NANUNUOT sa aking balat ang lamig at sumisigid iyon sa aking kalamnan. Wala akong saplot, at tanging kumot lamang ang tumatabing sa aking gitnang katawan. Gustuhin ko mang hilahin ang kumot para mabalutan ang buo kong katawan at maibsan ang lamig na aking nararamdaman, hindi ko magawa.
Nakatali ang mga kamay ko sa bed post ng kama, pa dipa. Gayon din ang aking mga paa. Kung nasaan ako at kung paano ako napunta rito, hindi ko rin alam.
God knows what truly happened to me. The last time I remember I was walking at the parking lot when suddenly something hit the back of my head, then all black out.
Nang magising ako, nandito na ako sa isang malaking silid na walang ibang laman kundi isang malaking kama. Madilim ang paligid at walang lumalagos na liwanag mula sa nakasarang bintana dahil sa makakapal na kurtinang naroroon.
I scream to the top of my lungs seeking for help. But no one came until now, even my kidnappers didn't showed up. Masakit na ang lalamunan ko kaya itinigil ko na. Useless dahil mukhang wala namang makakarinig sa akin.
Pati ang baba ko nangangatog na sa lamig. If my kidnappers wanted to torture me, he or she doing a great job now. Mahina pa naman ang katawan ko sa lamig. Madali akong sipunin.
I heard the creak of the door. My eyes immediately flew on the door's direction. Isang pigura ang aking naaninag. Sa kaunting liwanag na nagmumula sa bukas na pintuan pilit kong sinisino ang taong pumasok. Ang dahilan kung bakit ako naririto sa sitwasyong ito.
Lumakad ang pigura papalapit sa kama na kinaroroonan ko. May inabot ito sa gilid ng kama at nagkaroon ng dim na liwanag sa silid.
"What do you what from me?" paos ang tinig na tanong ko. Ilang oras na kong nakababad sa lamig, idagdag pang nanunuyo na ang lalamunan ko sa uhaw kaya marahil minalat na ko at maaligasgas na ang tinig ko.
Lumundo ang kama nang maupo ito sa tabi ko. Bahagya akong nakaramdam ng gulat nang mapagtanto kong isang babae ito. Sa kaunting liwanag na nagmumula sa binuksan nitong lampshade ay saglit na pinag-aralan ko ang salarin na nasa harapan ko. Isang itim na nighties ang suot nito, see through, kaya naman kita ko ang lace bikini. Wala itong suot na bra kaya naman bakat ang nipple nito. Her skin looks smooth and creamy at mas lalo iyong nagmumukhang masutla dahil sa malamlam na liwanag.
May suot itong itim na mascara na tumatabing sa kalahati ng mukha nito. Natuon ang pansin ko sa mga labi nito. Makipot ang itaas na labi nito at matambok ang ibaba. Maganda ang kurba niyon na para bang nang-aakit na magpahalik kahit pa wala itong sinasabi o ginagawa.
Bigla ang pagsalsal ng aking dibdib nang may isang imahe ang aking naalala. Isang labi na minsan kong natikman at ni minsan ay hindi na nawaglit sa aking isip.
Labing pinangarap kong muling mahagkan.
"Who are... you?"
Kumurba sa isang ngiti ang mga labi nito. Miski ang ngiti nito ay pamilyar sa akin.
"I am the woman you should love," she said. Her voice was different. It seemed like she used some gadget to change her voice. My eyes landed on her neck, and I saw a small round patch stuck there.
"Why would I?" tanong ko rito habang ang mga mata ay pasimpleng hinahagod ang hubog ng katawan nitong hindi masyadong naitago ng suot nito.
Nawala ang ngiti nito sa mga labi. Ngunit saglit lang at muli iyong bumalik, and it's a wicked smile. Parang gusto kong kilabutan ngunit kabaligtaran ang nararamdaman ko. I felt giddy and excited. Para akong batang may bubuksang bagong laruan.
Yumuko ito at bumulong sa aking tainga.
"Because I say so..." malambing nitong bulong.
Mary mother of goddamn Jesus, gusto kong mapapikit sa mainit na buga ng hininga nito sa aking leeg, kung hindi ko napigilan ang aking sarili baka may kumawala ng ungol sa aking bibig. Nagtunugan ang kadenang nakatali sa 'king magkabilang kamay nang tangkain kong hawakan ito. Nawala sa isip kong nakagapos nga pala ako.
I clenched my jaw, accompanied by a secret smile.
I now knew who my kidnapper was.
Someone I knew very well.
The woman of my dreams.
But one question played in my mind...
Why did she kidnap me, and not my twin, whom she was obsessed with?
YOU ARE READING
Owning Him
RomanceJullianna Capistrano (Daughter of Angela and Mael of Owning Her) Gavin Melchor (Son of Sabrina and Gabino of The Crazy Tease) _______________ "Who are... you?" Kumurba sa isang ngiti ang mga labi nito. Miski ang ngiti nito ay pamilyar sa akin. "...