Chapter 1

2.5K 100 18
                                    

TAPOS na ang misa kaya mabilis akong humiwalay kina mommy para pumunta sa bukana ng simabahan.

Palinga-linga ako sa paligid. Maraming tao ang nagsisimba ngayon dahil unang Linggo ng buwan. Kaya mas tinalasan ko pa ang aking mga mata sa paglinga sa paligi. Sinisiguro kong hindi makakaligtas sa akin ang pakay ko.

Linggo-linggo pinanabikan ko ang araw na 'to. Ito kasi ang araw na puwede kong makasabay si Gabriel at makausap kahit saglit lang.

Nakita ko na siya kanina. Na sa kabila ng pew kasama ang mga magulang niya at kapatid. At nasa unahan namin 'yon kaya alam kong kami ang naunang nakalabas.

Mayamaya pa nga ay may pamilyar na bulto na akong natanawan. Automatic na humagod ang aking palad sa aking buhok at bistida. Isang baby pink na dress na umabot hanggang sa itaas ng tuhod ang suot ko. May lace ribbon sa bandang baywang. Katerno iyon ng headband kong suot at doll shoes.

Mabilis kong dinukot ang lipgloss ko at naglagay para masigurong hindi ako maputla sa paningin ni Gabriel. Huminga ako nang malalim para itago ang excitement na nararamdaman ko. Ayoko namang magmukhang trying hard kay Gabriel, major turn off 'yun.

"Hi, tito Gabino, tita Sab," masiglang bati ko sa mag-asawang Melchor; ang mommy at daddy ni Gabriel.

"Jullianna! Kamusta ka, hija?" bati sa akin ni tita Sabrina. Bumeso ako sa kanya at nagmano kay tito Gabino.

"Hi, Juls," bati sa akin ni Gabriel. Kaakbay niya ang kapatid niya si Leticia, ang sumunod rito.

"Hello," bati ko sa kanila sabay ipit ng buhok sa likod ng tainga ko.

"Ang awkward mo magpa-cute," ani Gavin na kakalapit lang, ang salot na kakambal ni Gabriel. Karga nito ang bunsong kapatid na si Alicia. Nakangisi sa kanya si Gavin ng nakakaloko. Sarap burahin ng mukha.

Kung wala lang kami sa labas ng simabahan at hindi lang kaharap si Gabriel at mga magulang ng mga ito, malamang na natarayan ko na si Gavin.

Epal kasi. Hindi ko alam kung paano ito naging kakambal ni Gabriel, samantalang ubod ng bait ng huli. Sa katunayan ito ang student president nila sa St. Ignatius, ang nag-iisang private school dito sa San Ignacio na pag-aari ng pamilya namin.

Doon ako nag-aaral bilang grade nine habang si Gabriel naman ay grade twelve na. Huling taon na nila sa Highschool department at lilipat sa Capistano University of College na nasa kabilang bakod lang naman ng St. Ignatius. Malapit lang kung tutuusin pero magiging madalang niya na itong makita lalo na kapag breaktime.

"Gavin..." saway rito ni tito Gabino.

Pilit ang ngiting nginitian ko si Gavin bago bumaling sa daddy nito. "Okay lang po, tito. Alam ko naman pong palabiro talaga 'tong si Gavin."

Sorry po, Lord, sa pagsisinungaling. Kung di ba naman talaga demonyito kakalabas ko lang ng simbahan nagawa niya na akong pagawain ng kasalanan. Buti na lang talaga hanggang physical appearance lang ang pareho sa dalawa.

Umismid naman ang malditong si Gavin. Halatang hindi naniwala na okay lang sa akin ang pasmado niyang bibig.

"Asan pala ang mommy at daddy mo? Bakit ka nag-iisa?" magiliw na tanong sa akin ni tita Sab. Si tita Sab ay pinsan ng tita Erika ko na asawa naman ng tito Juancho ko na kapatid ng mommy Angela ko.

"Nauna na po sila, tita Sab."

"Gano'n ba? Ang mabuti pa sumabay ka na sa amin. Dadaan kami sa chef Melchor, doon ka na rin mananghalian," aya ni tita Sab na ikinakinang ng mata ko at ikinalapad ng ngiti ko. Hulog talaga ng langit si tita Sab.

Mababait naman ang mga ito, maging si tito Gabino. Nakakapagtaka talaga si Gavin kung saan nagmana. Kung hindi lang ito kakambal ni Gabriel baka isipin kong ampon lang ito.

Owning HimWhere stories live. Discover now