chap 1

6 4 0
                                    

Elynna's P.O.V


"Mahal kita" aniya at hinalikan ang aking noo.

"Mahal din kita" sagot ko pabalik.

Inambahan sya ng mahigpit na yakap at dinama ko naman ito. Kumalas na sya ng yakap at pinantay ang aming mga mukha at unti unting lumapit ang kanyang labi sa aking labi....


"Elynna!! Gising na! Malelate ka na sa klase mo!"


Napabalikwas ako ng marinig ko ang sigaw ni mama.


"Opo ma, aahon na po!" sagot ko sa kanya.



Napaisip ako sa panaginip ko, totoo ba iyon? mangyayari ba? Sino kaya ang lalaking iyon na palaging dumadalaw sa aking panaginip?

Gumugulo na ang aking utak sa kakaisip kong sino ba iyong lalaking iyon. Bakit palagi nalang siya ang nasa panaginip ko? Minsan ay paulit ulit iyon.


Umahon na ako at naligo, ginawa ko ang aking morning routine. Pagkatapos ay pumunta na ako sa baba para kumain.



"Goodmorning ma!" sabi ko sabay halik sa kanyang pisngi.



Napangiti naman sya at tumango.



"Goodmorning anak, kamusta tulog mo? Late ka na ata nagising?” Takang tanong ni mama.



"Wala  iyon ma, ayos lang ako" nakangiting ani ko.



Kumain na ako't sinabayan ko si mama, pagkatapos ay inayos ko ang mga gamit ko para makapasok na sa school.


Nagmadali ako papunta sa paaralan baka malate ako, hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng panaginip ko.



Pagkarating ko sa paaralan ay nagmamadali ako, lakad takbo ako ng di ko namalayang may  nakabanggaan na pala ako.



Bigla ko namang inayos ang mga gamit ko at humingi ng paumanhin sa kanya.



"Aray -sorry kuya sorry po talaga nagmamadali lang po ako" nakayukong ani ko.


Tumawa naman sya at napatingin ako sa kanya. Shocks! why so gwapo? he seems so familiar but I can't remember. His eyebrows, red lips, white skin, his body, arghh! stop it serine!



"No it's okay I'm sorry too, bye I gotta go. Nagmamadali kase ako" nakangiting ani nya at mabilis na nagpaalam.



At ako naman ay napatulala hanggang sa mabalik ako sa katinuan at mabilis na tumakbo papuntang room.


Pagkarating ko ay laking pasasalamat na wala pa si ma'am at umupo sa aking upuan.




"Hoy bat nahuli ka? hindi ka naman ganito noong una, sa katunayan nga e ikaw pa yong nauuna kesa saamin" tanong ni Amy.


"Yong panaginip ko kase---" hindi natuloy ang sasabihin ko nang dumating na si ma'am at nagsimula nang magdiscuss.



Pagkatapos ng discussion ay sabay na kami ni Amy at Clyden na pumunta sa canteen.



"Hay nako! Ang hirap ng topic natin ngayon!" problemadong ani ni Clyden,



Gwapo din itong si Clyden, hinahangaan rin sya ng lahat. Kaming tatlo ay magkakaibigan simula pa noong una.



"Oo nga e, sasabog utak mo" pagsang-ayon ni Amy.


Pagkatapos umorder ay dumiretso kami sa table namin at umupo.



"Natapos mo na ba project mo serine?" Tanong ni Amy.


"Hindi pa nga e, tatapusin palang" sagot ko.


Ang hirap naman kase at nakatulog ako agad then ayon na nga yong panaginip na naman.


"Hala same beh, sabay na tayong tatlo?" Excited na sabi ni Amy.



Haynako kong alam nyo lang, magpapalibre nanaman itong baklang to. Kuripot din e.


"Hulaan ko, libre lang habol mo no?" Hula ko



"Grabe ka naman serine, pero parang ganon nanga" nakangiwing ani nya.



Natawa nalang kami ni Clyden.



Sumagi nanaman sa isip ko iyong lalaking nakabanggaan ko kanina, sino kaya sya? He really seems familiar. Di ko na matandaan kong saan kami nagkita.



"Serine!!" Sigaw saakin ni Amy sabay yugyog, napatingin naman ako sa kanya at binigyan Ng matalim na tingin.



"Bat ka ba sumisigaw dyan ah?" irita kong tanong



"Kanina ka pa namin tinatawag mukhang wala ka sa katinuan, di kaya pansamantalang umalis yang kaluluwa mo at ngayon lang bumalik?" natatawang tanong ni Clyden. Nakitawa na rin si Amy, napangiwi nalang ako.



"Wala may iniisip lang ako" despensa ko.



"Sino ba? Gwapo ba? Lalaki?" Ani ni Amy.



"Oo" sagot ko kaagad. Lumaki naman ang mata nya at mukhang kinilig.



"Ipakilala mo naman sa akin beh" sabi ni Amy. At kinuwento ko sa kanya yong lalaking nakabanggan ko.



"Tss" ani Clyden. Hmm, I smell
something fishy.




"Bahala ka. Ni hindi ko pa nga kilala, and he seems like familiar to me" iniisip ko ulit ang gwapong mukha nya.



Maski ako rin ay kinikilig sapagkat hindi ko naman mapagkaila na napakgwapo ng lalaking iyon.



"Btw, balita ko pupunta raw sa school natin yong anak ng may ari ng paaralan natin" chismosang sambit ni Amy



"Huh? Sino?" Takang tanong ko.



"Basta lalaki daw e" hula-hulang sagot ni Amy.



"Ikaw ha, alam na alam mo. Ang bilis mo naman makasagap ng balita" pangungulit ni Clyden kay Amy.



Confirm may gusto talaga tong si Clyden kay Amy. Halata nga e, sadyang manhid lang itong si Amy.




Hanggang sa matapos na kaming kumain ay dumiretso agad kami sa next sub namin. At saktong pagdating ni ma'am cherrie.



"All of you, don't be absent tomorrow because the son of our principal will come tomorrow and he will inspect this school if it's going great or not, I want you all to be kind and respected". Mahabang wika ni ma'am




"Yes po ma'am" masiglang sagot ng mga studyante lalo na sa mga kababaihan maliban sa akin. Bago lang kase ako dito, matagal-tagal na rin. Ako lang ata ang hindi nakakikilala sa anak ng Prinsipal.

Nakita na kaya nila ang anak ng Prinsipal? kaya ganyan sila kasigla. 


Parang kinabahan ako na parang naeexcite para bukas, ewan ko ba.












Zarihc_Kaw4i

It Was YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon