78 #Narration

335 3 3
                                    

Socrates POV

Ngayon lang yata ako na tuwa na may Face to face examination kami ngayon sa Theoretical Foundation of Nursing. Ibig sabigin may tyansa na magkita kami ngayong araw dahil balita ko ay nasa school siya ngayon.

Marami ng nakakaalam sa nangyari. Nakaupo lang ako habang naririnig ko ang mga klasmates ko sa mga kwentuhan nila tungkol kay Cassade.

As a classmates concern din sila sa kanya dahil alam naming may kakayahan talaga siya pero ganito't candidate siya ng drop out.

Last chat namin ay sinabi na niyang drop out na siya pero ang sabi sabi ay hindi pa naman. Nag meeting ang mga teachers para malaman kung may kakayahan ba siyang makakuha ng mataas na score o sinandya niya talagang hindi sagutan.

"Sabi ni Mommy galit na galit daw si Doktora Calmona nung bumaba siya sa hospital! Halos lahat ng mga bagong nurses ay na sigawan!"

"I know. Kuya told me to about that no! Resident doctor siya sa Heart Center at konting mali lang magagalit na agad si Doktora Calmona!''

"Balita ko ay issue to sa mga hospital ngayon!"

"Ultimo ibang course alam tong issue e!"

Siniko ako ni Zakie sa gilid ko.

"O?" ako.

Inayos niya muna ang bago niyang half frame eyeglass bago nagsalita. Nagkumpulan naman agad sila Kyna at Sage dahil mo kang pati sila ay kuryoso sa sasabihin ni Zakie.

"Nasa principal office si Cassade ngayon, hindi siya makakasama sa exam natin dito sa TFN. Pero kukunin niya ulit lahat ng na miss niyang exams and quizzes. Isang oras kada subject with deduction."

Napasingkap si Kyna hawak pa niya ang dibdib niya.

"Okay na yon kaysa bagsak! Kaysa walang record! Ang bruha na yun talaga laging dinagsasabi sa mga ganap sa buhay niya!" ngumoso siya at nilingon si Rae. Natahimik na nagrereview sa gilid."Pakopya ako mamaya ah!" nilapitan niya pa ito at niyogyog.

Napailing ako at bumaling kay Zakie.

"Sigurado ka na ba dyan? Tingin mo kung makakakuha siya ng mataas na score kahit pa may deduction... nasa president lister pa rin kaya siya?"

Tumango tango si Zakie at nag isip sa kawalan.

"Siguro... pero sa tingin ko baka ikaw ang una... sunod si Garcia... Hinzon, De leon tyka si Galvez bago siya." aniya.

Kinabahan ako. Pano nalang kapag nalaman din to ni Doktora Calmona? Her daughter pass her name on the candidate of drop out, zero her exams and now baba ang ranking niya?

"Wag mong planohin na sadyaing maliin ang mga sagot mo sa exam Soc. Hindi rin matutuwa si Cassade kung malalaman niya yan. Ang alam ko Capping and Pinning natin after this semester since na delay nga at ngayon na naisipan ituloy."

Tumango ako.

Pagkatapos ng maduguang exam bumaba kami agad ng build. Nagkahiwahiwalay na kami dahil may kanya kanyang gala ang iba.

Pagbaba ko ng ground floor nakita ko Cassade na nakasandal sa mahabang couche dito sa med lobby. Bagsak ang katawan, nakapikit ang mata habang hawak ang ilang mga text papers. Nasa gilid niya ang ilang gamit pa niya pati na rin ang ipad.

Napangiti ako. At least hindi pa siya sumusuko diba? Ayoko naman na siyang isturbohin kaya hinayaan ko na siya. Anong oras na kaya siya natapos? O katatapos lang niya sa lahat ng exams? Tumingin ako sa wristwatch ko. Halos alas dos na ng hapon. I wonder if kumain ba siya ng lunch?

Done Late (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon