BY30: SCULPTURE

5.8K 127 16
                                    

Asha's POV

"Where is my sister?" Nangangalaiti na sigaw ko pagpasok ko ng opisina ni Papa.

"Wnat do you mean where is your sister?"
Nakakunot-noo na tanong niya habang kunwari ay binabasa ang hawak na papel.

"Hindi mo ako maloloko, Pa. Kung gagantihan mo ako, ako na lang! Not her!" Pagmamakaawa ko.

"I don't know what you are talking about,"
patay-malisya pa rin na saad niya.

Naikuyom ko ang kamao ko.

"Please..." Unti-unti akong lumuhod sa harapan niya habang nagmamakaawa ako. "Huwag naman ganito, Pa. Ako naman ang kalaban mo, 'di ba? Let her go..." Umiiyak na sabi ko.

Tuloy-tuloy lang ang luha ko na minsan naisip ko sana...sana hindi na lang ako natuto na lumuha ng muli.

Tumingin siya sa akin, seryoso...para bang wala siyang idea sa sinasabi ko. Hanggang sa unti-unti ng napalitan ng ngisi ang nakatatakot na mukha niya.

"Do you really think I am going to let her go when she's my ace?" Tumayo siya at dahan-dahan na lumapit sa akin.

Naramdaman ko muli ang panginginig ng katawan ko. Hindi ako makagalaw. Pumikit ako habang ramdam ang bigat ng hininga ko. Akala ko kaya ko na siyang harapin pagkatapos ng ginawa niya sa akin...mali pala ako. Kahit kailan hinding-hindi ko na siya gugustuhin na makita pa.

"Please...tell me what I should do for you to let her go. Please...". Nangangatog ang tuhod ko ng lumapit siya sa akin at haplusin ang pisngi ko.

Bago pa siya muling magsalita ay may mga yapak na pumasok sa opisina niya. Sa isang iglap, nakita ko na bumagsak na si Papa dahil sa lakas ng suntok na nakuha niya.

"Sky!" Agad akong lumapit sa akin at bumagsak sa mga bisig niya.

"What are you doing here?" Galit ngunit may pag-aalala na sabi niya sa akin.

Mas lalo akong naluha dahil sa init ng yakap niya. Kumapit lang ako sa kanya...natatakot sa kung ano ang gagawin ni Papa.

"The fuck! Did you just hit me?" Sigaw ni Papa.
"That's direct assault."

"I am well aware of that. You can actually charge me if you want..." Ngumisi si Skater.

"Sky..." I warned him.

"I'm sorry, Asha. I'm sorry, love...but I have to do this." Hinalikan niya ako sa noo.

"What?" Naguluhan na tanong ko. "What are you trying to do now?"

"I will not let you sacrifice yourself again to save your sister," sabi ni Skater.

Hindi ko makuha ang nais na sabihin niya ngunit tama siya...handa ako na gawin ang lahat para sa kapatid ko. Handa akong kalimutan ang lahat para mailigtas siya. Ngunit ngayong nasa harapan ko si Skater, napagtanto ko kung gaano ako katanga.

Abogado ako, dapat tagapagtanggol ako ng batas...at dapat siyang managot.

Mabilis ang naging pangyayari. May dumating na mga pulis mula sa ibang opisina 'pagkat sino ba ang huhuli kay Papa sa sarili niyang opisina?

"You are under arrest, General Montemayor," seryosong saad ni General Fermin.

Natawa si Papa, tila ba hindi makapaniwala.

"You know that I didn't commit any crime. How the hell were you able to obtain that warrant of arrest?"

"You read this by yourself," sabi ni General Fermin sabay abot ng papel kay Papa.

"Sotto..." Kinusot ni Papa ang papel at inihagis sa harapan namin. "Fuck that Justice!" Ngumisi siya sabay tingin sa akin. "Are you seriously doing this to me now, Asha, when you know I have an ace against you?"

Brewed Yesterday (Bar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon