❝ Agawin ang mic sa stage at kumanta ng Halik by Aegis? #DrunkMomo won't back down! . . . SHET?! ❞
Y Chronicles Universe
#KNMSD2 of Kabulastugan Boys Series
MNR COLLABORATION with @cappuchienooo & @nayinK
Manila Fuccboi's Best Girl, Momo: Whyy? Quatro told you, no? Bakit nga ba siya nakatambay sa Why at ikaw ang wala? Haha
Saint Nana of Cavite, Amen: May pinutahan kasi ako na event, kaya siya daw muna tatao sa cafe. May kinita ka raw? Hindi ko sure kung tama ba yong naalala ko, pero marami ka rin daw dalang gamit? Uuwi ka ba sa inyo? May problema ba sa family nyo? Okay lang ba lola mo?
Manila Fuccboi's Best Girl, Momo: Everyone's fine sa fam Kakain lang dapat sana kami Kaso nagkaayaan ng biglaang roadtrip
Saint Nana of Cavite, Amen: With family?
Manila Fuccboi's Best Girl, Momo: No haha I'm with Unclean
Ruru, Masamang Damo ng Valenzuela: koya dungis #2???
Saint Nana of Cavite, Amen: Kayong dalawa lang?
Manila Fuccboi's Best Girl, Momo: What, no. Alam nyo namang di ako sumasama mag isa sa mga ganyan haha I'm with Jazzy and some of their friends
Saint Nana of Cavite, Amen: Ahh, okay. Lagi na kayong magkasama, pansin ko?
Manila Fuccboi's Best Girl, Momo: Hay nako, te Yang isip mo
Saint Nana of Cavite, Amen: Hahaha wala akong naiisip, be. Bukas mo na lang ba titikman yong new mix ng kape?
Manila Fuccboi's Best Girl, Momo: Ouch Cannot be Maybe next week?
Saint Nana of Cavite, Amen: Hala, next week? Matagal kang mawawala?
Manila Fuccboi's Best Girl, Momo: I think they're planning for a 3 days roadtrip Tho di ko pa sure
Saint Nana of Cavite, Amen: Kaya ba ang dami mong dalang gamit? Parang naka isang maleta ka raw?
Manila Fuccboi's Best Girl, Momo: Hahaha Kilala mo naman ako te I overpack 🤣
Saint Nana of Cavite, Amen: Hahaha. Anong mayroon pala? Bakit ang biglaan yata nito? Anong sine-celebrate nyo?
Manila Fuccboi's Best Girl, Momo: Unclean signed with an independent manager!
Nana ... reacted with 😲
Sobrang nagustuhan yung song niya na tinatangi kasi
Nana ... reacted with 😲
Kaya itong si Unclean, libre ung tatlong music video na gagawin after
Nana ... reacted with 😲
All expense paid nung manager!
Nana ... reacted with 😲
Kainggit nga e haha
Saint Nana of Cavite, Amen: Wow! Congrats sa kanya kamo LSS nga si Chin at Venn sa tinatangi 😍
Manila Fuccboi's Best Girl, Momo: Hoy ang cute 😤 Kaya ba di sila nagwork ng crush niyang si Holland Dahil para pala siya kay Venn?! Haha
Nana ... reacted with 🤣
Ruru, Masamang Damo ng Valenzuela: pero batet di na lang rekta sa label? kelangan may manager pa na independent thingy?
Manila Fuccboi's Best Girl, Momo: Tanong ko nga rin yan haha E itong independent manager kasi, sobrang big shot Maraming kakilala na influencer tsaka artista Mas sikat pa nga kay B yung iba Nagpakita si Unclean kanina ng screenshot ng convo nila ng new manager niya Pumayag yong mga influencer na magbida sa mv Ang swerte!! 😩 I think balak din gumawa ng label ng manager But ayaw magmadali nang sobra kaya ayun
Ruru, Masamang Damo ng Valenzuela: ohhhhhHhhhhH suuus kaya mo rin naman yan tara gawa tayo mv kunin ko mga artista namin dito ikaw ung kakanta
Manila Fuccboi's Best Girl, Momo: HAHA ASA
Ruru, Masamang Damo ng Valenzuela: psshhh!!!!!
Saint Nana of Cavite, Amen: Nako, master. Mahirap pilitin yang si Momo pero waiting din ako sa pagkanta mo if ever. Hehe.
Manila Fuccboi's Best Girl, Momo: Never, ate. Haha
Ruru ... reacted with 😠
Hindi mo ako madadala sa ganyang emoji
Ruru ... reacted with 😭
Saint Nana of Cavite, Amen: Hahahaha. Ingat na lang kayo dyan, be. Balitaan mo kami from time to time. Gagawa na lang din kami ulit ng same mix for next week para ma-try mo nang fresh.
Manila Fuccboi's Best Girl, Momo: Grabe ate, mahal na mahal mo talaga ako Thank you! 😘
Nana ... reacted with 🥰
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.