Elynna's P.O.V
Sya nga! Sya iyong nakabungguan ko kahapon!
At tumalikod paalis kasama ang matanda.
Lahat naman ng babae kinilig sapagkat napaka gwapo daw nito. Hindi ko rin maipagkakailang gwapo si Hendrix.
His name is familiar, his face, his body, I wonder if may abs b- Omygush! Stop it again serine, nagiging manyak ka na! Namula na ata ako sa pagdedesribe sa kanya
Pagkatapos ay sinimulan na ng aming guro ang pagtuturo.
Maya-maya ay natapos na 'ring magdiscuss si ma'am at kasabay naman nito ang pagbell.
Sabay-sabay kaming tatlong lumabas at bumili ng snacks, maya-maya pa daw kami uuwi.
"Yieeee!!! Ang gwapo nung anak ng Prinsipal no?" Nakangiting animo'y kinikilig na ani ni Amy
"Anong gwapo? Mas gwapo nga ako dun e!" Ani ni Clyden sabay papogi moves
"Susss 'di hamak na mas pogi yon kesa sayo" pambabara ni Amy
Ayan nanaman sila, parang aso't pusa. Ewan ko ba, pinanganak ata tong dalawang to para magbangayan
Talagang hindi pa rin sila tumitigil sa pag aaway ah? Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao dahil sa ingay nila
"Away-away mapupunta din 'yan sa pag-iibigan" pagpaparinig ko
Napahinto naman sila at sabay na tumingin sakin. Habang ako patuloy lang sa paglalakad
"Araayy" daing ko
"Bat ka ba nambabatok dyan?" Tanong ko
"Anong pag-ibig ha!? Tangang to, eto naman kase ang nauna" sabay batok rin kay Clyden
"Oh? Bat ako nanaman? Ikaw nga dyan ang nauna diba Ely? Dibaa??" despensa ni Clyden sabay punta sa likod ko, humingi pa talaga sakin ng tulong.
Natawa nalang ako sa pag-aawayan nila. Sa wakas at nakarating na rin kami sa may tindahan at bumili ng snacks. Umupo nalang muna kami sa upuan at doon na nagsnack
"Parang sulyap ata ng sulyap iyong si Hendrix sayo?" Mapanuyang tanong ni Amy
"Oo nga Ely, nagkita na ba kayo?" Tanong rin ni Clyden
"Kahapon, nagkabanggan" sagot ko
"Omygosh!!! Ano be nasalo ka? tinulungan kang kumuha ng gamit? Anong amoy? Ano?? Sagot naman dyan serine!" Sunod-sunod na tanong ni Amy.
Pano ako sasagot e panay tanong sya. Abormal talaga
"Paano makakasagot iyang si ely kong panay tanong ka naman dyan? Nihindi mo nga sya pinapasalita" mabuti pa itong si Clyden. Mindset ba mindset.
"Bakit? Ikaw ba yong tinatanong?" Sagot muli ni Amy
"Naku³! Tama na nga, magkainlaban kayo dyan sa kakaaway nyo"
Nakatanggap nanaman ako ng batok galing kay Amy
"Kanina ka pa namamatok ah?" Sabay himas ko kung saan 'yong masakit
"Sorry na, ikaw kase puro ka ano jan. Ano be nasalo ka?" Ulit na tanong nya
"Hindi, paano ako sasaluhin e pareho kaming natumba" sagot ko, inaalala iyong nangyari kahapon
BINABASA MO ANG
It Was You
FanfictionPaano kong nagkatotoo ang kanyang panaginip? Hahanapin kaya nya ang lalaking bumabagabag sa isip nya? Tadhana nalang ba ang gagawa para magkita sila? Come! Read this. I'll let you know the answers of these questions.