96 #throwbacknarration

174 5 2
                                    

Cassade POV

Some of the old furniture is still here. May isa ngang tauhan na mukang nag aalis ng mga gamit dito pero na wala naman agad nung pumasok ako.

Hindi ko maintindihan si Socrates o hindi ko lang talaga maamin sa sarili ko?

Nararamdaman ko kasing...

...may gusto siya sakin...

Umiling ako at naupo sa isa sa natitira pang upuan sa loob. I chatted him to get here and it's been half hour. Ayos lang naman dahil biglaan itong pagkikita namin.

Tumunog ang chime ng inaalikabok na na shop hudyat na maypumasok. Hinihingal siya at tumatagaktak pa ang pawis. Humila siya ng isang upuan at naupo sa harapan ko. I first notice how well fit his uniform on him.

"Huminga ka muna,"

Kawawa naman ang... gwapo pa naman niya ngayon.

"Tss," he breathe.

Hinintay kong makabawi siya bago ako nag umpisa.

"I just want to clarify something between us..." before I go abroad.

I sighed heavily.

"I'm sorry kung na damay pa kita... don't worry I already ask my mother to stay away from you and Kuya will help you kung hindi ka makahanap ng trabaho dahil kay Doc. Calmona-"

"Akong bahala sa magiging trabaho ko, Cassade. Hindi mo kailangang problemahin yon. Sisiguraduhin kong qualified ako bilang isang doktor pagdating ng panahon." aniya, hindi na ko pinatapos.

"Doc Calmona for sure will not let you-"

"Dati na ring nasa health related nag tatrabaho ang Papa ko ganon na rin si Mama kaya wala akong problema kung harangan man ni Doktora Calmona ang pagiging isang doktor ko." Seryoso siyang tumingin sakin bago nag iwas ng tingin na para bang na hihirapan siya magsalita." Nurse rin ang ate ko at nagbabalak na ring pumasok ulit sa medisina... ayos lang ako, kaya ko at pagsusumikapan ko ang pangalan ko Cassade."

I tried to understand all of his words. Gulat man ay nakapagsalita pa rin ako.

"May tiwala naman ako sa kakayahan mo--"

"Mukang hindi, Cassade." bato niya.

Napa angat ako ng tingin sa kanya. Umayos ng upo at tinaasan siya ng kilay.

"I trust you Socrates."

He leaned forward. There's a small stretch on his face. Tumitig siya sa mga mata ko.

"Then be my safety wife, Cassade. Kapag naging successful nako. Kapag... may ipon nako, kapag may ihaharap na ko, sana andyan ka pa rin." aniya sa malamlam na boses. He sounds tired and frustrated at the same time determined.

And that caught me off guard.

Safety wife?

Halos ilang minuto kong pinoproseso ang lahat ng sinabi niya. Tahimik lang siya sa harapan ko.

Paglingon ko sa kanya parang kabado naman na siya ngayon.

"Alam mo ba yang mga pinagsasabi mo-"

"Gusto kita."

"Ha?"

Edi tama nga ako sa hinala ko. Kaya lang...

I bite my lips. Salo salo ang nuo dahil hindi alam kung anong gagawin ko.

I'm not into romance person so I don't know how to reciprocate! Ano bang dapat sabihin sa ganitong sitwasyon?! Kainis tong tao na 'to laging pinapagulo ang isip ko.

"What do you mean na gusto mo ko? E halos hindi kana nga magparamdam sakin!"

Tumikhim siya. Nag susulat gamit ang daliri sa maalikabok na lamesa. Isang 'S' na initial at isa pang 'C', sa gitna ay isang puso.

"Muka kasing nagugulo kita kaya..."

"That's why you transferred sa UST?" sabi ko.

He slowly nodded.

"You know what? Hindi ko naman talaga goal maging top sa school. Gusto ko lang n-na makita ako ng magulang ko especially my mother. I want her attention badly since I was a kid. Kuya is her favorite kung hindi mo pansin so I was so jealous dahil anak na rin naman ako." Diniinan ko ang labi ko para lang hindi maiyak. I can't believe I'm sharing these to him right now. "But going to UST with some of my cousin's  there doing so good sa academics, joining different orgs while me..." Umiling ako.

Kunot ang nuo niyang pinapakinggan ako.

"Nag enrol ako sa iba para malayo sa kanila. But then it happened na nandyan ka."

"Bakit?"

Umiling ako at pinunasan na ang tumulong luha. He leaned forward to hold my hands.

"Am I too much to you?" he said with so much pained.

Umiling ako.

"Problema ko yon dahil wala ka na mang ginagawang kasalanan sakin. Maybe dala lang ng pressure. Nahirapan ako lalo nung nalaman ko na ang talino mo pala, wala naman kasi sa itsura mo."

I tried to joke to lighten the mood pero seryoso pa rin siya kaya ngumuso ako.

So lame Cassade.

Pinunasan ko ang luha ko at sinimangutan siya.

"Don't worry gagradweyte ako bilang Nurse, magtatake rin ako ng exam para may souvenir naman ako." yabang ko pa.

Sinimangutan niya ko. Tinawanan ko siya. Hilig ako para makabulong sa kanya para walang makarinig sa sasabihin ko.

"Kailan mo pa ko nagustuhan, Philosopher from Atens?"

Tinaasan niya ko ng kilay at nginisihan ako. Humilig rin siya para makabulong.

"Matagal na..." aniya.

Magsasalita na sana ako kaya lang pumasok yung lalaking naghahakot.


















"Excuse mo po Ma'am, Sir kukunin ko na po itong lamesa at upuan para maisakay na lahat sa truck."

Done Late (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon