kaniyang buhok sa sobrang pagkairita. Ito ang araw-araw na gawain niya. Napagkakamalan na nga siyang baliw ng kaniyang kapit-bahay.
Nahuli naman niya ang isang lalaki sa kalapit niyang bahay. Nakatingin ito sa kaniya na animo'y hinuhusgahan siya. "Kukulamin kita kapag tumingin ka pa!" Sigaw niya rito. Agad namang nagsara ng bintana ang lalaking 'yon.
Inis na umupo si Moon at saka muling sinabi ang mga katagang 'yon. 'God! This isn't perfect! I need to treat myself better, because a leo treat me like a trash'
"Okay, inhale exhale then push!" Sabi niya sa kaniyang sarili at saka muling itinala ang kaniyang boses. Ilang oras siyang nanatili sa kaniyang upuan hanggang sa naayos na nga niya ang mga bagay na dapat niyang ayusin.
"Upload na lang, sana malakas ang signal kasi wala pa akong pagkain," sabi niya naman sa kaniyang sarili. Agad niya itong inilagay sa kaniyang account sa tiktok. Ngunit, hindi pa rin iyon natatapos.
"Ano ba globe?! Maiistuck nanaman ba 'to sa fifty percent?! Lakasan mo naman! Nagbabayad ako oh!" Reklamo niya. Naghintay pa siya ng isang oras bago tuluyang ma-upload ang kaniyang video.
"Okay, mamaya ko na titignan 'to, kakain lang ako," sabi niya at saka tumayo. Dumiretso siya agad sa kaniyang aparador upang mamili ng kaniyang damit.
Gaya ng dati, isang hoodie at isang jogging pants ang suot niya. Kahit na mainit pa rin ngayon, mas pinili niya pa ring suotin ito.
"Jusko! Climate change! Mga tao kasi e!" Bigla naman niyang reklamo at saka siya pumunta sa palikuran. Ilang minuto siyang naligo at nagnilay-nilay sa loob no'n.
Makalipas ang isang oras, lumabas na rin siya sa wakas. Nakaayos na ang lahat sa kaniya. Kahit basa pa ang buhok niya ay inilagay na niya agad ang isang sumbrero sa kaniyang ulo. Kinuha na rin niya ang kaniyang wallet at saka lumabas sa kwarto niya.
Mag-isa lamang siya sa kaniyang bahay. Kaya kahit walang ilaw, maaari siyang makalakad kung saan-saan. Nu'ng siya'y makalabas, pansin naman niya ang tingin ng mga tao sa kaniya. 'Ito na ang mga judgemental, tinitignan na ang artista. Ako lang ho ito'
Hindi na lamang niya iyon pinansin at saka kaswal na naglakad paalis.
---
KAHIT siya'y naglakad lang, nakarating pa rin siya sa 7/11 nang maaga-aga. Agad niyang itinulak ang pinto upang siya'y makapasok. Namili na rin siya kaagad ng mga kailangan niya.
'Tatlong noodles, isang siopao at dalawang juice. Perfect!'
Nang makuha na niya ang kaniyang gusto, agad niya itong binayaran. Ngunit, habang nagbabayad nakuha ng kaniyang atensyon ang isang mentos kaya kumuha pa siya bago ibigay sa kahera ang kaniyang pinamili. Nginitian niya pa ang kahera, subalit sinungitan siya nito.
YOU ARE READING
Bridge of Chaos (WS SERIES #3 : Cancer)
Romance[WATER SIGNS SERIES #3 : Cancer] Moon Severino is a famous painter. She shares every single painting on her account on tiktok. Lahat ng taong makakasalamuha niya ay humahanga sa kaniya. She is living her life to the fullest but she feels like someth...