Chapter 02

11 0 0
                                    

BIT - Hot N Cold


Tinakpan ni Arabelle ang mga mata ng lalaking nakaupo nang makita niya ito pagdating niya sa diner.

"Guess who." Nakangiti nitong tanong rito.

"Seriously, Belle?" Sabi nito sa kanya at napabuntong hininga si Arabelle saka umupo sa tapat nito.

"Ito naman ayaw makisama masyado ka talagang kill joy."

"Mabuti pa kainin mo na yang fries mo." Sagot nito.

"Hmm!" Ngumuso si Arabelle saka kinain yung fries niya. "May shooting ka bang gagawin ngayon?"

"Yup, why?" Tanong nito habang busy sa pag kain ng chicken nuggets niya.

"Magsicelebrate sana tayo eh." Malungkot nitong sabi. "Sige, sa susunod na lang."

"Bakit? Para saan?" Tanong nito at tinignan siya nang masama ni Arabelle. "Joke lang. Sa susunod na lang, okay? Bawi ako sayo, promise."

Ngumiti ng malapad si Arabelle sa sinabi ng lalaki, ang kaibigan kasi nito ay isang sikat na actor-director. Bising-busy ito sa shooting niya para sa bagong teleserye na siya ang bida at director.

"Promise mo yan ha."

"Oo nga. Kaya please lang huwag mo na ulit akong tignan ng masama. Ang pangit mo kaya pag ganun mukha mo."

"Luh. Grabe siya oh!" Sabi nito at tinawanan lang siya ng kaibigan nito. "Siya nga pala Jack, anong storya ba nung bago mong teleserye?"

Napahawak na lang sa ulo niya ang lalaki dahil dumaldal na naman ng dumaldal si Arabelle.

Napagpasyahan na nilang umalis sa diner at sumama naman si Arabelle sa shooting place nila Jack.

Binati sila ng mga staff pagdating nila, lumapit si Jack sa isang babaeng nakaupo sa silya habang minimake-apan at si Arabelle nama'y nakikipagusap sa mga staff.

"Buti hindi ka late ngayon Vanessa?"

"Hello direct. Ang ganda ng bati ah?" Sabi nito habang nakapikit. "Eh, ba't ikaw direct ngayon ka lang?"

"Kumain muna ako bago dumiretso dito. Teka nga, ano bang pakialam mo?"

"Hmm.. Wala lang. Akala ko kasi nakipagdate ka na naman dun sa-"

"Gusto mo bang mawalan ng career, Vanessa? Sabihin mo lang. Mabilis lang akong kausap."

Napa-smirk naman ang babae at tumahimik na lang, umiling naman si Jack at lumapit kay Arabelle.

"Belle, dito ka lang. Mag-sisimula na kami." Sabi ni Jack at tumango naman siya.

Nag-umpisa naman na yung shooting nila at manghang-mangha namang nanonood si Arabelle sa mga ito pati na sa kaibigan niya.

Samantala, nakatayo namang nanonood si Jared habang nagtatago sa jacket niyang may hood. Minamasdan niya habang umaarte ang babaeng gusto niya, si Vanessa.

"Archie, sandali," Tawag ni Vanessa sa character name ni Jack. "Mahal kita."

Tinititigan naman ni Jack si Vanessa at umiiling ito, "Sorry, Karla.. Best friend lang talaga ang turing ko sayo." Sagot ni Jack sa character naman ni Vanessa.

"Bakit.. May iba ka bang gusto?"

"Wala. Hindi lang talaga siguro para sa akin ang pag-ibig." Sagot nito habang naluluha naman si Vanessa. "I need to go."

Humahagulgol naman ng iyak si Vanessa ng tinalikoran siya ng character ni Jack at iniwang mag-isang nakatayo sa labas ng bahay.

"Nakakaiyak naman." Sabi ni Arabelle na tila'y naiiyak na rin dahil sa eksena.

Better in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon