( 02 ) Poser

9 4 0
                                    

02
Poser

'I fall in love with the little things'

----

Mga kamerang nakakasilaw, isang buong karpet na kulay pula na nagsisilbing lakaran ng mga bituin, mga taong nagbubulungan dahil sa iyong kagandahan. 'Yan ang mga bagay na nais makamtan ng isang Allisson Maureen---the heiress of Maureen Corp. Aaminin niyang mayaman na siya, subalit para sa kaniya ay kulang pa ito.

Ngayon, tanging paglikha ng mga video ang pinagkakaabalahan niya. Kahit na simple lang ito, dama niya ang pagmamahal at suporta sa kaniya ng mga tao. 'It's not about the beauty, it's about the confidence'

"Hello everyone! It's Allisson and welcome back to my channel! So today, I am going to teach you how to look flawless with make up. Of course, it's okay to have that make up as long as it's not for boys. They are trashes, right Avery?" Saad niya sa harap ng kamera. Ilang mga pahayag pa ang sinabi niya bago siya magsimula.

Inayusan niya ang kaniyang mukha, animo'y nagbabalat-kayo ito bilang isang dyosa. Ilang oras siyang nagbabad sa kamera hanggang sa matapos ang kaniyang pag-memakeup. Nang siya'y matapos, agad siyang nagpaalam gamit ang kaniyang kamera.

Nang matapos ito, isinara niya lang ang kaniyang kompyuter at saka umirap. Ipapasa na niya lahat sa kaniyang editor at manager. Napasa na rin niya agad ang mga dapat niyang ipasa kaya agad siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan at saka kinuhanan ng litrato ang kaniyang silid.

"I have a great room, it's so pretty I can't!" Pagliit niya sa kaniyang boses habang pinagmamasdan ang kaniyang silid. Puno ito ng mga halaman at iba pang palamuti. Kasama na rin dito ang mga librong nabili niya. Walang libro sa kwartong iyon ang kaniyang nabasa. Binili niya lamang 'yon upang gumanda ang kaniyang silid.

Malaki rin ang kamang mayroon siya. Halos kasya na rito ang tatlong tao. Malambot ang kutson maging ang unan. Sa gilid nito ay may isang cat tower kung saan natutulog ang kaniyang pusa. Nang mapansin niya ang kaniyang tulog na pusa, agad siyang pumunta rito at kinuhanan ito ng litrato.

Ang huling parte naman ng kaniyang silid ay isang mahabang mesa kung saan siya nag-aaral at kung saan rin siya nag-fifilm ng kaniyang vlog. Nang matapos na siya sa pagkuha ng litrato nito, agad rin siyang umupo sa kaniyang higaan.

Inilagay niya ang mga litratong ito sa aplikasyon kung saan maaari siyang makihalubilo sa kaniyang mga taga-suporta. Nang matapos siya sa pag-upload ng mga litratong iyon, agad niyang tinignan ang mga mensahe sa kaniya ng mga taga-suporta.

Kadalasan rito ay mga papuri, ngunit may iba ring manyak kaya agad niyang binura ang mga iyon. Sa kalagitnaan ng kaniyang pagbabasa, may isang mensahe ang nakakuha ng kaniyang atensyon. Binuksan niya ang mensaheng iyon. May sinend sa kaniya na isang video na paniguradong may kinalaman sa kaniya.

Nang buksan niya iyon, nanlaki ang mata niya dahil nakita niya ang litrato ng isa sa nireplyan ng nagpost. Pinanood niya lamang ang video hanggang sa dumating ito sa parte kung saan siya na ang nasa pinta ng may gawa no'n.

Taka niyang tinignan ang profile ng nireplyan ng may gawa ng videong iyon. Binuksan niya ang aplikasyong tiktok upang makita ang creator. Saka niya napagtanto na ginagamit nito ang kaniyang mga video maging ang mukha niya at sinasabi nito na siya iyon. 'What the hell? A poser?'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bridge of Chaos (WS SERIES #3 : Cancer)Where stories live. Discover now