Plano

0 0 0
                                    

Kasalukuyang nakaupo at nag-aantay ang dalaga sa kanyang ama. Nasa kulungan sya at binisita ang ama nyang dalawang araw nang nakakulong.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang lahat na nakulong ang kaniyang ama dahil napakabuti nitong tao at tila hindi kapani-paniwalang nakagawa ito ng krimen.

Dumating na ang kaniyang ama at agad niya itong niyakap. Umiyak siya habang hinahaplos ng kaniyang ama ang buhok nya, "magiging ayos din ang lahat anak" pagpapagaan ng loob na sabi nito sa kaniya.

Nag-usap lang sila saglit at umuwi na rin ang dalaga. Mag-isa nalang sya ngayon sa bahay nila dahil ang ama nalang ang nag-iisa niyang kamag-anak.

Umupo na si Stella sa kanyang kama at tila natutuwang mag-isa nalang sya ngayon. Lahat nang ginawa niya kanina ay pawang akto lamang at hindi totoo.

Ginusto nya talaga na makulong ang ama at magdusa ito habang buhay sa kulungan. Hindi nya ninais na makasama ang ama sa iisang bubong, labis ang galit na nararamdaman nya rito.

Bata pa lamang siya ay iniwan sya nito at hindi nagparamdam sa kanila ng kanyang ina. Nakita nyang naghirap ang kanyang ina para buhayin sya hanggang sa manghina ito at bawian ng buhay.

Sa batang edad ay nagtrabaho na agad si Stella at dahil sa kasipagan ay nakakuha sya ng scholarship at nakapagtapos ng kolehiyo.

Doon lamang lumitaw ang kanyang ama na humihingi ng tawad sa kanya at nagsabing nagbago na ito. Hindi sya naniwala dito at pinairal ni Stella ang galit na nararamdaman nya. Ngunit tinanggap nya ito ulit sa buhay nya para pagdusahin.

Sinet-up niya ang ama sa isang krimen na hindi naman nito ginawa. Kinasabwat niya ang kaniyang kaibigan sa kunwaring attempted rape. Naglagay rin ng pasa sa iba't-ibang parte ng katawan ang kanyang kaibigan para maging kapani-paniwala ito.

Ang plano nila ay pupunta ang kanyang kaibigan sa bahay nila at lalapit sa kanyang ama, at doon si Stella papasok sa bahay at sisigaw pag nakita na niya ang kaibigan na walang pantaas. Iiyak ang kanyang kaibigan na para bang totoo ito.

Dininig ang kaso sa korte at nanalo ang kaibigan ni Stella sa kaso. Umiyak pa kunwari si Stella at tila nagluksa sa pagkakakulong ng kanyang ama. Ang kaibigan nyang si Heidi ay kunwaring yayakapin sya at patatawarin dahil wala siyang kasalanan sa nagawa ng kanyang ama.

Lahat ng plano ni Stella ay nasakatuparan nya dahil walang ibang naka-witness kundi silang dalawa lamang ng kaniyang kaibigan, at matibay na ebidensya na iyon.
Hindi nga lang makukulong ang kanyang ama habang buhay, ngunit sapat na kay Stella na magdusa ito sa kulungan kahit hindi na habang buhay.

Naging maayos ang plano ni Stella at labis siyang natuwa sa nangyari. Sa lahat ng pagkukulang ng kanyang ama, naisip niyang sapat na makulong ito dahil na rin sa hindi nito pagsuporta sa kanila noon na naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina.

Hindi niya matanggap na namatay ang kanyang ina. Ang ina niyang walang ibang ginawa kundi ang mahalin at alagaan siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon