Chapter 06

2 0 0
                                    

BIT - It's Okay to not Be Okay


KARARATING lang ni Arabelle sa karaoke house, masaya naman siyang binungad nila Maria, Kurt at Dane. Umupo siya at pumili agad nang kakantahin niya. Kumuha siya ng isang piraso ng mang juan at nakiki-sing along habang kumakanta si Helen.

Tinagayan siya ng soju ni Dane saka niya naman ito ininum. Nung matapos kumanta si Helen ay sumunod naman si Maria, nag hiyawan sila dahil sa kantang napili nito.

"Heto ka nanaman kumakatok sa 'king pintuan muling naghahanap ng makakausap..."

Makalipas ang ilang minuto ay si Arabelle naman na ang kumanta. Naghihiyawan din sila ay panay cheer naman si Dane sa kanya. Nahihiya tuloy siyang kumanta. Ilang oras din silang nasa karaoke house at hindi nila na pansin ang oras. Nahihilo na rin ang mga ito dahil sa alak na kanilang nainom.

Tinignan ni Arabelle ang kanyang cellphone at nakita kung anong oras na. May nag-text din sa kanya kaya binasa niya ito.

Boss J: You have only 30 minutes left.

Boss J: It's 11:30, if you read the contract carefully, it's written there that you should be here before 12 midnight.

"Shit" Mahinang pagkasabi nito. Pero na pansin siya ni Helen kaya suminyas ito sa kanya kung anong problema. "Nakalimutan ko ate Helen, may curfew pala ako."

"Ganun ba? So, mauuna ka na bang aalis?"

"Oo, pasensya na kayo guys. Kailangan ko na umalis. Babawi nalang ako sa susunod."

Nagpaalam naman na si Arabelle sa mga dating kaofficemates niya. Hinatid siya sa labas at pinasakay nang taxi. Kumaway siya habang papaalis na yung sinasakyan niya. Pumasok naman muli silang apat sa karaoke house at pinagpatuloy ang natitirang soju.

Nang makauwi si Arabelle sa bahay nang kanyang boss, nakita niyang nakaupo ito sa sofa tila hinihintay siyang dumating. Hindi niya naman alam kung anong gagawin or sasabihin kaya lumapit nalang siya at umupo na parang batang natatakot mapagalitan.

"Pasensya na, alam kong nag e-enjoy ka pa doon sa pinuntahan mo. Pero kailangan nandito ka na sa bahay nang ganitong oras."

"Sorry po sir... Hindi na po mauulit-"

"Pag tayo lang dalawa, lalo na dito sa bahay, tawagin mo nalang ako sa pangalan ko. At wag ka rin gumamit ng po kasi hindi naman nagkakalayo edad natin."

"Pero sir-"

"No more buts ms. Palma." Pagputol na naman nito kay Arabelle. "You may go to your room now."

Wala naman na rin'g nagawa si Arabelle at pumunta na lang siya sa kanyang kwarto. Nang makapasok siya, nilabas niya ang kanyang cellphone sa bag at nag-text sa kaofficemates niya na nakauwi na siya. Humiga siya sa kama at nakatulog.

Tumayo naman na si Jared sa kanyang inuupoan at nag lakad papunta sa kwarto niya. Napahinto siya saglit at tumingin sa pintuan ng kwarto ni Arabelle at nag lakad na uli papasok sa loob ng kwarto nito.

Kinaumagahan maagang nagising si Jared at dahil tulog pa si Arabelle ay siya na lang muna ang nag luto nang kanilang kakaining breakfast. Buti na lang ay wala siya gaanong gagawin ngayon.

Tunog ng tunog naman ang alarm device ni Arabelle ngunit tila hindi parin ito nagigising. Naririnig din ito ni Jared sa labas kaya napapailing siya.

Ilang sandali ang nakalipas ay sa wakas na gising na rin si Arabelle, tinignan niya yung oras at napabalikwas. Dali-dali siyang bumangon at bumaba saka nag tungo sa hapagkainan ng bahay. Nakita niyang naghahanda na si Jared nang makakain sa lamesa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Better in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon